Chapter 13 - Power meter

4.6K 95 2
                                    

"Hindi! Ayoko na! Bababa na ko! Maly baba na tay---------ahhhh!"

Juice colored! Ayoko na!

Nasan kami?

Nasa amusement park, at kasalukuyang nasa SPACE SHUTTLE!

Kulang na lang bumaliktad ang buong sistema ko ng mag-umpisa ng umandar ito. Kanda siksik na ako sa kili-kili ng asawa ko dahil sa kaba at takot. Hindi ko magawang magrelax at basta na lang sumabay sa ibang nakasakay dito habang tuwang-tuwa at nagtataas pa ng kamay. Ni hindi ko nga maimulat ang mata ko, at satuwing nasa parteng paahon na kami ay nahihigit ko na lang ang hininga ko kasabay ng pagbigat ng pakiramdam ko. Search for my kaluluwa naman ang peg ko dahil parang naiiwan ito sa itaas satuwing palusong naman ang shuttle. Iyon na yata ang pinaka intense na parte ng buhay ko maliban doon sa unang gabi namin ng bebe ko.

"Ahhhh!"

Kung anong takot ko siya namang ikinasaya nitong asawa ko. Buwiset! Mamaya talaga makakatikim 'to sakin!

Ilang sirko pa at pagbaliktad, sa wakas! Huminto na rin!

"Grabe, ang saya! Tara Maty, isa pa!"

Ay anak ka ng tortang talong na nabuhay!

"Isa pa? Eh kung ilaga ko kaya iyang isa mong itlog diyan!

"Wala namang ganiyanan. Magagalit ang ibon kapag nawala ang isa niyang itlog."

Aba talaga!

Akma ko na siyang hahampasin ng mabilis niya akong hinigit at niyakap ng mahigpit.

"Biro lang. Namumula ka na naman sa galit. Ang cute mo pa naman kapag nanlalaki iyang mata saka butas ng ilong mo. Ang sarap mong panggigilan."

Tsk. Kaya pala ha. Ngayon alam ko na kung bakit iniinis niya muna ko gabi-gabi bago kami maglampungan. Gusto niya pala iyong asar kong pagmumukha.

Hindi ko siya inimik at sumimangot lang ako. Sorry asawa ko pero nasa mood akong magpabebe.

"Sige na nga. Doon na tayo sa rides na gusto ng asawa ko. Saan kaya iyon at ng masakyan na namin?"

Nagliwanag naman ang buong paligid dahil sa parinig niyang iyon.

"Yay lika! Tara na sa rio grande!"

Napahalakhak na lang siya ng hilahin ko ang laylayan ng suot niyang polo papunta sa direksiyon ng ride na gusto ko.

"Yes! Tara Maly, tayo na!"

Hindi ko na naitago ang excitement ko ng moment na namin ngunit napaarko ng bonggang-bongga ang isa kong kilay ng may isang babae na kulang na lang eh mahiya ang bra at panty dahil sa daring nitong suot na tumabi sa asawa ko. Pang-groupy kasi ang bawat rides sa rio grande at kailangang mabalance ang laman nito para hindi pumalya kaya naman hindi puwedeng dalawa lang kami ni Maly.

Panay pa ang sulyap ng haliparot na mukhang pokpok sa asawa ko na hindi naman alintana siyempre ng bebe ko. Sa skin lang kaya siya nakatingin buong ride namin. Tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko satuwing ako ang natatapat sa falls at nababagsakan ng tubig.

Well, sorry girl pero sabi nga ni Angel Locsin, "Akin lang ang asawa ko!"

Nangasim ang mukha nitong kuwadrado ng bumaba kami ni Maly ng magkahawak pa ang kamay.

"Ay grabe! Pakadaya niyo naman pare! Nakasakay na agad kayo ng rio grande! Samantalang kami nitong si Maggie nagpaikot-ikot lang sa carousel at ferries wheel! Akala ko nga nasa prosisyon kami at hindi sa pasyalan."

Reklamo ni Jonel ng makita at lapitan nila kami.

Group date naming apat ngayon dahil na-timing na sabay-sabay kaming walang pasok. Pagkakataon na rin para sa selebrasyon ng unang tatlong buwan namin ni Maly bilang mag-asawa. I still can't believe na three months na pala akong gabi-gabing tumitihaya!

PSYCHO HEART: ZEUS CREEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon