#4[BS(MMN)]: Why's

27 0 0
                                    

[ AN:Sorry na po. Kung ayaw niyo ng story ko, okay lang po.. Hindi ko naman po kayo pinipilit. I just wanna express myself . Sa mga nagbabasa po jan thanks a lot po ^_^. And sorry kung di ako nakapag update last week ha? Sick si author eh.. Well sa mga readers jan..god bless po^_^]

------------------------------------------------

Ilang linggo na ang nakalipas nang magkakilala si Gail at Trevor. Isang linggo na rin ang nakakalipas nang magsimulang hindi siya nagpapakita sakin at kung makita ko man siya ay agad siyang umiiwas. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba kay Trevor? Hayst. I neeed to talk to Gail. Pero paniguradong iiwasan niya lang ako. Si Trevor na lang kaya?

Pumunta ako sa Library. Nag-babaka-sakaling nandito siya tinatapos ang mga requirements.
Kakatakbo ko papunta sa library ay nadulas ako.

"Ugh!.. Ouch!"Ang t*nga ko ba naman kasi, tatakbo takbo pa ako tsk!

"Miss? Are you alright?" Obvious ba? Tsk!

Inilahad niya ang kamay niya upang tulongan akong tumayo. Akin itong tinanggap at nagulat ako nang makita ko siya. Tama, siya nga iyon. Yung guy na namamay-ari nung locket.

"Thanks, sorry naka abala pa ako sayo" pagpapasalamat ko at aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila ako palapit  sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit niya ako hinila palapit. Pero habang tinitingnan ko siya sa mata ay parang bumabagal ang mundo ko. Ugh! C'mon Eiyha. Wag ganyan. Hindi ka dapat nagkakaganyan.

"May sugat ka. You need to be observed by the school nurse. I'll take you to the Clinic." Nagulat ako nang sabihin niyang may sugat ako. At nang tingnan ko ang kaliwang braso ko ay meron nga. Dumudugo ito pero hindi ko gaanong nararamdaman ang sakit.

"P-pero hindi na kailanga---" hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong pumunta sa Clinic. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero okay lang naman siguro kasi nagmamalasakit lang naman siya eh.

Pinatingnan ko na ang sugat ko sa school nurse.  Lumabas na rin yung guy. Siguro kasi may kailangan pa siyang puntahan. Nang matapos na akong gamutin ay nagpasalamat na ako sa nurse at paglabas ko ay aking ikinagulat na nandito pa pala yung guy sa labas ng clinic. At muhkang hinihintay niya nga talaga ako.

Nang makita niya ako ay bahagya siyang ngumiti at linapitan ako.

"Salamat pala sa pag alalay sakin papunta dito. Sige, alis na ako." Tinalikdan ko na siya at tumungo na sa SSG Room. Ayoko nang madulas muli kaya dito na lamang ako dumiretso. Pagkarating ko sa SSG Room ay nandito nga si Trevor.

"Mr. President? Pwede ka bang maka usap?"

"Oh Eiyha. Tungkol saan naman?"  Hindi ko na talaga kayang iniiwasan ako ni Gail. Umaasa akong alam mo kung bakit siya nagkakaganon.

"Trevor, it's about.. Gail."

"What 's about her?" Tss.. Heto nanaman siya sa mga ngisi niya.

"Lately kasi iniiwasan na niya ako at isang linggo na siyang hindi nagpapakita sakin. Nagsimula yon nung magkakilala kayo sa Cafeteria. May alam ka ba kung bakit siya nagkakaganoon?" Alam kong nagtataka siya kung bakit ko ito naitanong sa kanya pero umaasa parin ako na masasagot niya ang tanong ko

"Hindi ko alam na magkakaganyan siya. Akala ko kasi talaga okay lang ang lahat. Eiyha, nung araw na pinakilala mo kami sa isa't isa ay yun din yung araw na naka usap ko siya ng personal. Matagal ko na siyang kilala. Hindi ko lang sinasabi sayo kasi baka maging komplikado ang lahat"

"Komplikado? Bakit? Paano?"naguguluhan ako. Hindi ko siya maintindihan.

"Basta Eiyha. Wag mo na lang muna siyang intindihin. Ako na ang bahala sa kanya. Okay?"
Huh? Hindi ako papayag. Masyado yong bias para sakin.

"Anong ibig mong sabihing wag ko na lang intindihin? Ako ang bestfriend niya. Mas kilala ko siya kaysa sayo kaya dapat ko lang malaman at maintindihan." Halos mangiyak ngiyak na ako . Kailangan kong malaman. May karapatan ako kasi ako yung bestfriend niya.

"Oo Eiyha, ikaw ang bestfriend niya at mas kilala mo siya. Pero ako ang kailangan niya ngayon. Ako na ang bahala please? I promise, maaayos ang lahat. Okay? I can handle this. Hayaan mo na lang ako." Hindi ko pa rin talaga siya mainitindihan. Ako ang bestfriend ni Gail at dapat sakin niya sinasabi ang problema niya pero siguro nga, hindi ako ang kailangan niya sa ngayon.

Pauwi na ako at nag aabang na lang ako ng masasakyan. Nang mapansin kong mayroong guy na binabantayan ako kanina pa. May dumating na sasakyan at sumakay na agad ako. Nang makapasok na ako sa loob ng sasakyan ay tumunog ang phone ko.  Tiningnan ko sa notification panel kung ano yun, may nagtext sakin na hindi ko kilala.

Message:
       _ Be safe Please_
    FROM: 09*********

Nagtaka ako. Hindi ko kilala ang number na ito. Inisip ko na lang na baka na-wrong send lang. Ngunit nabigla ako ng nagtext muli siya. At.... Nandoon na mismo ang buong pangalan ko.

Message:
      _Miss Hermammionne Xiu Saqui, meet me soon_
  FROM: 09*********

Meet me soon? Sino naman kaya ito. Hayst. Tumigil na ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Inabot ko na ang bayad at bumaba na. Dumiretso na ako sa kwarto.

Nakakapagod. Andaming nangyari ngayong araw. Nagbihis na ako at papatayin ko na sana ang ilaw nang mapansin kong may kung sinong nasa labas ng bahay namin at pawang sa direksyon ko pa siya nakatingin.

Napansin siguro niya na nakatingin ako sa kanya kaya't umalis na siya. Kinakabahan na ako. May nagawa ba ako? Bakit parang kanina pa may sumusunod sakin? Kinuha ko ang phone ko at tatawagan ko na sana si Gail nang maaalala ko ang sinabi ni Trevor. Siguro nga dapat hindi ko muna siya iintindihin.

Humiga ako sa kama ko at inisip ko lahat ng mga nangyari sakin ngayong araw. Pati na rin yung may ari ng locket. Hindi ko alam kung bakit pero parang ayaw ko pang ibalik ang locket. Ibabalik ko naman eh, pero siguro hindi pa ngayon.

Kinuha ko ang locket sa lagayan nito at pinagmasdan.

"Bakit ba parang ayaw pa kitang ibalik? Bakit parang kailangan pa kita ? Bakit pag tinitignan kita andami dami kong tanong? Sino ka ba? Ano ka ba sa buhay ko?"

Hangang ngayon patuloy ko pa ring iniisip ang lahat ng mga tanong ko sa sarili ko. Sa totoo lang, hindi ko talaga masagot ang mga tanong ko.

Ilang oras pa ang lumipas at unti unti kong naipikit ang mga mata ko at tuluyan na ngang nakatulog.

----------------------------------------------

[ AN: Ano strugglers? Madami rin kayong tanong? Tulad ba ng ... Sino yung guy sa locket? O Anong problema ni Gail?

Abangan sa mga susunod na chapters^_^
Thanks for reading po]

Bestfriend Struggles:(Meeting My Nightmare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon