#3[BS(MMN)]: Nice to meet you

47 3 2
                                    

[This is dedicated to arasdjk .. Thanks for the cover ^_^ ]

------------------------------------------------

Hermammionne POV

Habang kinukompleto ko ang mga papeles ng school organization ay umidlip muna ako saglit. Ang hindi ko alam ay nakatulog na pala ako ng tatlumpong minuto. Agad kong inayos ang mga gamit ko at ibinalik ang librong hiniram ko. Tiyak na pagagalitan nanaman ako ni Gail nyan. Mahigit labinlimang minuto ma siguro siya naghihintay duon.

Malapit lang naman ang cafeteria mula dito sa library kaya tatakbuhin ko na lang.

Pagkarating ko sa cafeteria ay nakita ko agad si Gail nakaupo siya malapit sa window glass at may kasama siyang lalaki. Yun ang aming pangulo sa SSG. Si Trevor Tan Morris. Kilala na kaya niya?

"Bes!" Tawag ko kay Gail.

"Bes, buti dumating ka? Alam mo bang kanina pa ako naghihintay dito?"

"Sorry naman. Tinapos ko pa kasi yung---"

"Shhhh... Tara na" heto nanaman siya eh. Ang hilig niyang di magpatapos ng sasabihin

"Gail! Nagmamadali?tungkol ba yun sa results?"
Kasi ngayon namin malalaman yung results ng mga grades namin. Kinakabahan nga ako eh.

"Uhm.. Oo. Ayoko kasing makipagsiksikan sa Results area" Makakalimutin na talaga tong kaibigan ko . Tss

"Huh? Eh bibigyan kaming SSG Officers ng copy ng mga results. Wag kang mag alala, ikaw ang pinaka una kong bibigyan ng copy. SSG Vice President ako, remember?" Pawang nabigla pa siya nang malaman niyang ako ang VP. Nalimutan ba niya?

"Tara! Dun na tayo dumiretso sa SSG Room. May meeting rin kasi kami." Ani ko at alanganin pa siyang sumagot

"S-sige"

Pagkarating namin sa SSG Room. Nandoon na yung ibang mga officers. Naghihintay sa labas.

"Ah Gail, pasok na ako sa loob ah? Okay lang ba kung maghintay ka muna dito sa labas? Sandali lang din naman yung meeting namin eh" tumango siya at itinulak ako paloob. Siguro napansin niya na ako na lamang ang hinihintay nila.

Pinag usapan namin yung mga gagawin namin sa school. Yung mga pagbabago at mga rules na gagawin. Mabilis lang ang meeting namin. Nang matapos kaming mag meeting binigyan kami ng copy ng mga results. Nang makita ko ang laman ng copy ay nasiyahan ako at tumakbo palabas para bigyan siya ng copy niya at para malaman niya ang resulta. Siguradong pag nalaman niya yon, ay matutuwa siya.

"Bes! Ito na copy mo oh..."

Pagkaabot ko ng copy ay hindi siya mapakaling mahanap ang section namin

"Oh my ghaaad besssss! I can't believe na mangyayari to. Congrats!" Tuwang tuwang sabi niya. At dahil sa pagkatuwa niyang yon ay nayakap niya ako. Na siya namang aking ikinagulat.

Riiiiiiiiiiiinnnnnngggggggg!

Nagring na ang bell at nagpaalam na kami sa isa't isa . May gagawin pa ako sa library. Kailangan kong matapos lahat ng mga papeles na in-assign sakin.

Pagkadating ko sa library ay binati ko ang libararian at napansin ko na may isang estudyanteng nasa sulok, nagbabasa. Bihira lang akong makakita ng mga estudyanteng pumupunta dito sa library. Kung meron man, yun ay kadalasang mga SSG Officers at Room Presidents lang. Pero siya? Ngayon ko lang ata siya nakita.

Pumwesto ako sa table sa harap niya. Nangangalahating oras na at malapit ko na ring matapos ang mga papeles na dapat kong matapos ngayon.

Ang pinagtataka ko lang ay kanina pa rin nadito yung estudyante kanina. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na silipin siya dahil sa pagtataka. Pinagmamasdan ko lamang siya, ang hindi ko alam ay palapit na pala ako ng palapit .

Habang pinagmamasdan siya ng malapitan ay pawang akin na siyang nakita. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan. Pinagmasdan ko pa siya nang maigi at natumba na lamang ako nang maalala ko kung saan at kailan ko nga siya nakita. Siya yun. Sigurado ako. Gumalaw siya ng kaunti na siyang aking ikinakaba. Unti unti akong lumayo. Inayos ko ang mga gamit ko at umalis na bago pa niya ako makita.

Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa? Pero sa tingin ko yun ang makakabuti sa ngayon.

"Miss VP! Anong problema?" bati sakin ni Trevor. Napansin niya siguro na parang natataranta ako at parang may tinatakbuhang kung ano.

"Uh-uhmmmm.. Tre-trevor! Hehe.. Ikaw pala yan. Wala namang problema. Ayos lang ang lahat." Ani ko na hindi ko malaman kung bakit nga ba talaga ako nagkakagan'to

"Sigurado ka?" Paninigurado niya . Kasi kita talaga sa mata ko na hindi okay ang lahat. Sana lang hindi na niya ito pansinin pa.

"Oo naman. By the way pala, yung mga papeles malapit ng matapos. Tatlong folders na lang tapos na yun. Ipapasa ko na lang mamaya. Nakaramdam kasi ako ng pagkagutom kaya pupunta muna ako ng cafeteria. Uhmm... Gusto mong sumama? Tara, kain tayo."pagyayaya ko. Kanina pa talaga ako gutom. Kinakaya ko lang para matapos ko na agad lahat ng mga papeles.

Saktong pagkarating namin sa cafeteria ni Trevor ay nakita ko si Gail.

"Bes!" Tawag ko sakanya . Ngunit nagtaka ako kung bakit siya nabigla nang tinawag ko sya. Dahil ba kay Trevor?

Lumapit kami ni Trevor kay Gail. Umupo kami sa tabi niya at umorder na. "Siya pala ang bestfriend mo Miss VP. Hindi mo manlang pinapakilala sakin." Ani Trevor na nakangising tinitingnan si Gail.

Hindi ko maintindihan kasi kanina lang ay magkasama sila dito. Tapos ngayon, animo hindi mapakali si Gail at pawang nang aasar naman tong si Trevor.

"Uh..uhm..akal--"napatigil ako ng makita ko kung paano ako tingnan ni Gail. Para bang sinasabi niya sa tingin niya na "Pag may nasabi kang maling salita, mananagot ka sakin mamaya"

"Hehe... Sabi ko nga eh hindi pa kayo magkakilala. Uhm. Trevor. Meet Gail, bestfriend ko. Gail. Meet Trevor, ang ating SSG President." Ani ko at heto nanaman ang mga ngisi ni Trevor. Parang ngayon ko lang nakita na ngumiti siya ng ganto ah. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ni Gail at tinanggap namaan ito ni Gail at nag kamayan sila.

"It's nice meeting you Gail."

"N-n-nice to meet you too, Tre-trevor." Sagot ni Gail. She is stuttering. I never saw her stuttering like this before. Ano bang nangyayari sa kaniya?

Dumating na yung order namin at habang kumakain ay sobrang awkwardness ang pawang namamagitan sa aming tatlo. Ilang sandali pa ay biglang tumayo si Gail at pawang di mo maipinta ang kanyang muhka. Tumakbo siya palayo nang hindi ko manlang nalalaman ang dahilan.

Bestfriend Struggles:(Meeting My Nightmare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon