Chapter 2: Pranks

2.9K 40 9
                                    

KATH

"This could have been just another day...But instead we're standing here...No need for words it's all been said...In the way you hold me near..."

"Oy! Gawin mo na bilis." Sinesenyasan ako ng barkada sa likod. Bigla ako natauhan. Napa-awang na pala ang bibig ko at nakatitig lang ako sa lalaki nasa harap ko na masama parin ang tingin sa akin. Halatang iritado. Napalunok ako.

"Ahh..." Agad ako napa-iwas ng tingin sa kanya. Feeling ko kapag tumingin ako sa mga mata niya nakakalunod, makakalimutan ko kung ano nga ba ang pinunta ko dito. "Ito ba yung pinalit mo sa akin ha!" Tinuro ko ang babaeng nasa likod niya na may hawak na glass at nakatingin rin sa akin.

"Excuse me?" Tinaasan ako ng kilat nung babae. Napalunok ako. Mukhang mataray pa ata 'to ah. Sana hindi ako mapa-away. Not with this kind of situation.

"What are you talking about?" Napalingon ako sa lalaki na nakaleather jacket. Nakakusot parin ang kanyang mga kilay sa akin at seryoso ako tinitigan. Napalunok ulet ako. Pang-ilan ko na ba ito? Feeling ko mauubusan na ko ng laway kakalunok!

"Ito!" Tinuro ko yung babae sa likod niya. Iniwasan ko ulet siya ng tingin. Hindi ko talaga kaya, nanghihina ako sa mga mata niya. Bakit ganun? Hindi ko alam kung dahil ba yun sa na-inom ko o sadyang nakakahulog lang ang lalim ng kanyang mga mata? Napa-iling ako sa akin iniisip. FOCUS KATH. Tinignan ko nalang yung babae. Umakto ako galit para kapatunay tunayan naman itong gagawin ko. "Siya yung pinalit mo? All this time! How could you? Sana man lang mas maganda pa sa akin ang pinalit mo. Nawalan ka na ba ng taste?"

"Pardon me?" Mukhang nairita yung babae sa sinabi ko. Ano ba yan!! Hindi ko na rin alam kung ano mga pinagsasabi ko eh. Hindi ko alam kung san ko siya nahuhugot basta lumalabas nalang lumabas sa bibig ko yung mga yun!

"No need for this sht talk" Para matapos na tong dare na to!

Sinampal ko na yung lalaki. Nagulat yung mga taong sa paligid namin. Kahit ako ay nanlaki ang mga mata at napahawak sa aking bibig. Napaliko ang ulo nung lalaki na kanina lang masama ang titig sa akin. Sorry! Napalakas ata yung sampal ko. Hindi na ko nagsalita ulet at naglakad na ko pabalik sa barkada. Yung magkakasama na kami lumabas na kami kaagad sa hard rock.


KHALIL

"Aba! Mukhang nagkascore nanaman yang mukha mo ha!" Pangaasar ko habang naglalakad kami papunta sa kanya. Paano ba naman kasi masyado siyang babaero. Ayan tuloy!

"Shut up!" Sabi ni Daniel habang nakahawak parin sa pisngi niya at malayo ang tingin.

"Dude! Chill!" Sabi naman Diego sabay tapik sakanya at tinignan din kung san nakatingin si Daniel. Pareho sila nastatwa kaya naman nagtaka ako sa tinitignan nila.

"At san nanaman ba kayo nakatingin?" Sinundan ko yung mga mata nila kung san nakatingin at nakita ko may dalawang babae at dalawang lalaki ang tumatakbo palabas ng Hard Rock.

"That girl." Ani Diego. Napatingin naman ako sa kanya.

"Who?" Pagtataka ko.

"That sht girl." Ani Daniel. Halata sa boses niya ang inis at pagka-iritado.

"Ano?" Napatingin ako sa kanila. "Parehas ba kayo ng tinutukoy?" Napatingin naman sila sa akin. "Dalawa kayang babae ang nandun. Sino ba dun ha!"

"Yung kulot na buhok na babae." Nakakusot ang mga kilay ni Daniel sabay hithit sa kanyang yosi.

"That girl in purple." Sabi naman ni Diego. Tumingin ulet ako dun sa apat na tumatakbo. Sinubukan ko tignan yung tinutukoy nung dalawa pero di ko na makita yung mga mukha kasi nakatalikod na. Kanina naman hindi ko rin nakita yung sumampal kay Daniel kasi exacto pagkasampal nung babae umalis na siya agad at exacto naman sa pagalis niya, kakarating lang namin ni Diego kaya hindi ko talaga nakita mukha nun.

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon