Chapter 21: Mysterious Girl

661 9 3
                                    

KATH

“Baka friendly lang yung tao.” Nagkipit balikat ako tska sumubo sa akin kinakain. Salukuyang kumakain kami ng dinner ngayon at ito nanaman siya binibring out nanaman kung bakit lagi kong kasama si Khalil.

Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit nga ba si Khalil kasama ko. Ewan ko ba, kung san ako magpunta lagi siya andyan lalapitan ako tapos magaaya na hanggang kami na ang magkasama. Mas pinagtatakahan ko naman kung bakit parang sobrang interested naman siya dito?

“Tsk hindi yun friendly! Kung alam mo lang...” Aniya. Halata sa boses niya ang inis at pagkairita. Gusto ko sana tignan yung expresyon ng kanyang mukha pero nakayuko lang siya habang kumakain. Hindi niya ako nililingon kanina pa. Ano ba talaga problema nito?

“Hindi daw friendly. Sa pagkakaalam ko siya ang boy material ng FF ha? Ito, sisiraan pa yung kaibigan niya.”

“Alam mo ikaw ang dami mo talagang satsat! Tinatanong ko lang naman kung may  gusto ka dun. Hinahaba mo pa yung usapan.” This time nilingon niya ako. Nagsasalita siya habang may ningunguya at dinuro duro pa niya ako ng tinidor niya. I took a deep breath. Pahabahin mo pa pasensya mo Kath. Hays

“Wala po akong gusto dun. Friends lang kami okay? Wala ka dapat ipagalala. Kaya wag ka na magselos ha? Hubby.” I smirked. Alam ko naman talaga hindi siya nagseselos. Una sa lahat hindi niya ako type. Pangalawa, kinamumuyikan niya ako! Wala lang, gusto ko lang siya asarin para imbis na mabadtrip ako sa kanya tatawanan ko nalang siya.

“OY! SINO NAGSABI NA NAGSESELOS AKO?! MANIGAS KA!”

“AYAN KA NANAMAN! NAKASIGAW! HINDI KA BA MABIRO HA?! TSK AKO UNA MONG AASARIN DYAN TAPOS IKAW MAGAGALIT? ABA’T! DYAN KA NA NGA!” Padabog ako tumayo. Kaasar ito! Walang oras talaga hindi ako binibwiset! Ngayon pa sobrang badmood ako!

"OY!" Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ko siya. Nakatingin ako ng masama. Kulang nalang, patayin ko siya sa mga tingin ko. "San ka pupunta? Maghugas ka muna!"

“Kapal rin ng mukha mo ano? Sisigaw sigawan mo ako tapos ngayon papahugasin mo yan sa akin? Tsk lelang mong panot! Maghugas ka magisa mo!” Tinalikuran ko siya at naglakad na ko ulet. Umakyat na ko at nagkulong sa kwarto ko. ASAR! Nakaka-inis talaga yung lalaki na yun! Hinahabol ko na ang aking hininga pagkapasok ko sa akin room. Sa sobrang inis.

Hindi ba niya alam na badtrip na badtrip na ko ngayon? Kanina pa! Simula pa nung nangyari kay kuya Neil kaya umuwi ako kanina na mainit ang ulo at nasungitan ko ito si Daniel tapos ngayon ito nanaman. Hays kumalma na ko eh, pinainit nanaman niya ulo ko.

DANIEL

Anong problema nun? Bakit nakadabog agad? Nagtatanong lang naman. Isa pa hindi ba siya nasanay halos araw araw kami nagsisigawan? Napakamoody niya tsk kanina pa niya ako sinusungitan pagdating niya dito sa bahay. Nakukulitan na ba siya sa akin dahil tanong ako ng tanong tungkol sa kanila ni Khalil? Wag naman sana, kaya lang naman ako nangungulit kasi gusto ko malaman kung ano na ba status nila ni Khalil, kung may feelings na ba siya dun para maituloy ko na yung plano ko. Ayun lang naman ang tensyon ko, wala nang iba.

Pinanuod ko lang siya umakyat ng hagdan na padabog. As in ang lakas ng mga padyak ng mga paa niya. Grabe naman ito! Kulang nalang masira na yung hagdan namin. Yan ba yun tinawatag nilang PMS? Kung ganun grabe pala siya magmoodswing!

Hinayaan ko nalang siya at ako na nagligpit ng pinagkainan namin. Pasalamat siya at ayoko ng kalat kung hindi, hahayaan ko lang ito nakakalat dito at siya talaga pagliligpitin ko.

After ko magligpit, sa may living room nalang ako tumambay. Hindi ko alam pero hindi ako makapali dito sa pwesto ko. Naka-upo lang naman ako habang yung paa ko nakapantong sa center table at nanunuod ng TV na nasa harap ko. Pasulyap sulyap ako sa may hagdanan namin na para bang hinihintay ko si Kath na bumababa. Nagaalala ba ako sa kanya? Ang tahimik niya kasi hindi ako sanay na hindi siya dumadaldal or nagaasaran kami. Ang tahimik ng bahay. Baka naman tulog lang yun dahil may PMS siya ngayon? Napa-iling ako nalang ako at binalin ko ulet yung atensyon ko sa pinapanuod ko.

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon