Charger 30: My Only Hope

76 1 0
                                    

SPECIAL CHAPTER FOR NeilYen. ❤
__________________

KATH

"Sure ka na ba dito?" Nilingon ko si Daniel. Napabuktong hininga ako bago tumango. Hinakawan ko ang aking seatbelt.

Andito kami ngayon sa kotse niya papunta kung nasan si insan. Nasa front seat ako habang siya ang nagdridrive. Ang barkada naman ay nasa likod.

"Ano nangyari Kath at bigla nalang nagbago ang isip mo?" Ani Aria. Nilingon ko sila sa likod.

"Dba sila parin ng boyfriend niya?" Tanong ni Julia. Tumango ulet ako. I get it kung ano ang gusto nila ipunto sa akin. Ako ito nagbabawal sa pagmamahalan nila kuya Neil at ate Yen tapos ako ito ngayon tumutulong para magkaroon ng happy ending ang dalawa.

"Well, everything is done na rin naman eh. Magiging at peace naman yung dalawa kung sakali maging sila na."

"Anong ibig sabihin nun?" Sabay pa na tanong nila Julia at Aria. Nagkatinginan kami ni Khalil kaya naman sa kanya na nabaling ang tingin ng dalawa.

"Nung isang gabi, yung araw na naglalasing si kuya Neil, ay ang gabing din na nakiusap si Yen kay Kath."

"Nakiusap?" Sabay ulet na sabi ng dalawa. Halatang gulat sa mga pangyayari wala silang ka-alam alam.

"Magkasama kayo ni Khalil?" Napatingin ako kay Daniel. Nakakusot na ang kanya mga kilay habang nagmamaneho.

"Oo, nakasakay kami ni Khalil sa kotse niya nang hininto niya ang kanyang kotse sa tapat ng restaurant nila."

"What are you doing with Khalil and his car?" Bakas sa boses niya ang pagka-inis. "Hindi mo ba kaya umuwi mag-isa? Akala ko ba iuuwi mo ang pinsan mong lasing na lasing na. Ano na pala iyan?"

Pinanliitan ko siya ng tingin kahit na ba hindi niya ako nakikita dahil nakatuon lang siya sa pagmamaneho. Kung alam lang niya kung ano pinagdaanan ko kagabi. Ang lakas lang talaga magsalita nitong lalaki na ito nang hindi man lang iniintindi ang side ng inaaway niya.

Hinabol ko sila, gusto ko ipaliwanag kay Zharm na wala lang iyon. Ayoko makasira sa relasyon ng kaibigan ko kaya gusto ko itama ang lahat pero nang madatnan ko sila sa labas ng bar magkatapat na sila. Si Zharm nakahalukipkip at halatang galit habang si Daniel naman ay panay buka ng bibig at parang nagpapaliwanag. Hanggang sa hinawakan na ni Daniel ang magkabilang pisngi ni Zharm. Unti-unti lumalapit ang mukha ni Daniel kay Zharm hanggang sa hinalikan niya ang labi nito. Nakaramdam ako ng pagkasikip ng dibdib sa nakita ko lalo na nang makita kong sinuklian ni Zharm ang mga halik ni Daniel. Ramdam ko nadudurog ang puso ko kahit hindi ko alam kung bakit. Parang gusto ko umiyak pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Inisip ko nalang ang dapat ko gawin kaya lalapit na dapat ako sakanila pero agad din natigilan dahil may humila sa braso ko. Pagkalingon ko, nakita ko si Khalil nakakusot ang mga kilay sa akin.

"Wag mong sabihin ginugusto mo talaga hindi sila magkaayos?" Seryosong sabi niya. Lumingon siya sa dalawa na nagyayakapan. "Okay na sila, hindi na kailangan ng paliwanag mo. Hayaan mo nalang muna sila."

Nang nilingon ulet ako ni Khalil bigla nagbago ang itsura niya. Sa seryoso, napalitan ng gulat at awa dahil sa mukha kong naiiyak na. Gusto ko mapigilan itong nararamdaman kong sakit pero parang hindi ko kaya. Kinakagat ko ang aking labi pero gusto parin bumaba ng mga traydor kong luha. Bago pa ko makita umiiyak at humagulgol, naramdaman ko na ang yakap sa akin ni Khalil.

"Sshh. Wala kang kasalanan. Tara na." Inakbayan niya ako at inalalay maglakad hanggang makarating kami sa kotse niya. Pinasakay niya ako atska siya umikot para sumakay sa may driver seat.

Tahimik lang siya nagmamaneho habang ako nakadungaw lang sa may bintana, tulala. Kahit wala na ko iniisip, hindi na alam kung ano ang iisipin, napapatulala parin ako. Sobrang nalilito na ko sa aking nararamdaman na hindi na ko makapag-isip ng maayos.

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon