Chapter 19: Happy Birthday Hubby!

787 12 5
                                    

Dahil sa birthday ng ating Teen King. Special chapter ito para sa kanya <3 Wala munang ibang characters sa chapter na ito. It will be Kath and DJ only <333

________________________________

KATH

“Ayy oo nga pala, may tatanong ako sayo..”

“Ano yun?” Aniko. Hindi ko siya nililingon at patuloy parin ako sa akin pagkain. I didn't know masarap para siya magluto. Nag-abala pa siya ako paglutuin pwede palang siya nalang.

“May...”

“Hmm?”

“May... Gusto ka ba kay Khalil?”

Nanlaki ang aking mga mata at napalingon siya. Halos mabulunan na din ako sa sinabi niya. Kapag magkataon, baka nabuga ko pa ang kinain ko sa pagmumukha niya. Ano ba pinagsasabi niya? Ako, may gusto kay Khalil? Ang sarap niya pagtawanan!

“Ba-bakit mo naman bigla natanong iyan?” Hindi ko alam kung bakit ako nautal. Hindi ko alam kung sa kanya ba ako nailang o sa tanong niya. Napa-iwas tuloy bigla ako ng tingin. Yumuko nalang ulet ako at dahan-dahan pinagpatuloy ang aking kinakain.

“Napansin ko kasi na napapadalas na yung pagsasama ninyo.”

"Ahh..." Tinignan ko siya. Hindi agad ako sumagot. Pinagmasdan ko muna ang mukha niya pero wala siya pinapakitang expresyon. Seryoso lang siya. Tumango tango ako at pinakita sa kanya na nag-iisip. "Ako nga din eh. Ewan ko ba dun panay dikit sa akin. Masyado ata nagagandahan sa akin."

Ngumisi ako pero itong kasama ko mas sumimangot. Napakagat ako sa aking labi para mapigilan humalakhak. Ang sarap talaga niya asarin ng ganito.

“Tsk. Kapal mo! Feeling mo naman?!”

"JOKE LANG OKAY?" Inirapan ko siya. Ako ngayon ang napasimangot. "Hindi mabiro!"

Natahimik naman siya. Tsk ang labo talaga ng lalaking ito. Ngayon, hindi siya kumikibo kaya naisip ko nalang maglabas ng panibagong topic.

“Ay nga pala, anong balak mo bukas?”

“Bukas? Bakit anong meron?”

“Uhm, birthday mo kaya bukas!” Nagtaka naman siya at parang iniisip kung anong date na nga ba.

“Ah... 26 na pala?” Tss!! Oo araw niya at kaarawan namin. I hate him! He doesn't even know!

“Teka, paano mo pala nalaman yung tungkol dyan?”

Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang napansin na nagmukha pala ako stalker nito. Baka kung ano nanaman isipin niya sa akin! Feeler talaga.

“Sabi sa akin ni mommy Karla. Eh dapat daw mapasaya kita kahit ngayon birthday mo lang.”

“Tsk pakilamera talaga yung babaeng yun!” Napakusot mga kilay ko. Ito nanaman po siya. Bakit ba ang hilig hilig niya bastusin ng ganun si mommy Karla? Akala mo naman hindi siya nang galing dun. Tss

“Wala ka bang balak gawin?” Iniba ko nalang yung usapan kesa yung pagsasabihan ko siya mas lalo lang kami magaaway at isa pa baka hindi ko pa magawa yung pinapagawa sa akin. Chill lang muna ako hanggang kaya ko.

“Hmm.. Wala. Ano bang magandang gawin?” Aniya. Halata sa kanyang mukha na wala siya paki kung ano man meron bukas.

Napatitig ako sa kanya, iniisip kung bakit nga ba siya naging ganyan? Paano ba siya pinanganak? Mukhang mababait naman sila mommy Karla at daddy Rommel. Hindi ko maintindihan kung bakit siya naging ganyan. May paki kaya siya sa kahit na ano o sino? Napakaweirdo niya.

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon