#14[BS(MMN)]: Sunog?

17 0 2
                                    

Nang sinabi ng Algebra teacher namin na kailangan namin ng graphing paper, agad na nagsilapitan sakin ang mga kaklase ko."May graphing paper ka ba Eiyha? pahingi naman oh."

"Hindi ako supplier." Agad na tugon ko. Nagsialisan naman sila matapos kong sabihin iyon. Yung iba lumabas para bumili. Pero karamihan naiwan.

People talaga. Nakakabili sila ng mga kung ano anong ka ekekan pero isang gamit lang para sa eskwela tulad ng graphing paper di sila makabili. Hayst.

"Page 73 daw." Paalala sakin ng katabi kong si Phea. Minsan nakikinig rin pala to.

"Thank you."ika ko saka ginawa ang pinapagawa ng teacher namin.

Pagkatapos ng napakahabang araw ay uwian na rin. Nakakapagod naman. Hayst.

Habang naglalakad pauwi nadaanan ko yung cafeteria na una namimg pinuntahan ni Gail. Masaya siya ngayong kasama si Trev. Hayaan ko muna sila.

Nang makauwi ako napansin kong tahimik dito. Nasan sila?

"Stella? Tita? Yuhooo! Anybody home?" Ay! Gumaganun na ako? Hahaha

Ilang saglit pa ay tumunog ang phone ko.Tumatawag pala si tita Lhyn.

"Hello tita?Bakit walang tao dito sa bahay?Nasan po kayo?"

"Nandito kami ngayon sa airport. Dumating ang lola niyo." Biglaan naman yata. Wala pa akong kaalam alam.

"Ta-talaga po? Naku! mabuti naman. Eh si Stella ho ba nanjan?" Sigurado si Stella nandoon at naghihintay na kay lola Ysabella. Paboritong apo eh.

"Stella? Kami lang ng asawa ko ang nandito. Yung batang iyon talaga oh." Huh? Eh asan naman kaya iyong babeng iyon? Hay nako talagaaa.

"Um tita, sige po. Tawagan ko na lang po si Stella."

"Sige, ingat kayo diyan."

Inayos ko na yung mga gamit ko at bumaba na para makapagluto. Pag kasi dumating sila lola Ysabella dito at madatnang walang pagkain, baka mamaya talakan nanaman ako nun.

Habang hinihintay na maluto iyong pagkain ay dinial ko ang number ni Stella.

*Phone Ringing*

Tsk! Stella, come on! Answer the call!

Naka-ilang dial pa ako at hindi niya pa rin ito sinasagot. Sa huli tinawagan ko na lang din si Jiro.

"Yes babe?" Ika niya ng masagot ang tawag ko

"Babe mo mukha mo! Si Eiyha to! Umayos ka nga Jiro. "

"Sorry naman daw. Oh, eh ba't napatawag ka?"

"Si Stella kasi..hindi pa nakakauwi. Hindi rin siya ma-contact."

"Aish! Si Stella talaga. Sinabi ng-- aish! Tawagan na lang ulit kita mamaya. Mukhang alam ko na kung nasaan siya. Teka? Sinong kasama mo jan sa inyo? Diba nasa airport sila tita Lhyn? Sandali nga, Hiro!" What? Wait, no!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend Struggles:(Meeting My Nightmare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon