Chapter 13: I Let You Go

3.4K 57 5
                                    

"Huwag kang mahuhulog sa isang taong walang kahit anong intensyong saluhin ka. Para kang nangangarap na lumipad matapos tumalon sa mataas na gusali. Kahit na isigaw ng utak mo na ikamamatay mo yan, sinasabi naman ng puso mo na kakayanin mo yan. Maaaring madaming hindi imposibleng mangyari sa mundong ito, pero hindi ibig sabihin na makukuha mo lahat ng gusto mo. Nangarap ka na ngang mapapasayo siya, sana wag ka ng mag ilusyon na mamahalin ka din niya"

Bago siya umalis ng Venue tinawagan niya si Shawn. Sinagot naman ito agad ni Shawn

"Babe"

"Babe, can you fetch me here?" she plead

"Bakit ang aga babe? " tanong naman ni Shawn.

"Sumama yung pakiramdam ko babe eh" pagpapaliwanag naman niya.

"Okay babe, I'm coming wait for me. I love you"

"Thank you babe. I love you more".


Nang matapos ang tawag ay nag uunahan ang luha niya sa pagbagsak. 'Grabe! Ang sakit pala. Para akong niloko ng harap-harapan . Pero wala akong magawa! Wala akong karapatan para magselos ni katiting wala! Dahil pag aari siya na siya ng iba!'

'ano ba?! Bakit ba ako umiiyak? Para akong tanga' pinunasan niya ang luha niya dahil baka mapansin ito ni Shawn at baka magtanong pa ito kung bakit siya umiiyak.

After 30 minutea dumating na si Shawn still wearing his corporate attire. Aalis na sana sila ng bigla siyang tawagin ni Gwen. "Shawn!" sigaw nito Lumapit naman silang dalawa. "Bakit?" tanong nila ng sabay. "Anong bakit? Aalis na kayo? Wag muna dito muna kayo kahit sandali lang nakakahiya naman kay boss. Siya nandito pa tapos ikaw aalis na?" Ayaw na sana niyang bumalik pero nagpumilit si Gwen ang ending maka table sila nila Jake at Kristina. Pagpasok pa lang nila. Binati na si Shawn ng mga katrabaho nila. Nang makarating sila sa table. Binati ni Shawn si Jake.

"Hello pare, I'm Shawn. Boyfriend ni Sandy" nagkamayan naman ang dalawa "And you are?" he's referring to Kristina. "Oh, I'm his girlfriend" sabay ngiti.  "So Jake, you must be my girlfriends date a while back?" para siyang nasusunog. Ayaw niya sanang magkaharap ang dalawa dahil guilty siya. "Yes, but apparently my girlfriend just arrive so hindi ko na siya naasikaso. I'm sorry" nalungkot naman si Sandy sa narinig niya.

'gago to! Dumating lang ang syota dinedma na ako! Why so stupid Sandy! Assuming ka kasi na kaya ka rin niyang mahalin!' pagmamaktol ng isip niya. "Babe, you look pale" sabi ni Shawn "I think we better go now. Mukhang masama pakiramdam mo eh" tumango namam si Sandy. Nagpaalam na sila kay Kristina at Jake tsaka umalis.

Hinatid siya ni Shawn sa bahay nila. "Are you sure you're okay babe?. I can take care of you" he said worriedly. "Wag na babe. Kaya ko to matutulog lang ako. Thank you sa pagsundo babe. I love you"  tsaka niya dinampihan ng halik ang mga labi nito.

Pag-alis ni Shawn agad siyang tumakbo sa kwarto niya at umiyak ng umiyak. 'Why am I feeling this? Dapat hindi ko ito nararamdaman. Kasi wala namang kami! Pero bakit? Bakit ako nasasaktan!. Hindi ko dapat ito nararamdaman.' Umiyak lang siya buong magdamag hanggang sa makatulog siya.

Nagising si Sandy ng marinig ang cellphone niyang tumutunog. Pagtingin niya sa orasan 10:00am na. Bumangon siya upang tignan kung sino ang caller. Nagulat siya ng makitang si Jake ito, pero hindi niya ito sinagot.

Binuksan niya ang Blocked Messages niya at nakita ang mga text nito.

"Ur majesty I'm sorry. Hindi ko in-expect na darating siya. Okay na po ba ang pakiramdam mo?"

I Fell Inlove With My Officemate COMPLETED (#Wattys2016) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon