#9[BS(MMN)]: A Little Bonding?

10 2 0
                                    

Asan ba yang new building na yan!? Nakakainis ah? Bakit kanina ko pa hindi mahanap iyang building na yan? Oo,dito ako nag aaral pero ghaad! Di ko naman po kabisado. Hello? I'm just Gail. Not Hermammionne.

*sob*

"Lahat na lang..*sob* lahat na lang"
Yung boses. Kilala ko yun.

"Eiyha? Ikaw ba yan?" Humarap siya sakin at yinakap ko siya. Alam ko kung gaano kasakit yung nararamdaman niya. Ilang beses ba kailangang mangyari sa kanya to?

"Ginawa ko naman lahat. Pero wala eh. Lagi akong mali. Lagi akong may pagkukulang. Kailan ba ako magiging tama sa paningin nila? Ganon na ba talaga ako kasama para hindi pagkatiwalaan?"

"Shhh. Tahan na. Magiging maayos rin ang lahat. Nandito lang ako sa tabi mo."

"Sana nga.... *sob* sana... *sob*"
Kung pwede ko lang akuin lahat ng sakit ng nadarama mo, ginawa ko na. Kaso hindi eh. Hindi pwede.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin tapos naglakad paharap.

"Yaaaaahhhhhhhh!!!! I HATE YOU! ! !....Yaaaaaaaaaahhhhh!!!*"

May mga patak ng luha na lang na tumulo sa mga mata ko. Sa bawat araw na makikita ko siyang ganyan ako yung nahihirapan. Lagi siyang nagkakaganto. Kasalanan to lahat nung.. Ah nevermind!

Lumapit ako sakanya. Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya ay napahawak siya sakin. Naramdaman kong parang hindi siya gaanong makahinga.

"G-ga..Gail..g-g...g.."

"Nasan yung inhaler mo? Sabihin mo nasaan?"

Nanghihina niyang tinuro yung bag niya sa gilid. Binilisan ko ang pagkuha ng inhaler niya.

"S-salamat Gail."

"Alam mo libangin mo na lang muna yang sarili mo para hindi ka gaanong nahihirapan." Pinunasan niya ang mga luha niya at inayos ang sarili.

"Tama ka. Dapat libangin ko na lang muna yung sarili ko. Tara? Ice cream tayo?" Ice cream? Haha!tama ba yung narinig ko? Nakakagutom tuloy.

Tumingin ako at napangiti siya ng bahagya. Alam ko na iniisip niya.

"Hana..dul..se-- teka! " hindi pa tapos yung huling bilang tumakbo na siya. Andaya talaga..

Malapit ko na siyang abutan. Akala mo ha? Mas mabilis yata ako sayo. Nang malagpasan ko na siya, pinandilatan ko siya. Sign na naunahan ko na siya.

Nakarating ako sa park ng hingal na hingal. Sakto namang dumating na rin si Eiyha.

"Haha! Ang bagal mo! Di mo pa rin talaga ako matatalo hahaha!" Pang aasar ko sakanya.

"Lul. Pasalamat ka bestfriend kita kaya pinagbigyan kita." Hindi talaga siya papatalo

"Manong nagtitinda ng ice cream, dalawa nga po." Kahit hindi yung favorite naming flavor ang tinitinda niya okay lang. Ice cream pa rin naman eh. Tumingin ako kay Eiyha at halatang nagpipigil siya ng tawa.

"Ano namang nakakatawa ha?" Hindi niya na napigilan ang sarili niya at tumawa na siya ng napakalakas.

"WAHAHAHAha! Wala.. Bwahahaha! Yung pfft! Bwahahaha!"

"Wala akong maintindihan sa sinasabi mo! Umayos ka nga!" Binatukan ko nga siya. Tinotopak nanaman eh -_-

"Aray naman! Bakit mo naman yun ginawa ha!? Sipain kita jan eh." Yan napapala mo.

"Heto na ija." Kinuha ko na ang ice cream at iniabot kay Eiyha ang kanya. Pasalamat siya mabait ako

"Salamat po." Sabay naming wika ni Eiyha.. Natawa tuloy samin yung nagtitinda.

Umupo kami sa isang bench dito sa park. Malamang. Alangan namang tatlo diba? Tatlo? Tatlo? Tsk! Tinotopak na rin ata ako. Nahawa na ako kay Eiyha. Binabara ko na yung sarili ko eh. Napangiti tuloy ako ng di inaasahan. Pano kasi natatawa ako sa sarili ko.

"Hoy! Bakit tumatawa ka mag isa jan ha!? Anong tinatawanan mo ha!? Mag share ka nga. Nag mumuhka kang baliw jan. Mag isa kang tumatawa" psh. Paki mo? Edi tumawa ka rin mag isa mo. Panira.

"Wala. Na-realize ko lang na kahit kailan hindi mo mapapantayan ang kagandahan ko. Bwahaha!" Ano ka ngayon? Hahaha! Panis!

"Baliw! Talagang hinding hindi ko papantayan yang kagandahan mo noh? Mas maganda kaya ako sayo."

Tsk! Sabi ko nga eh. Pwedeng support na lang bes? Support na lang? Lagi na lang kasi akong nababara niyong si Eiyha eh. Ang lambing niya. Sobra-_-

"Naalala mo ba yung unang pagkikita natin? Alam mo inis na inis pa ako sayo nun. Yung tipong gustong gusto kitang sabunutan. Pero tingnan mo naman ngayon oh, bestfriends na tayo."

Naalala ko nga yun. Ang hinhin hinhin pa ng mga galaw niya nun tapos pag nagkakasalubong kami lagi niya akong iniirapan.Taray diba?

"Oo nga eh. Yung pagpasok mo palang napanganga mo na agad si Aaron. Pero tinarayan mo lang siya. Tapos kahit na tinarayan mo na siya, nagpapapansin pa rin siya sayo. Akalain mo yun? Isang Aaron Valdez ang na-love at first sight sayo?" May sasabihin pa sana ako kaso bigla siyang nagsalita

"Itigil mo na Gail. I'm not into him. Hanggang kaibigan lang talaga turing ko sa kanya kahit na anong gawin ko. Pinilit ko siyang gustuhin pero wala eh.. Hanggang dun lang talaga. Wag na lang natin siyang pag usapan okay?"

Napatikom na lang ng kusa yung bibig ko. Hindi nga talaga siya comfortable na pag usapan yun. At muhkang naiirita pa siya. Dapat pala hindi ko na lang yun binanggit. Pinalo palo ko yung bibig ko. Bad mouth bad mouth!

Natahimik kami sandali at nakita ko si Eiyha na nakatingin dun sa batang masayang masaya kasama ang parents niya.

"Kung hindi lang talaga ganun ang nangyari sana ganyan kami kasaya."wika niya at parang naiiyak nanaman siya.

"Eiyha.. Please don't cry. Be strong." Pinunasan niya ang mga luha niya at humarap sakin. Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya.

"Magiging maayos rin ang lahat. Don't worry." Ngumiti siya sakin at alam kong fake yun.

"Halika na? Iuuwi na kita sa inyo."

"No need Gail. I can manage to go home alone." Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti ulit.

Yung ngiting nagtatago ng lahat ng sakit. I know you Eiyha eh. Fake smiles nga naman.

Pinagmamsdan ko lang siya habang naglalakad siya palayo.

It will be okay Eiyha...it will be okay...

Bestfriend Struggles:(Meeting My Nightmare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon