#8[BS(MMN)]:The Sibling

9 2 0
                                    

"Kamusta po siya?" Nag aalalang tanong ko

"He needs to be brought to the hospital as soon as possible. Ipapaalam ko lang muna siya sa principal and adviser niya. Maiwan ko muna kayo."

Pumunta ako sa loob ng room para tingnan si Trevor. Si Eiyha naiwan sa labas, may kausap. Habang pinagmamasdan ko si Trevor, pumasok bigla sa utak ko yung sinabi kanina ng nurse. Ganon ba talaga kalala ang nangyari sayo at kailangan mong dalhin sa ospital? Naramdaman kong may tao sa likod ko kaya pinigilan ko ang maiyak.

"Walang mangyayari kung iiyak ka. Magiging okay siya. Trust me." Iyan naman ang gusto ko kay Eiyha eh. Lagi siyang nandiyan sa tuwing may problema. Siya yung tipo ng tao na masasandalan at maasahan mo.

"Wag nga kayong magyakapan diyan.Nakakairita! Ang OA niyo.Anong nangyari kay kuya?"
Kahit kailan talaga ang hilig manggulat nitong si Tamara.

Siya si Tamara Tan Morris. Kapatid ni Trevor. Ewan ko ba kasi napaka opposite nila. Kung si Trevor mabait, siya masungit.

"Ah bigla na lang siyang nahimatay. Dadalhin siya sa ospital mamaya. Ipinaalam lang siya saglit sa adviser niya." Nakakatakot tumitig tong si Tamara. Kahit mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon. Feeling ko mas matanda siya dahil sa ugali niyang yan.

"Isa lang ang pwedeng sumama sa amin para ipunta si Mr. Morris. Sino ba sa inyong tatlo?"
Nagkatinginan kaming tatlo at hindi ko pa rin talaga ma-gets kung anong gusto nilang sabihin. Ang slow ko>.<

"Ako na po ang sasama." Ani Tamara. Pero pano yan? Gusto ko ring sumama.

"Hayaan mo na lang si Tamara. Alam niya gagawin niya. Hindi niya naman papabayaan yung kuya niya eh." Sabi ko nga. Pero gusto ko pa ring sumama. Gusto kong masigurong okay siya.

"Tara na sa room? Hinihintay na nila tayo dun." Tumango na lang ako. Hindi ko pa rin talaga mapigilan na hindi siya isipin. Nag aalala na ako eh.mamaya baka kung anong nangyari dun. Ang hina hina pa mandin nun.

Dumating na yung next subject teacher namin which is history. Kahit anong pakikinig ko hindi ko pa rin maintindihan. Paano kaya nakayanan ni Trevor at Eiyha ang ganto? Pareho kasi silang running for Valedictorian.

"Miss Lee! Nakikinig ka ba?" Ay! Ayan na. Nagsalita na si Ma'am boring ay este ma'am history.

"Ah yes ma'am. Sini-sink-in ko lang po lahat ng sinasabi niyo ma'am." Alam ko naaasar siya and it made me smile. Ang sarap kaya sa feeling pag may naaasar ka.

Buong klase wala akong naiintindihan sa sinasabi ng teacher naming boring. Ang boring boring niya magturo. Nakaka imbyerna lang. Tsk!

Tiningnan ko si Eiyha sa harap at muhkang nakikinig siya kahit na antok na antok na siya. Consistent talaga tong si Eiyha eh noh? Pursigidong makapagtapos sa pagiging Valedictorian.

And finally ang pinaka hihintay ko. Uwian na. Buti na lang. Nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta agad akong canteen.

Habang kumakain ako. Muntik na akong mabulunan nung nakita ko kung sinong nasa harapan ko.

"T-tamara, ano.. Okay na ba yung kuya mo?"

"Okay na nasa bahay na siya. Siya nga pala, nandito ako hindi para mag aksaya ng oras. Nandito ako para mag thank you sa pagdala sa kuya ko sa clinic." Ahh... Yun pala yun? Akala ko susungitan niya ako.

"Ah yun ba? Wala yun." Ngumiti ako sa kaniya pero parang mas nainis lang siya. Lagot! Wrong move ka Gail.

"Hindi tayo close kaya wag mo akong ngitian ng ganyan. Nag thank you lang ako. Pero tandaan mo ngayon lang yung thank you ko sayo. Okay?" Huhu... Ganun pala siya? Kung kanina ako ang lumalamon ngayon eh parang gusto ko ako na ang lamunin ng linalamun ko.
Tumango na lang ako kasi baka kung ano pang masabi niya sakin.

Tumalikod na siya at nagflip hair bago naglakad palayo. Buti na lang talaga umalis na siya. Hindi pa ubos tong kinakain ko pero nawalan na ako ng gana kaya uuwi na lang ako. Feeling ko inantok ako bigla . Kasalanan to ng history subject kong yan eh. Epal talaga! -_-

Nung naka uwi ako pumasok agad ako sa kwarto ko. Tiningnan ko ang phone ko at bigla ko namang naalala si Trevor. Ano na kayang nangyari dun?

Nagdadalawang isip pa ako kung itetext ko siya o tatawagan ko. Sa huli ang naging desisyon ko ay tawagan na lang siya.

"Hello?Trev?" Magsalita ka please?

"Oh Gail. Napatawag ka? Miss mo na ako agad?" Aisssh! Kahit kailan talaga Trev! Pag nakita kita masasapak kita.. Pero totoo naman yun eh. Hayaan na nga.

"Ha? Ano..hindi noh! Miss ka diyan!? Uhm? Nag aalala lang ako sayo. Ano okay ka na ba?"

"Nag aalala? Kaya pala hindi mo ako na miss? Wag kang mag alala okay na ako." Ang sarkastiko pa ng pagkakasabi niya. Ganun ba talaga kahalatang na miss ko sya? Hmp! Epal!

"Oo na. Miss na kita Trev. Miss na miss na." Kung pwede nga lang talaga kitang puntahan edi ginawa ko na sana. Kanina pa. Hayst.

"I miss you too Gail.. Wag kang mag alala bukas makakasama mo na ak--kuyaaaaa!" Hala! Si Tamara ata yun.

"Kuya! Kanina pa kita tinatawag! Lumabas ka nga diyan sa kwarto mo!" Dinig na dinig yung boses ni Tamara dito sa kabilang linya

"Trev? Anong nangyayari Trev?"

"Ah Gail, sige bukas na lang. Ba-bye. I love you! Mwah!"

"I lov---"

*toot toot toot*

Ay bastos? Di manlang ako pinatapos? Epaaaaal. Hayst. Lagot talaga siya sakin bukas.

"Gail kumain ka muna! O baka naman gusto mo kainin mo na lang yang phone mo?" Tss.. Eto nanaman yung pinsan ko. Masisipa ko to..

"Oo kakain na ako! Maghintay ka kasi!" Itapon ko sa muhka mo iyang mga pagkain sa mesa eh. Bwisit!

Makapag asta kasi para siya ang may ari ng bahay. Eh hindi naman. Tsk!

*One Text Message Received*

Message:
_Meet me tom. at the new building_
FROM: Pretty Eiyha

Bakit naman bigla na lang magtetext si Eiyha? Ano kayang problema neto? Kilala ko si Eiyha at pag mabigat ang problema niya pag ganito ang text niya. Seryoso.

Sobrang bigat siguro ng dinadala niya ngayon. Sigurado ako na sa oras na to umiiyak nanaman yun sa kwarto niya. Nangyari na to dati eh. Kailan ba yun? Hmmmmm? Yah! Di ko na matandaan. Bahala na nga bukas. Sana Matulongan ko siya sa problem niya.

Bestfriend Struggles:(Meeting My Nightmare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon