#11[BS(MMN)]: Pinsan

17 2 1
                                    

Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang siya yun. Si Aaron Valdez? Bagsak? Well, hindi naman nakakapanibago yun eh. Kaso yung ngiti niya kanina. Akala ko talaga nakapag- review siya.

Yun ba yung ibig sabihin nung minouth niya kanina? Pero hindi ko pa rin talaga maintindihan.

"Ah maam? Bakit po? Mali po ba?"nagpapatawa ba siya? Nagtanong pa talaga siya kung mali yung mga sagot niya. Hayst.

Tinaasan siya ng isang kilay ni maam. Halatang nagpipigil lang ng galit si maam eh.

Tumayo si Aaron atsaka nagsalita ulit. "Bakit maam? Mali na po pala ang magmahal? Kailan pa? Hindi ako na-inform. Sabihin niyo sakin, anong mali sa pagmamahal? Kahit na ang sakit sakit na okay lang. Kasi walang mali dun. Dahil minamahal ko lang naman siya eh.. Nagmamahal lang ako. Nagmamahal!"

Loko talaga itong si Aaron oh. Hayst. Bigla namang tumayo si Hailey at binatukan si Aaron. Tapos nagsalita rin. "Magmahal? Ilang ulit na niya akong sinaktan. Sa tingin mo magagawa ko pang magmahal ulit?" Ay? Hugot scenario? Nagulat na lang kami ng marinig si maam na tumawa.

"Kalokohan ka talaga Mr. Valdez. Pasalamat ka wala dito si Hermammionne. Okay class dismiss."

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at ready ng lumabas ng room. Nakita ko namang palabas na si Aaron. Kinuha ko agad ang bag ko at hinabol siya. "Aaron! Aaron!" Pagtatawag ko sa kanya pero hindi niya narinig. Hayst. Binilisan ko na lang ang pagtakbo ko.

Nang maabutan ko siya. Hingal na hingal ko siyang hinarap. Aba! Ang hirap kaya niyang habulin.

"Oh, anong nangyari sayo Gail? Hingal na hingal ka ah? Hinabol ka ba ng aso? Hahaha!" Naman oh! Pagod na pagod akong hinabol siya tapos aasarin pa niya ako?

"Hindi! Ako yung naghabol sa aso .-_-" maasar ka nga rin please? "Huh? Nasaan? Nasa'n yung asong hinahabol mo?wala naman ah" tapos tumingin siya sa paligid na parang hinahanap nga talaga yung aso

"Wag mo nang hanapin. Nasa harapan ko lang." Wag kang ano! Kanina ka pa ah?

"Nasa'n? Wala ka namang ibang kaharap kundi isang gwapong Aaron eh."ngumiti siya ng napakalawak atsaka nag pose. Kahit kailan talaga. Napairap na lang ako sa ginawa niya.

"Sabi ko nga eh...anyways, bakit mo pala ginawa yun? Bakit puro love ang sagot mo? Ang lawak pa ng ngiti mo kanina. Akala ko pa naman nakapag review ka" naging seryoso siya tapos umupo dun sa upuan malapit sa amin. "Nag review naman talaga ako eh. Alam ko rin lahat ng sagot dun sa quiz. Kaso nakita kasi kitang parang nahihirapan kanina eh. Alam kong di ka nakapag review at alam kong mapapahiya ka kapag hindi ka nakapasa kaya nag-decide akong samahan ka na lang.Ice ba?" Pinagpapapalo ko nga siya. Mali naman yun eh.

"Dapat sinagutan mo na lang yung quiz kanina. Kasalanan ko naman kung bakit wala akong maisagot kanina eh. Pa'no na lang yung grades mo? Fifty items pa man din yun." Napa-pout tuloy ako. Pagkatapos nun pinisil niya yung pisngi ko. "Ikaw talaga..hayaan mo na yun.Kayang kaya kong bawiin ang grade na yun. Ako pa ba?" Napangiti ako sa sinabi niya pero malungkot pa rin ako. Aba't sayang rin yun noh!
"Thank you ha!" Napakunot naman siya sa sinabi ko. "Anong thank you? May bayad yun noh! Hahaha!" Binatukan ko nga siya. May bayad? Grabe ah!

"May langgam oh. Andami. Palayasin ko na ba?"

"Ay! Palakang langgam lumayas ka!" Oops! Napatakip na lang ako ng bibig. Ito naman kasi si Trevor eh. Basta basta na lang sumusulpot.

Inakbayan niya ako atsaka tiningnan ng masama si Aaron. "Trev,relax. Naguusap lang kami ni Aaron. Atsaka ilang ulit ko bang sasabihin na si--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko kasi nagsalita na si Trevor.

"Na si Eiyha ang gusto niya at hindi ikaw. Alam ko naman yun eh. Hindi ko lang talaga mapigilang mag selos. Kung pwede nga lang talagang pigilan ang magselos edi kanina ko pa sana pinigilan." Napayuko ako kasi na-guilt ako. Lagi na lang siyang nagseselos. Iniangat niya ang ulo ko para maiharap sa kanya.

"Ahem! May tao po dito" singit ni Aaron. Natawa naman ako sa inasal niya. Si Trevor naman masama pa rin talaga ang tingin kay Aaron.

"Oo nga pala, si Eiyha nandito na. Kasama niya yung pinsan niya." Ani Trevor. Pinsan? Sino namang pinsan? Eh sa pagkakaalam ko wala siyang pinsan dito sa school.

"Oh, speaking of. Nandyan na sila." Napatingin ako at sa di kalayuan ay nandyan na nga si Eiyha. Kasama ang pinsan niya.

"Nice! Dito na siya mag aaral? Ayos yun! Hahhaha!" Wika naman ni Aaron. Kilala niya yung pinsan ni Eiyha?

"Hi Gail! Miss me? Okay na ako. Wag kang mag alala. Nga pala, si Jiro. Pinsan ko." Pagpapakilala ni Eiyha.Napatingin ako dun sa pinsan niya at nginitian ito. "Teka, paano nga pala kayo magkakilala ng pinsan ko?" Tanong niya kay Aaron.

"Haha! Malamang! Tropa ko yang ugok na yan." Nagulat naman ako at biglang nagsalita si Jiro. Mag tropa nga talaga sila ni Aaron. Parehong may sayad.

"Uhm... Ano nga palang year level ni Jiro? Saang section daw siya mapupunta?" Nagkatinginan naman silang tatlo na parang nabigla sa tanong ko. Mali ba yung naitanong ko?

"Hahaha! Kaklase natin siya Gail. Special Section siya sa ibang school kaya pwede natin siyang maging kaklase." Ahhhh.. Ganun ba yun?

"Naman pala eh. Special section naman pala siya dun. Pero bakit pa siya nagtransfer dito?" Tanong ko ulit. Eh bakit ba? Curiousity Kills.

"Eh... Para daw bantayan ako? Ewan ko ba diyan. Ay! May tatlo pa pala siyang kasamang mag-tra-transfer dito. Nasan na ba sila Jiro?" Meron pa? Tatlo? Andami naman nilang mag-tra-transfer dito sa school namin

"Papunta na yun dito. Bumili lang saglit yun ng pagkain at inumin nila" sagot ni Jiro.

At inuna pa talaga nila ang pagkain at inumin? Tsk!

"Oh ayan na pala sila eh" -Jiro

"Wuhooo!" -Aaron

Napalingon naman kami sa tatlong nagsisi datingan. Habang dumadaan kasi sila eh ang daming babaeng nagititilian. Napatingin sa kanila ang lahat.

Sabagay, sino ba namang hindi. Eh gwapo naman talaga sila.

Bestfriend Struggles:(Meeting My Nightmare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon