Chapter 3: Say Whutt?

2.6K 36 6
                                    

KATH

"Ano kaya nangyare dun kay insan?" Pagtataka ko. Naglalakad na kami nila Julia at EJ pauwi. Wala na din kuya Neil ang nagparamdam sa amin, kahit anino niya hindi namin nakita.

"Oo nga eh, parang nabadtrip siya bigla?" Pagtataka din ni Julia

"Baka dahil dun sa dare niya?" Ani EJ. Napakusot ang kilay ko at nagtaka sa sinabi niya.

"Ibig sabihin, sakanila yung naririnig natin na parang sigawan?" Tanong ko. Kanina kasi nung nagtatago kami kay insan at naghihintay ng kanyang pagbalik, may naririnig kaming sigawan. Hindi nga lang namin alam kung san banda nanggagaling yun.

Nagkapit balikat si Julia. "I don't know. Tanong nalang natin siya bukas?" Tumango naman kami ni EJ sa sinabi niya. Huminto na kami sa paglalakad. Andito na kasi kami sa tapat ng bahay namin.

Pare-parehas lang kami ng subdivision pero iba't iba ng street. Si kuya Neil lang ang malapit sa akin kasi nasa tapat lang namin ang bahay nila.

"Osge na, pumasok ka na. Maglalagpas 10pm na rin eh. Mayayari ka na sa magulang mo." Tumango ako sa sinabi ni Julia. Nagbeso kaming dalawa at nagapir naman kami ni EJ. Kumaway ako sa kanila habang naglalakad na sila palayo sa bahay namin atska ako pumasok.

Agad ako ginapangan ng kaba habang naglalakad ako papasok ng bahay. Nararamdaman ko bilis nang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Baka kasi mahalata nila. Sana hindi na ko pagewang-gewang maglakad kahit na ba ramdam ko parin ang mejo pagkahilo dahil sa ininom ko. Sana hindi na rin ako mangamot kahit na ba tinadtaran ko na ang sarili ko ng pabango ni Julia. O siguro, mas mabuti nalang sana kung tulog na sila mama. Para hindi na ko mayare.

This is it!

Dahan-dahan ko binuksan yung pinto, sinusubukan na hindi ito matunog sa pagbukas ko. Nang mapansin ko tahimik naman at mejo madilim sa loob tska palang ako nakatayo ng tuwid. Wala nang tao at bukas nalang ang ilaw sa kusina para sa akin pagdating. Dumiretso na ko ng lakad.

"KATH!" Nanlaki ang aking mga mata. Napahinto ako sa kinakatayuan ko. Si daddy ba yun? OM! Yari na. Dahan-dahan ako lumingon. Halos hindi na ko makahinga sa kaba.

Napabuga nalang ako ng aking hininga nang makita kung sino yun. WTF?

"INSAN! Ano ginagawa mo dito? Tss. Kala ko pa naman kung sino!"

Tinawanan niya ako. "Bakit? Takot ka noh? Akala mo papa mo na?" Pang-aasar niya habang naglalakad palapit sa akin. Nastatwa parin ako sa kinakatayuan ko. Langya!

"Tse! Ewan ko sayo. Ba't ka ba nandito ha!" Tinignan ko siya ng masama

"Eh kasi may sasabihin ako kay tito at tita.." Ngumisi siya sa akin. Nanliit naman mga tingin ko sa kanya. Parang feeling ko alam ko na sasabihin niya. Gumaganti ata 'to.

"Wag ka na nga. Umuwi ka na. Chupi!" Sabi ko habang tinutulak ko siya palabas ng bahay. Baka kasi masabi niya kela mama na uminom ako. Hay! Mga balak nga naman ni insan ikakapahamak ko talaga!

"Kathryn! Ano ba ginagawa mo sa pinsan mo?" Napabitaw ako kay kuya Neil at napaharap sa tumawag.

"Ahh. Wala po ma." Sabay iling.

"Ito po tita si Kath pinagtatabuyan na ko dito sa bahay ninyo." Napatingin ako kay kuya Neil, siya naman tinignan ako ng masama pero nakangisi. Nanggaganti nga! Kaasar! Ano ba problema nito at bigla magsusumbong? Kung dahil ito sa binigay niyang dare, bakit niya ako isusumbong kung sakanya din naman galing yung dare na ginawa ko? Nakakaasar talaga!

"Wala akong ginagawa sayo ha! Wag mo nga akong tignan ng ganyan. Ikaw din naman nagsimula ng lahat eh." Dipensa ko. Inirapan ko siya.

"Alam mo ba kasi tita yan si Kath naka-ino-" At bago pa niya matapos ang sasabihin niya sumingit na ko.

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon