Chapter 27: Childhood Sweetheart

43 2 0
                                    

BABALA: Ito ay takang-isip lamang ng manunulat. Kung ano ang mababasa ay sana huwag umabot sa mismong tao ng ginamit kong character dito. Just hate her character here but not in real person. Thankyou!

__________________________

ZHARM

"Hi." Bati ko sa kanya. Recess time namin at nakita ko nanaman siya nag-iisa sa isang table sa labas ng school namin.

Simula nang nakita ko siya dito sa school namin hindi na nawala ang tingin ko sa kanya. Lagi ko siya pinagmamasdan, hindi dahil sa gwapo siya pero nararamdaman ko may kakaiba sa kanya. Hindi siya maimik na tao. Hindi nagsasalita sa klase at may sariling mundo. Wala siya pinapansin na kahit sino kahit siya na ang nilalapitan ng mga kaklase namin. Nung una, akala ko may sayad siya sa ulo o may sakit, parang special child kaya ganyan siya kumilos pero napagtanto kong mali ako nang makita ko siya umiiyak nung recess namin kaya naisipan ko siya lapitan pero hindi niya ako pinansin. Hindi siya umimik at para bang hindi niya ako nakikita kaya naisipan kong umupo nalang sa tapat niya. Hindi parin siya namamansin kaya hindi rin ako umiimik hanggang sa nilingon niya ako.

"Hi." Ngiti kong bati. "I'm Zharm. Who are you?"

Tinignan niya lang ako at bumalik na sa ginagawa niya. Ang umiyak.

"Pagkalalaki mong tao umiiyak ka!" Napa-irap ako sa kawalan. Napahalukipkip din. Mejo naiinis na ko sa kaartehan ng lalaki ito. Ako na nga ang nagcocomfort sa kanya parang ayaw pa niya.

"Wala kang paki" Nanlaki bigla ang aking mga mata at napatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Una, nagsalita na siya at panglawa, pilipino din siya!

"Uy nagsalita ka din sa wakas! Pilipino ka din pala? Akala ko bulag ka eh, hindi mo ako nakikita kaya hindi namamansin." Bahagya ako tumawa. Tinignan naman niya ako ng masama. "Bakit ang sunget mo?"

Hindi niya ako pinansin. Napasimangot naman ako akmang kakalibitin ko na sana siya kaso padabog siyang tumayo at muli ako tinignan ng masama. Nagkatitigan kami bago niya ako lagpasan at nagwalk out.

Simula nun, pinabayaan ko siya. Nainis din ako dahil ako na nga itong nakikipagkaibigan tapos siya pa nagsusunget kaya pinabayaan ko siya pero nang malaman ko ang rason kung bakit siya lagi umiiyak natigilan ako. Nawala lahat ng galit ko sa kanya at parang mas lalo ko siya gusto maging kaibigan kasi alam ko kailangan niya nito.

"Hi." Binati ko ulet siya at as usual, dinedma niya ako. "Uhm, I know the feeling..."

Parang siya natigilan at napatingin siya sa akin. Tinitigan niya ako kaya ningitian ko siya.

"Okay, I don't literally know the feeling but I know how badly it hurts you. I just want to tell you that it's not the end of the world. It's just a problem for you to grow with."

"How can you say that? Hindi mo naman alam ang pinagdadaanan ko."

"Yes, I know." Napatitig lang siya sa akin. Nagkipit balikat lang ako. "Well, nalaman ko sa teacher natin. Pinagsabihan kami na sana walang mangbubully sayo dito lalo't na bago ka lang at nag-iisa."

"And so?"

"And so... Nalaman ko na your mom just died. And super close kayo kaya masyado ka naaapektuhan. What's worst is that nakita mo pa ng harapan kung paano siya namatay kaya parang trauma na sayo ang nangyari." Tumikhim siya. Hindi na umiimik. "Ganyan din nangyari sa akin. Well, both of my parents died in an accident. Hindi ko nga alam kung kanino ang mas worst. Ang akin na parehong magulang ko ang namatay pero hindi ko nasubaybayan o yung sayo na mommy mo lang ang namatay pero nasubaybayan mo?"

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon