Chapter 26: Zharm Arriola

43 2 0
                                    

BABALA: Ito ay takang-isip lamang ng manunulat. Kung ano ang mababasa ay sana huwag umabot sa mismong tao ng ginamit kong character dito. Just hate her chatacter here but not in real person. Thankyou!

____________________________

KATH

Exacto paglabas ko, nakasalubong ko sila EJ at Aria na seryosong naguusap. Papasok na sila ng cafeteria habang ako naman ay palabas. Sabay-sabay kami napahinto.

"Oh Kath! Kanina ka pa namin hinahanap." Ani EJ

"Oo! Nako bakit ka andito sa cafeteria? Hindi ka pwede dito!" Duktong naman ni Aria. Hihilahin na sana niya ako tuluyan palabas ng cafeteria pero pumiglas ako sa hawak niya.

"Huh? Bakit naman?" Takang-taka ako.

"Tinext ako ni Khalil kanina eh. Sinabihan ako na wag daw kita papuntahin sa cafeteria lalo na kung andun na daw si Daniel." Napatingin kami lahat kay Aria

"Bakit?" Kumusot na ang aking kilay dahil sa sobrang pagtataka.

"Andyan daw yung girlfriend ba yun ni Daniel?" Ani EJ. Nakakusot ang kanyang kilay. "Walangya yun may girlfriend pala! Sana hindi nalang siya nagpakasal sayo kung ganun. Sasapakin ko yun kapag ikaw napahamak!"

Akmang manunugod na sana si EJ pero agad ko tinaas ang aking mga kamay para mapigilan siya.

"Teka, teka nga lang..." Sumenyas ako na huminahon sila kaya ganun ang kanilang ginawa. "Bakit ako kailangan itago? At isa pa, alam ko naman talaga na andyan ang girlfriend ni Daniel."

"Huh? Alam mo?" Sabay nilang sabi na halos pasigaw pa. Agad ko naman tinakpan ang kanilang mga bibig at tinulak sila palabas ng cafeteria. Andito na kami ngayon sa may tapat, sa tabi ng entrance.

"Oo alam ko. Kagabi pa." Napakamot ako ng aking ulo. Ngumiwi ako sa kanila.

"Kung ganun bakit ka nagiisa dito sa cafeteria? Kasama mo ba sila? Pinagtabuyan ka ba nung girlfriend niya? O ni Daniel mismo?" Sunod-sunod na sabi ni EJ. Sunod-sunod din ang pagka-iling ko sa mga pinagsasabi niya. Napapapikit nalang ako at napabuktong hininga. Nagiging insan nanaman siya! Kung wala si kuya Neil, siya itong beastmode kung makapagprotekta sa akin.

"Hay nako Kath! Sabihin mo lang kung pinapahiya ka ni Daniel nako sasabunutan ko buhok nung babae na iyon!" Isa pa itong si Aria. Kung manggigil akala mo may ginawa na sa akin masama.

"Ano ba pinagsasabi ninyo?" May pagka-inis na sa akin boses. "Hindi ko pa namemeet yung babae kaya hindi ko pa alam ugali niya. Inamin naman sa akin ni Daniel ang tungkol dito at napagusapan na namin ito. Wala naman kailangan itago. Hindi naman ako kailangan itago."

"Huh?" Sabay ulet nila sabi. Nagkatinginan munang silang dalawa bago ibalik ang tingin sa akin.

Napahalukipkip ako. "Sino ba nakakalimot dito? Hindi ninyo ba natatandaan na peke naman ang kasal namin? Hindi naman totoo yun kaya wala kailangan itago o sabihin. Napagusapan din namin ni Daniel na papakilala niya ako bilang kaibigan kasi ayun din naman ang meron sa amin dalawa."

"Kung sabagay..." Tumango-tango si EJ sa akin.

"Ito kasi si Khalil biglang nagtext sa akin. Nataranta tuloy ako. Sabi kasi niya samahan ka daw muna namin tapos ilayo daw sa cafeteria baka kasi mapano ka pa daw." Ani Aria. May lungkot sa kanyang boses.

Napabuktong hininga ako. Siguro gaya kay Daniel, natakot lang din sila na baka kapag nalaman ni Zharm magkagulo ang lahat. Siguro ganun kahalaga ang relasyon ng dalawa na kailangan pati sila proprotektahan iyon. Bahagya ako napasimangot sa na-isip ko. Bigla ako nakaramdam ng pagka-inggit kay Zharm. Hindi ko aakalain na ganuto si Daniel sa taong mahal niya. Hindi ko din aakalain na ganito din kahalaga ang sila. Swerte ni Zharm dahil sa kanya napunta ang ganun side ni Daniel.

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon