"Tagay pa more!"
Sigaw ko at itinaas pa ang baso.
"Uy Maty, lasing ka na ba talaga?"
Tanong sa'kin ni Maggie.
"Ha? Oo naman, lashing na ko."
Tumawa muna siya bago nagsalita.
"Hoy Maty! Huwag ako! Walang lasing na umaming lasing. Kilala kita at alam kong mala-palasyo ang imbakan mo ng alak diyan kaya hindi ka basta-basta nalalasing. Tigilan na nga natin ito. Tayo na lang umiinom oh. Nag-uwian na ang mga bisita mo. Bagsak na si palangga saka iyong asawa mo na halos nagligpit ng lahat ng kalat. Baka gusto mong mahiya diba?"
Impakta talaga 'to kahit kailan.
Tumayo na siya at dumeretso na ng pasok sa bahay nila. Nasa labas kasi kami nag-iinuman kasi nagliligpit ng kalat kanina sa loob si Maly bago kami nagsimulang tumuma. Ayaw naman uminom kasi baka raw di niya kayanin.
"Tsk. Ako na nga lang uubos nito."
Sabi ko saka tinungga iyong bote mismo ng empi. Kaso nakaka ilang patak pa lang yata ako ng may marahang kumuha noon sa mga kamay ko.
"Tama na 'to Maty. Tara na sa loob, magpahinga na tayo."
Sabi iyan ng my dearest husband ko. Inalalayan niya pa akong tumayo mula sa pagkakaupo, pati sa paglalakad papasok ng pinto.
Napakagat-labi na lang ako pagkaupo ko sa papag namin.
"Maly..."
Tawag ko sa kaniya. Pansamantala niya kasing inaayos iyong hihigaan namin.
"Hmm?"
Hindi ko siya sinagot at kusa na lang kumilos ang mga braso ko para sunggaban siya ng yakap. Pareho na kaming nakaupo ngayon habang magkayakap.
"Ayos ka lang ba Maty? May masakit ba sayo?"
Humiwalay na ako sa yakap ko sa kaniya para makita ang mukha niya.
"Maly. Gawin na natin, mag-honeymoon tayo sa unang gabi natin."
Maaliwalas muna niya akong nginitian bago siya nagsalita.
"Kung ayon ang gusto ng asawa ko, sige."
Ako naman ngayon ang napangiti dahil sa sagot niyang iyon.
Nang lumapat ang labi niya sa akin ay mabilis na kumalat ang init sa buo kong katawan. Epekto na rin siguro ng alak. Sa una ay marahan at maingat lamang ang halik na aming pinagsasaluhan. Hanggang sa mauwi na ito sa mapusok at mapaghangad na halik.
Ito ang resulta ng limang buwang pagsasama namin bago kami ikinasal. Hindi ito ang unang halik naming dalawa pero masasabi kong ito na yata ang pinaka matindi. Kakaiba ang Maly na kasama ko ngayon. Kung kumilos kasi siya, aakalain mong beterano at hindi baguhan.
Nararamdaman ko na ang pag-gapang ng mga kamay niya sa katawan ko. Mapaghanap ang mga ito, mapag-galugad. Mas tumindi pa ang antisipasyon ko ng dumako ang isa niyang kamay sa dibdib ko, habang ang isa naman ay humihimas-himas na sa bandang hita ko.
"Ayos lang ba kung hubarin natin ito, Maty?"
Bulong niya sa punong tainga ko ng humiwalay kami sa halik.
Pansamantala akong natigilan ng magtagpo ang paningin namin at makita ko sa mga mata niya ang isang bagay na hindi ko inaasahan---pagnanasa.
Hinayaan ko siyang isa-isang tanggalin ang saplot ko sa katawan. Pinamulahan ako ng mukha ng tuluyan ng mahantad ang kahubaran ko sa kaniya.
Napapaso ang mga titig nya.
Hinubad niya muna ang suot na pang-itaas bago muling pumaibabaw sa akin.
Nagsimula muli siyang angkinin ang mga labi ko. Pababa ng pababa ang halik niyang iyon, sa panga, sa leeg, hanggang sa tuluyan na itong dumako sa aking dibdib. Hindi ko na napigilan ang sarili kong masabunutan siya ng maramdaman ko na ang basa niyang dila sa aking utong. Para lang siyang sanggol doon na dumedede habang ang isa niyang kamay ay nasa kabila naman at marahang lumalamas.
BINABASA MO ANG
PSYCHO HEART: ZEUS CREED
General FictionThis is a bewildered story of an ordinary woman and an awesomely triple H man. A hot, hunk and handsome - psycho? Isang nurse si Maty na makakatagpo sa isang sugatang lalaki na kalaunan ay tatawagin niyang Maly. Ika nga niya eh, short daw for 'ma...