Don't you know
I was the star
that has fallen
when you wished
for her?-Shi Collantes, that one starry night
Pagkabalik nila ni Shawn galing sa bakasyon pumasok agad si Sandy kinabukasan. Hindi niya pa rin ino-open yung mga blocked messages niya dahil gusto na nga niyang kalimutan si Jake. Habang naglalakad siya papunta sa department nila nasalubong niya so Jake. Nginitian siya nito pero hindi niya ito pinansin. 'Omg! Ano ba yun? Kung sino pa talaga yung gusto kong iwasan yun pa ang makakasalubong mo!' nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa office nila. Nang marating niya ang table niya agad siyang umupo.
"Hoy! Anong meron? Bakit pawis na pawis ka? Saan ka ba galing?" usisa ni Gwen.
"Ha? Wala napagod lang ako sa paglalakad" paliwanag naman nito sa kanya.
"Napagod ? Eh para ka ngang nakakita ng multo jan" sabi ni Gwen sabay alis .
'hala! Baka nasaktan yun? Nakakahiya' Kinuha ni Sandy ang cellphone niya sa loob ng bag niya at nagdesisyong tignan ang block messages niya.Maraming messages from Jake. Ilang araw niya kasi itong hindi tinext.
"Ur majesty nasaan ka po?"
"Namimiss na po kita"
"Bakit di ka na po pumapasok?"
"Tinanong ko yung officemate mo na isa nagbakasyon ka raw"
"ur majesty I miss you sooo much"
"Iniiwasan mo na ba ako? Bakit? Ayaw mo na?"
"Mag-usap nga tayo. Mamaya magkita tayo pagkatapos ng office hours. Hihintayin kita sa dati nating tagpuan. Hihintayin kita kaya dapat pumunta ka"
those were the messages she recieved from Jake. Pero hindi niya ito nireply'n kahit isa.
Tuliro si Jake sa table niya dahil kaninang nakasalubong niya si Sandy hindi siya nito pinansin kaya nag send siya ng message dito. 'I wanna talk to her. Ganito pa na iba na ang nararamdaman ko sa kanya iiwasan niya ako'.
Lunch time na pero hindi pa rin nagre-reply si Sandy sa mga text niya. 'Ano ba!? Ano bang nangyayari dun?!' kuyom-kuyom niya ang kamay niya habang pinipigilan ang galit niyang lumabas. Biglang tumunog ang cellphone niya. It was Kristina who's calling him.
"Hello"
"Hello babe" masiglang bati ni Kristina sa kabilang linya.
"Bakit napatawag ka babe?" tanong ni Jake
"Gusto ko lang ibalita sayo na tuloy na ang bakasyon ko sa September babe. Ilang araw na lang magkikita at magkakasama na tayo"
Tulala naman si Jake sa sinabi ni Kristina.
"Babe! Ano na hindi ka na nagsalita" sigaw ni Kristina.
"Talaga babe? Seryoso yan?"
"Oo babe. See you soon babe. i love you. Sige babe may gagawin pa ako"
"Okay babe, I love you more bye"
Para pa rin siyang naestatwa sa narinig niyang balita. 'Paano na yan? I'm falling for Sandy.' Di niya alam kung ano ang gagawin niya naguguluhan siya.
Napukaw ang pag iisip niya ng iabot sa kanya ni Jacob ang Invitation para sa anniversary ng kumpanya nila. Masquerade Ball ang motiff nito at kailangan magdala ng date ang bawat isa. Si Sandy ang unang pumasok sa isip niya.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Officemate COMPLETED (#Wattys2016)
General Fiction"I'm so sorry. I know we both made mistake. Pero kadamutan bang masasabi kung hihilingin ko sayong huwag na lang. Huwag mo akong iwan? I love you Jake Please don't leave me" - Sandra Dela Cruz This is a story about a boy named Jake and a girl named...