Chapter 11: I'll Be Yours Just For Today

1.8K 15 5
  • Dedicated kay Elmo Magalona :)
                                    

Ops! Sorry, hindi papala ito ang wedding chapter. I'm very sorry. Anyways, enjoy reading this chapter :) Dedicated kay Elmo Magalona kasi sa kanya ko nakuha yung kanta. Hihi.

__________________________

DANIEL

"Bakit alam na ata ng mga kaibigan mo na ako ang mapapangasawa mo?" Bulong ko kay Kath habang kumukuha ng pagkain. After ng announcement, nag-aya na sila magsikainan habang pinagplaplanuhan ang kasal namin. Wala naman kami paki kaya nagkaroon nalang kami ng sariling mundo kasama ang barkada. Nagkakilala kilala na rin kaming lahat. Nalaman ko din na baguhan lang sa kanila si Aria kaya madami pa ito walang alam tungkol sa kanila.

Sumulyap lang siya sa akin saglit bago ibalin ang sarili sa mga pagkain. Nagkapit balikat siya.

"Alam naman talaga nila eh. Naalala mo kasama si insan nung nagkakilala tayo? Siya nagsabi sa kanila. Pinagkalat niya kela Julia na yung tao pinagtripan ko sa Hard Rock Cafe ay ang taong mapapangasawa ko. Wala na din naman ako nagawa pa kaya hinayaan ko nalang."

Napakusot nanaman ang noo ko. Naalala ko pa yung pagkasampal niya sa akin. Nagtiim-bagang ako. Hindi pa ko nakakaganti sa kanya dun!

"Ikaw," Sumulyap siya sa akin. "Bakit gulat na gulat sila Khalil kanina? Wala ba sila alam?"

"Meron. Pero hindi ko na nasabi sa kanila kung sino. Ano sabihin ko? Yung babaeng nanampal sa akin yun ang mapapangasawa ko?"

Biglang kumunot ang noo niya sa akin. Tinitigan ko lang siya. Naghihintay ng sagot.

"Sorry for that okay?" Umiwas siya ng tingin sa akin at nagsimula na maglakad pabalik sa table namin. Sumunod ako sa kanya. "Dare lang naman yun kaya ko nagawa."

"Dare?" Akin naman ang kumunot. Ano yun napagtripan lang ako?

"Yep. Ganun kasi ginagawa namin. Naglalaro kami ng spin the bottle tapos truth or dare. Ayun nga lang puro dare ang ginagawa namin dahil kilala na rin naman namin ang isa't isa. Walang bisa na ang truth sa amin."

"Tss. Akala ko pa naman lasing ka kaya mo yun nagawa!" Nakita ko nanlaki ang kanyang mata at umiling agad. "Amoy tequila ka pa naman nun!"

"Napa-inom lang ako nung gabi na yun para maisagawa ang dare ko. Manampal ng hindi ko kilala? Hindi ganun kakapal ang mukha ko para gawin yun ha!"

Nilapag na ni Kath ang kanyang plato sa lamesa. Bubuka ko palang sana ang bibig ko para magsalita tungkol sa usapan namin nang biglang may sumingit.

"Kath..." Tinawag siya ni Khalil. Sa kanya na napatigin si Kath kaya tumikhim nalang ako. "Pwede ba kita mahiram saglit?"

Napakunot ang noo ko. Gusto ko sana umapila pero pumayag na agad si Kath kaya nang tinignan ako ni Khalil wala na ko nagawa kundi tumango nalang.

KHALIL

"Bakit tayo andito?"

"Basta." Ngumisi lang ako sa kanya. Andito kami sa rooftop ng hotel ng wedding party nila. Napawi bigla ang ngisi ko nang maisip na sila pala ang ikakasal. I still can't believe it.

"Weh? Bakit nga? Hinila mo nalang ako bigla!"

Hindi ko napigilan mapangiti ulet. Damn! She's just so gorgeous when she looks confused. Napatingin ako sakanya.

"Pero bakit mo naman ako sinunod? Kung ayaw mo naman talaga hindi mo naman hahayaang hilain kita dba?"

"Eh kaibigan naman kita eh. Malay ko ba na sa ganitong magandang lugar tayo makakarating." Dumungaw siya sa labas, nakikita ang mga magagandang city lights kaya tuwang tuwa siya. Nilingon niya ako at ningitian. "Atska isa pa malakas ka sa akin noh!"

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon