Chapter 17: Lovers in Lane

1K 12 7
                                    

KATH

“Ano ba wag ka nga magulo!” Padabog kong inalis ang kamay nang kung sino man umaalog sa akin.

“Oy gising na!” Alog ulet niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at natulog nalang ulet ako.

Wala naman patawad itong lalaki na ito! Kita na nga antok na antok pa ko tapos ayaw ako tigilan. Sinusubukan talaga niya gisingin ako.

“ANO BA?! KITA NGA NATUTULOG YUNG TAO EH. ANG KULIT MO NAMAN!”  Bigla ako bumangon at galit na humarap sa kanya. Nabigla ata siya dahil yung mukha niya mukhang nagulat. Nakaawang ang kanyang bibig at napalaki ang mga mata pero nung narealize niya na tapos na pala ako magsalita, nagkatitigan lang kami. Kung hindi ko pa tinagilid ang aking mukha at kinusot ang aking mga kilay hindi pa siya matatauhan. Agad naman siya umiwas ng tingin.

“Bumangon ka na dalian mo at maghanda ka ng almusal natin.” Aniya. Hindi na ulet siya makatingin sa akin at agad na rin lumabas sa kwarto.

Napahalukipkip nalang ako at napasinghap sa ginawa niya. Tinignan ko kung ano oras na at nanlaki ang mata ko nang makita ala singo palang ng umaga!

"Ano ba problema nung lalaki yun?! Bakit kailangan niya ako distorbuhin sa tulog ko?!" Iritado kong reklamo sa akin sarili. Padabog ako umalissa akin higaan. Tinali ko ang aking buhok habang naglalakad pababa ng hagdan. Natagpuan ko naman si Daniel na nasa kitchen namin na umiinom ng tubig at para bang ang lalim ng iniisip.

“Oy!” Bahagya ako natawa dahil ginulat ko siya pero agad din yun napawi nang imbis na magulat siya ay seryoso niya ako sinulyapan. Hindi na niya natuloy ang pag-iinom niya ng tubig.

"Aga-aga sungit naman nito." Napahalukipkip ako at inirapan ko siya. Nilingon ko naman siya agad ng bigla ako may naalala. "Bakit nga pala ikaw nangungulit ang aga-aga? Natutulog pa yung tao!"

“Magasikaso ka ng breakfast!” Seryosong aniya. Nilapag niya ang kanyang baso sa lababo at iniwan na ko dito sa may kitchen. Nagtaka naman ako sa kinikilos niya. Bakit ganun? Halos hindi na mapinta ang kanyang mukha sa sobrang seryoso nito. Hindi mo alam kung galit ba o sadyang may malalim lang talaga na iniisip? Ano naman kaya yun? Ano gumugulo sa kanya?

Nagbuktong hininga nalang ako at dumiretso sa refrigerator. Mga ilang minuto pa ko nakatitig sa may freezer at kahit na ba ang dami nakalagay na pagkain dito hindi ako makapili sa kung ano ang lulutuin. Hindi na ko nakatanggi kanina dahil bigla nalang siya umalis at mas pinansin ko pa yung ugali niya kakaiba. Hindi pa ba ako masasanay? Hay.

Sinarado ko ang refrigerator at tumingin sa mga cabinet. May mga de lata na pagkain nakalagay dito. Naghanda nalang ako sa kung ano ang mahahanda ko. Kesa naman pagdating niya at wala parin nakahanda baka magaway nanaman kami.

Napalingon ako sa kanya at halos mabitawan ko ang dalawang basong dala ko. Bakit parang iba ang nakikita ko sa kanya? Yung buhok niya nakatayo, kahit na ba puting t-shirt at maong pants lang ang suot niya ay ang lakas na ng dating niya. Hawak hawak pa ang kanyang paboritong leather jacket. Hindi ko namalayan na napaawang na pala ang bibig ko habang nakatitig sa kanya. Palapit siya ng palapit. Halos sasabog na ata itong sitmura ko dahil sa hindi ko maintindihan na nararamdaman. Ang puso ko ang bilis ng tibok. Natigilan lang ako nang bigla niya hinawakan ang baba ko at sinarado ang aking bibig. Napalunok ako at napa-iwas ng tingin. Damn it! Narinig ko siya humagikgik kaya halos isubsob ko na itong mukha ko sa ilalim ng lamesa. Ang sarap magpahikop sa lupa!

"Ang unggoy nakaporma. Akala mo may pupuntahan date pero sa school lang naman. Tss." Bulong ko. Mukhang narinig niya ata dahil mas lalo siya tumawa. Nilagay ko nalang ang mga baso sa lamesa. Exacto lang din ang dating niya dahil kakatapos ko lang maghanda

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon