#12[BS(MMN)]: HOY

6 0 0
                                    

[Alam ko po yung ilan sa inyo ay nalilito sa mga names ng character. Kaya po sa umpisa pa lang. Babanggitin na yung full name nila. Tapos yung gagamitin sa whole story ay yung nicknames po nila. Yung name po talaga nila ay para nalang sa mga formal situations.]

----

Eiyha's POV

These past few days naging maganda naman ang pakikitungo ng pinsan ko at ng barkada niya sa mga students dito sa school. Actually, wala pa ngang isang linggo pero sikat na sila dito eh. Sa amin? Maayos rin naman ang pakikitungo nila. Kaso itong si Gail parang naiirita sa pinsan ko. Kung gaano kasi ka-hyper si Aaron. Doble naman sa pinsan ko. Kaya iritang irita siya. Mababait naman sila

Si Jiro Saqui. Ang gwapong pinsan ko. Two times na mas hyper kay Aaron. Siya yung pinakamaaasahan at mapagkakatiwalaan. Ang way niya para lambingin ako? Syempre ang asarin ako. Ganyan siya eh.

Si Chase Lopez,ang pinakabibo sa kanila. Siya yata yung tipo ng tao na sa bawat sulok ng kwartong pupuntahan niya ay may joke siya. Madali nga kaming nagkasundo kasi kahit korni yung joke ko tinawanan niya kaya yun. Mag ka-vibes kami.

Si Aaron Valdez. Ang kaklase kong... Sabihin na nating, long time crush ako. Pero hindi ko pinapansin kasi hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya eh.

Psyche Hernandez. Ang cold at misteryoso pero seryoso sa mga bagay bagay. Madali ko rin siyang nakasundo. Pag dating kasi sa mga sense of humor kami ang nagkakasundo agad. Sa kanilang lima... Siya ang crush ko.

And lastly, si Sachihiro Gyeong Eun. Okay naman siya. Sa kanilang lima, siya ang may pinakamahabang pangalan. Tsk! Idol ata ako eh. At sa kanilang lima, siya ang pinakaka-inisan ko.

Grupo daw sila eh.. Hindi ko nga lang alam ang pangalan ng grupo nila. Kung ano yun? Wala na akong pakialam. As if namang may maidadagdag yun sa grades ko. Sinali ko si Aaron kasi kasali daw siya sa grupo.Ewan ko diyan sa kanila.

Sabi nila, ang leader daw ay si Hiro. Hindi ako naniniwala kasi paano naman yun magiging leader? Eh isip bata yun. Sabagay, isip bata naman silang lahat eh.. Maliban lang kay Psyche na mas bagay talagang maging leader.

"Huy! Iniisip mo insan? Pinagpapantasyahan mo nanaman ba kami? Hahaha! Wag kang mag alala.. Gwapo kami kahit anong mangyari" litsi! Masasapak ko tong pinsang kong ito eh.. Ang hangin talaga kahit kailan.

"Ha-ha-ha.. Joke yun? Nakakatawa." Saka ko siya inirapan. Aalis na sana ako kaso may biglang umakbay sakin.

"Heyyy" si Aaron lang pala -_- . Okay. Sige. Sabihin na nating... Sira na ang araw KO. Araw ko LANG naman.

Inalis ko yung kamay ni Aaron sa pagkaka akbay sa akin. "Tumigil ka nga Aaron. Nananantsing ka nanaman. Hobby mo na yan eh noh?"  Narinig naman ni Psyche yung sinabi ko kay Aaron kaya pinaupo na niya ito.

Umupo na din lang ako. Dumating na yung adviser namin. Which is teacher namin in the first hour in the morning.

Kaya nga lang dahil sa inis ko eh hindi ko na maintindihan ang mga tinuturo ng mga teachers. And worse pa eh, katabi ko pa yung napakayabang na si Hiro.

Kanina pa niya ako dinadaldal. Akala ko pa naman tahimik ito. Wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi niya kasi nakikisabay siya sa pagsalita sa teacher namin.

"End of discussion. Goodbye Class." Tumayo na kami at nagrespond sa kanya.

"Hoy nakikinig ka ba? Kanina pa ako nagsasalita dito pero parang di ka nakikinig. Ano bang problema mo?" At nagsalita naman tong si Hiro. Problema ko? Tinatanong pa ba yun?

"Problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko. Kanina ka pa daldal ng daldal. Paano ko maiintindihan eh sumasabay ka sa pagdidiscuss sa teachers. Atsaka isa pa, I am not interested kung ano man yang dinadaldal mo." Kita mo ang pagkabigla niya sa mga sinabi ko.

Kinuha ko na yung bag ko atsaka ako umalis. Huminto ako saglit sa may pinto kasi alam ko na hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya.

"And one more thing. Hindi HOY ang pangalan ko. I have my own name. It's Eiyha."
Pagkatapos ko yung sabihin sa kanya ay umalis na ako. Nakaka badtrip talaga. Nagdiretso na lang ako sa bahay.

Linapag ko na ang lahat ng nga gamit ko atsaka nagbihis. Maglilibot libot muna ako. Tutal half-day naman. Ang boring eh. Parang gustong mamasyal ng mga paa ko. Ayos din tong mga paa ko eh noh? Gala.

Balak ko sanang tawagan si Gail para naman may kasama ako. Kaso naisip ko eh baka kasama niya si Trevor. Nakakahiya naman diba? Makaistorbo pa ako.

Lumabas na ako ng bahay ng mag-isa. Gusto ko sanang isama si Stella kaso ayun nga, naunahan pa akong gumala. Ayos rin eh noh?

Tinawagan ko siya para naman may kasama ako. Malay mo pumayag diba? Pero gaya ng dati, naka off nanaman ang phone niya. Classic Stella. That's Stella Saqui. My one and only kapatid slash- kahati.

Dahil nga sa wala akong masyadong magawa, nag window shopping na lang ako.

As usuall. May mga shoes, mga damit and bags na naka display dun. Ang gaganda nga eh. Kaya lang wala naman ako masyadong ipon. Kaya wait lang mga babies ko ha? Mabibili ko rin kayo.

Nakaramdam ako ng gutom. Kaya naghanap ako ng pwedeng makainan.

Sa sobrang inis ko siguro kanina, nakalimutan ko na ang kumain ng lunch. Kung hindi lang kasi dahil kay Jiro at sa mga barkada niya eh.. Nakuu! Edi sana ang ganda ganda ng araw ko ngayon.

Muntik ko nang mahulog ang mga in-order ko nung may narinig akong boses.

"Insan!"

..speaking of..

Bestfriend Struggles:(Meeting My Nightmare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon