#2[BS(MMN)]:Part two

57 4 3
                                    

Hermammionne POV

Habang nakahiga ay pinagmamasdan ko ang locket na nahulog nung taong nabangga ko sa cafeteria kahapon. Alam kong sakanya itong locket na ito kasi nandito yung picture niya kasama ang isang babae na pawang pitong taong gulang pa lamang.

Nang marinig kong may parating, agad kong itinago ang locket sa ilalim ng unan ko.

"Eiyha,maaga kaming aalis bukas. Kailangan mong magising ng maaga. Ikaw ang maghahanda ng kakainin mo. Sige na,matulog ka na" si tita Lyhn pala.. May kailangan silang puntahan kaya dapat magising ako ng maaga.

"Uh-uhmm.. Ah.. S-sige po..matutulog na po ako" pagkasagot ko ay umalis na rin siya agad.

Kinuha ko ang locket at itinago ito sa kahon na aking pinaglalagyan ng mga mahahalagang bagay. Mahalaga na itong bagay na to sakin dahil may kailangan akong pagbalikan ng bagay na ito ngunit di ko alam kung saan mahahanap.

*Phone Ringing*

"Hel--" magsasalita pa lamang ako kaso bigla akong napatigil ng biglang magsalita si Gail.

"Bes! Alam mo ba kung pang ilan ka sa klase ha?" Na-excite ako sa sinabi ng bestfriend ko at the same time ay kinakabahan. Matagal ko nang hinihintay kung ano ang resulta ng mga Grades ko..

"Hindi eh...alam mo ba? Pang-ilan ako bes?"

"Huwaat!? Di mo alam?" Yung pagka-excite ko parang biglang napalitan ng inis nang hindi niya nasagot ng maayos yung tanong ko.

"Oh bakit? May problema ba?"

"Uhm...ah eh...kasi..." Bakit parang di niya masabi? Kanina lang excited na excited sya...tapos ngayon parang nag aalangan na di mo malaman

"Gail?"

"Good night bes"

*toot toot toot*

Huh? Nangyari dun? Kanina lang excited tungkol sa rank namin. Tapos nung tinanong ko hindi na niya masabi.. Naexcite pa naman ako. Paasa bes?

----

Alarm Alert: [Wake Up Princess!]
TIME - 3:00 a.m.

Bumangon na ako at naghanda na.

Pagkatapos kong gawin yung mga dapat kong gawin ay nagbihis na ako ng uniform ko. Nabibilang ako sa Special Section kaya iba ang uniform namin sa ibang section. Blue jumper(yung skirt ang pang ibaba niya..alam niyo yun?basta yun na yun), white baby colar blouse, black shoes, and black&white ponytail. Check! Agad na akong umalis ng bahay at dumiretso sa Library.. Dadaan na lang siguro ako mamaya sa Cafeteria pag nagtext na si Gail.
----

Gail POV

Hiiiiiiiiiiiiiiiii! Haha.. Over yung pagbati ko.. Sorry haha... Sa wakas! Nagkaroon rin ako ng POV. Akala ko talaga si Hermammionne na lang ang may POV.

Na-dissappoint ako nang malaman ko na hindi pa pala alam ni Eiyha yung rank namin..akala ko kasi talaga alam na niya..kinakabahan tuloy akong malaman kung ano na ba talagang rank namin.

Ini-lock ko ang bahay ng matapos na akong makapag ayos at ready nang umalis. Pupunta muna ako sa bahay ni papa bago pumunta sa Cafeteria.Sa cafeteria kasi kami magkikita ni Eiyha. Yung tinutuloyan ko ngayon ay bahay ng lola ko. Medyo may hindi kasi kami pagkakaunawaan mng papa ko pero di ako galit sa kanya.. Sadyang ayoko lang talaga yung mga ginagawa niya. Kung ano yun? Basta. Akin na lang muna yun.

Pagkadating ko kina papa, tumakbo ako papunta sa kwarto namin at kinuha ko yung ID ko. Yun lang naman kukunin ko eh. Naiwan ko kasi nung nagkaroon ng handaan yung mga pinsan ko dito.

Pupunta na ako ng cafeteria, baka mamaya naghihintay na dun si Eiyha.

Pagkadating ko ng cafeteria wala pa pala siya. Umorder muna ako. Hindi pa ako nag almusal eh..

"Hmm..ahem!"senyas sakin ng isang lalaking di ko kilala.

"Hm? M-may problema ba?"

"Pwedeng maki-share sa table mo? .. Wala na kasing ano... Table eh."tanong niya.. Ang cute niya. Parang nakita ko na siya..

"Miss?"

"Uh..ah..O-oo sige" nakaka ilang . Stranger sa harapan ko habang kumakain? Bakit ba kasi ang tagal nung bestfriend ko?

"Miss, pwedeng makipagkilala? Anong name mo?" Tanong niya.

"Ah oo naman. Ako nga pala si Crystal Gail Lee. Madalas nila akong tawaging Gail. Ikaw, anong name mo?" Pagpapakilala ko. Asan ka na ba Eiyha..naiilang na ako dito.

"Bes!" -Eiyha

Hayst. Buti na lang at dumating na sya.

"Bes, buti dumating ka? Alam mo bang kanina pa ako naghihintay dito?"

"Sorry naman. Tinapos ko pa kasi yung---"

"Shhhh... Tara na" hindi ko na siya pinatapos  kasi pag pinatagal ko pa yun baka ... Baka mamaya siksikan na sa results area. Yun tama yun. Baka mamaya hindi namin makita kung ano ang resulta ng ranking namin.

"Gail! Nagmamadali?tungkol ba yun sa results?" Actually hindi kasi umiiwas lang talaga ako sa lalaki kanina . Pero medyo na-disappoint ako kasi wrong timing naman kung dumating si Eiyha, hindi ko tuloy nalaman yung name nung boy.

"Uhm.. Oo. Ayoko kasing makipagsiksikan sa Results area"

"Huh? Eh bibigyan kaming SSG Officers ng copy ng mga results. Wag kang mag alala, ikaw ang pinaka una kong bibigyan ng copy. SSG Vice President ako, remember?" Ah oo nga pala.. SSG VP nga pala si Eiyha. Enebeyen. Shunga lang Gail? Tsk! Tsk!

"Tara! Dun na tayo dumiretso sa SSG Room. May meeting rin kasi kami."

"S-sige"

Pagkarating namin sa SSG Room, nagulat ako kasi yung unknown boy na naki share sa table ko ay nandoon din. At isa pa, naaalala ko na kung bakit siya pamilyar sakin. Minsan ko na syang napanaginipan. Napanaginipan ko sya bago yung day na nagstart yung klase.

"Ah Gail, pasok na ako sa loob ah? Okay lang ba kung  maghintay ka muna dito sa labas? Sandali lang din naman yung meeting namin eh"  tanong ni Eiyha sakin . Nakita kong siya na lamang ang hinihintay kaya't tumango na lamang ako at itinulak sya paloob.

Habang nasa labas hindi ko mapigilan ang sarili ko na sumilip sa bintana ng SSG Room sa sobrang bored ko. Tanaw na tanaw ko mula dito kung paano ang ayos ng kanilang silid. Silid siya na kung saan ay malinis, air-conditioned, at organized ang mga gamit. Isa isang tumayo ang mga SSG Officers. Mula sa pinakamababang posisyon hanggang sa pinakamataas. Hindi ko alam kung anong sinasabi at pinapahayag nila dahil hindi ko naman naririnig mula sa aking pwesto ang mga pinag uusapan nila.

Nang matapos si Eiyha na kanilang bise presidente sa SSG na magsalita ay tumayo naman ang kanilang SSG president na akin namang ikinagulat. Si Unknown boy ang tumayo. Nag aaral ako sa paaralang to at bestfriend ko ang SSG vice president pero hindi ko manlang kilala kung sino  ang aming SSG president.

Natapos na ang meeting at lumabas na si Eiyha ng may malawakang ngiti sa labi.

"Bes! Ito na copy mo oh..."

Pagkaabot niya ng copy, ay agad kong hinanap ang section namin.

"Oh my ghaaad besssss! I can't believe na mangyayari to. Congrats!"

Bestfriend Struggles:(Meeting My Nightmare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon