Chapter 6: The Reason

2.2K 28 10
                                    

YEN

Nagulat ako nang bigla nalang niya hinawakan ang kamay ko at tinayo ako. Naglakad kami papunta sa gitna.

"Why?" Tanong ko sa kanya, nagtataka.

Ningitian lang niya ako at sinabing, "Happy Birthday"

"Bakit nga?" Pamimilit ko sa kanya.

"Wala lang. Gusto ko lang mapasaya ka sa iyong kaarawan. I want this day to be special for you..." He smiled. I smiled back. I don't know pero suddenly, I feel comfortable.

"Isasayaw mo ko nang walang music?" Pagtataka ko. Pagkahinto namin sa gitna, bigla niya ako hinawakan sa beywang.

"Ahh... Ito!" Inalis niya yung headphone sa kanyang leeg niya at nilagay sa tenga ko. Agad ko naman narinig ang tugtog.

"Paano ka? Hindi mo maririnig yung music?" Natatawa kong sabi. Nakakatuwa dahil nagagawa niya mageffort. Mag-isip ng paraan para lang mapasaya ako sa kaarawan ko.

"Ok lang. Susundan ko nalang rythm ng sayaw mo." Aniya. Kininditan ako. Napa-iling nalang ako pero nakangiti. Nung una namin nagkita nagka-initan kami pero despite of my attitude back there he still willing to make me smile. To make my day complete.

There's a song that's inside of my soul

Dahan-dahan niya hinawakan ang magkabila kong kamay at pinatong sa kanyang balikat. Nagkaroon ng kung anong kuryente sa akin katawan dahil sa haplos niya. Ngumisi siya nang nakakaloka.

"Miss! langit na ba ito? Para ka kasing anghel." Lalo lumapad ang kanyang ngiti.

I'm awake in the infinite cold

Halos ako hindi makareact dahil parang ako nalulunod sa kanyang mata. Hindi ko alam kung ganun ba talaga siya tumingin. Nakakatakot tignan ang kanyang magagandang mata. Nakakatakot dahil nakakalunod tumitig dito.

Napayuko ako. Hindi ko kaya magtagal tumitig sa kanyang mga mata. Patuloy lang kami sa pagsayaw. Sumusunod siya sa bawat hakbang ko. Nagulat ako nang bigla siya bumitaw at inikot ako. Sa pagharap ko sa kanya, nagtama nanaman ang aming mga mata. Napasunod nalang ako sa galaw niya dahil natigilan ako nang nagtama ang aming mata. Sa hindi malaman dahilan meron ako nararamdaman sa akin tyan at napapabilis ang aking paghinga. Ganito lang ako kapag kinakabahan.

Why suddenly I feel nervous? Wala naman kami ginagawa kundi sumayaw lamang. Dahil ba ito sa presensya ng tao nasa harap ko? Dahil sa mga ngiti pinapakita niya? Ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin? O sa kanyang boses na nakakapagtayo balahibo sa akin kapag bumabanat siya?

Pinang walang bahala ko nalang ang aking iniisip at dinama ang kanta. Nadadama ko ito dahil sa kanta. What about him? Can he feels it? Does he feels the same way too?

I hope so.

Though it feels like my dreams are so far

"Hotel ka ba?" Natauhan ako ng bigla siya nagsalita. Napatigin ako sa kanya na nakangisi. "Gusto ko kasi mag CHECK-IN dyan sa PUSO MO, Pwede ba?"

Mas lalo gumagalaw ang aming sayaw. Kung kanina sway lang kami ngayon lumalaki ang hakbang ng aming paa. Hindi lang kami sa isang pwesto nakakapunta. Parang nagpapaikot na namin ang gitna. Patuloy lang kami sa ganito habang magkatinginan.

Para bang wala na kami paki sa mga taong nakatingin sa amin. Feeling namin solo namin itong place na ito.

"Mahilig ka ba sa asukal? Ang tamis kasi ng mga ngiti mo.." Lalo ako napangiti sa sinabi niya. Feeling ko namula pa ang aking pisngi.

Ano ba meron sa kanya at sa mga banat niya? Alam ko bolero ang mga ganun pero I can't help myself. Kinkilig ako. Feeling ko ayoko na matapos ang pagsasayaw na ito. Pwede ba hindi na matapos ang gabi na ito?

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon