#13[BS(MMN)]: Sundo

3 0 0
                                    

"Ano!?"

"Whoa! Easy lang pinsan. Yayayain lang naman kasi kita na dito na sa amin mag join sa table namin. Kung ayaw mo.. Ikaw rin. Andaming tao oh. Alam mo na baka... Concern lang naman. Kung ayaw mo edi wag. Di ka naman pinipilit." Wow! Lakas maka-konsensya. Tumingin ako sa paligid at marami rami na nga ang tao rito. So may chance ako na mawalan ng mauupuan.

Linapag ko sa mesa ang mga inorder ko at umupo sa kaharap na upuan ni Jiro.

"Uhm.. So, sinong kasama mo dito? Base sa sinabi mo kanina eh may kasama ka." Nag-sip ako ng kaunti sa binili kong drink saka tumingin ulit sa kanya.

"Ah. Haha! Syempre sino pa ba? Edi yung mga ugok." Muntik muntikan ko naman siyang mabugahan dahil sa gulat.

Ako nagulat? Pwe. Hindi naman nakakagulat yun pero bakit nga ba kasi hindi ko naisip yun?Narinig ko naman ang boses ni Chase at ni Psyche. Muhkang nagtatalo pa sila.

"Yang mga baso Chase, ingatan mo. Pag yan nabasag, ikaw ang ipambabayad namin." Pagpapaalala ni Pyche kay Chase. "Haha! Hindi ito mababasag. Ang ingat ingat ko kay-- .. Uh-oh! Sh*t!" Bahagya namang napangiti si Psyche at umiling iling.

Ilinapag na nila ang mga gamit na kinuha nila sa mesa. Napatatingin sakin si Psyche at ngumiti. "Nandito ka pala Eiyha." Ang kalmado lang talaga ng pagsasalita ni Psyche. Nakaka inlove bawat salita.

"Picturan ko na ba?" Bigla naman akong natauhan sa bosea ni Chase. Kanina pa pala ako nakatitig kay Psyche. Nakakahiya..

"Haha! May gusto ka ba kay Psyche?" Natatawang sabi ni Chase. Lumapit siya sa akin atsaka bumulong. "Sabihin mo lang at ilala -Aray!" Natawa naman ako kasi binatukan siya ni Jiro.

"Kumain na nga lang kayo."

Napatahimik na lang kaming lahat. Nang bigla na lang tumayo si Jiro."Hey! Hiro here!" Pagyayaya niya kay Hiro. Wait, what? Hiro? As in Sachihiro? Sa dinami dami ba naman ng tao ba't siya pa? Hayst.

Lumapit siya samin at binati isa isa sina Psyche bago umupo sa tabi ko.-_- WOW! As in wow lang talaga!  Sa tabi ko pa huh?

Nagkwentuhan lang silang apat at nagmistula akong hangin dito dahil kanina pa ako tahimik. Hindi naman ako maka relate sa pinag uusapan nila. Out of place talaga.

Idinaan ko na lang sa kain. Hmp! Munch* munch*

Binilisan ko ang pagkain ko at nang makaalis na ako kaagad doon. Ano ba yan? Kung kanina sirang sira ang araw ko... ngayon? Pwe! Sobrang sira na! Ahhhh!

Tumayo na ako at aalis na sana ngunit biglang may nakakairitang boses ang narinig ko

"Heyy! Where are you going?"-__-

"Pag ba sinabi ko kung saan ako pupunta hindi ko na makikita yang pagmumuhka mo? Hindi naman diba? Kaya Shut up ka na lang. Kay? Tss."

Manigas ka dyan! Pwe! >_>

Makauwi na nga lang. Bwis*t!

--

Nakahiga ako sa kama ko habang nakatunganga lang sa kisame.. lang magawa noh? Psh.

"Oy ate? Anong meron sa kisame?"

Bahagya akong bumangon para maharap siya.

"Ano ba Stella! Wala manlang katok? Psh.'' -_-

Nagpout naman siya tapos tumakbo palabas ng kwarto. Tsk. Para siyang batang inagawan ng lollipop. Hayst. Ilang saglit lang may narinig akong katok sa may pintuan. Malamang naman Eiyha, alangan namang sa sahig. Psh. Okay?

Barahin daw ba ang sarili? Pagkaharap ko sa may pintuan nakita ko nakatayo doon yung 'one and only kapatid' ko

Kakagaling lang niya rito ah? At may pakatok katok pang nalalaman eh pumasok nga siya kanina ng walang kahit anong katok o kaya tanong manlang kung pwede siyang pumasok at abalahin ako eh noh?

Bestfriend Struggles:(Meeting My Nightmare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon