Chapter 34 - Kahit tayo lang

3.6K 62 4
                                    


"Milky Matagtag!"

Hindi na-approve na gamitin niya ang apelyidong Sanbuenaventura noong nilalakad ko ang papel ni Milky para sa binyag niya. Nasilip kasi na fake iyong pinasa kong birth certificate ng dati kong asawa kuno. Ibig sabihin, hindi ako considered as married at ibig sabihin, single mother talaga ang ganap ko! Ok lang sana eh, kaso ang hindi okay ay tawagin ba naman akong ambisyosa noong humahawak sa mga papel ng anak ko! Kesyo asa pa raw akong makatisod ng isang Sanbuenaventura at huwag raw akong asumera at feelingera sa self proclaimed kong asawa! Ayon tuloy, pinamanhid ko ang anit niya.

"M-Mama, bakit po?"

Tensionado itong ngumiti at lumapit.

"Ano ito ha?"

Pinakita ko sa kaniya iyong papel na hawak ko.

"Papel po?"

Aba't?

"Tinatanong kita Milky ng maayos!"

Pilosopo itong batang 'to! Kanino ba ito nagmana?

Sayo!

"That's a registration form Mama."

Yumuko siya pagkasabi niya noon. Alam na marahil nito kung anong kasalanan niya.

"Exactly! Registration form para sa isang JUNIOR CAR RACING COMPETITION! Ano sa tingin mo ang sinasalihan mong bata ka ha?"

Pumamewang ako sa harap nito.

"Mama, kaya nga po junior. Ibig pong sabihin para sa mga bata. Five months preparation naman po iyan. They will train us after our parents gave their consent and then after the said months pa naman po bago sumabak sa karera. That's a proven and tested sport mama. All the persons who's going to train us are professionals. In fact Mr. Uno Hernandez, one of the best racer the world could have is one of the coaches. I will missed have of my life Mama if I let the chance to meet him and be my trainor. This is once in a life time po. Mag-iingat naman po ako and you know me more than everybody could do Mama. I'm always excellent in all the path I am choosing. Please Mama, please."

She batted her eyelashes and even clasped her hands together while giving me a puppy look-----ano ba iyan! Pati ako napapa-english na!

Ito kasing matalino kong anak! Palibhasa puro englisera ang mga nakakasalamuha sa eskwela. Scholar kasi iyan ni Dr. Victoria kaya sa private school pumapasok.

"Tantanan mo ko Milky ha! Noong una sabi mo sa'kin, toy gun lang ang lalaruin niyo ng ate Jaime mo kaya pinayagan kitang sumama sa kaniya ng magpaalam ka! Tapos dulo-dulo, nahuli ko kayo na totoong baril ang ginagamit niyo pero pinalampas ko iyon! Pangalawa, sabi mo safe iyong pagsali mo sa wushu at taekwondo kasi may protective gears kayong ginagamit at palaging hands on ang trainor mo pero ano, umuwi ka na lang dito isang araw na may pasa ka sa braso! Anong ginawa ko? 'Diba pinalampas ko ulit? Milky, pinapayagan kitang gawin lahat ng gusto mo! Hinahayaan kita dahil sabi mo doon mo mas nararamdamang masaya ka! Kahit iyang pagsasasali mo sa mga kung anu-anong sports na iyan kahit sa umpisa pa lang diskumpyado na ako! Bakit? Kasi ayokong dumating ang panahon na isumbat mo sa'king pinipigilan kita sa mga bagay na ikasasaya mo pero diyos ko naman anak! Papatayin mo na ba ko sa pag-aalala?"

Hindi ko na napigilan ang tuluyang paglandas ng luha sa aking mga mata habang naglilitanya.

"Anak sana maintindihan mo, ikaw na lang ang meron ako. Ikaw na lang ang natatanging rason kung bakit pa ako nabubuhay. Kapag may nangyari pang masama sa'yo baka tuluyan na lang akong mabaliw o kaya magpakamatay. Gusto mo bang gawin ko iyon? Anak, tayo na lang ang magkasama. Sana naman umiwas ka doon sa mga bagay na alam mong maghahatid sa'kin ng kaba, takot at sama ng loob. Matalino kang bata kaya alam kong naiintindihan mo kung bakit ako ganito, paranoid, OA o kahit ano pa mang terms mo doon. Kaligtasan mo lang naman ang iniisip ko kaya please lang anak, huwag mo na namang pag-alalahin si Mama. Puwede ba iyon Milky?"

PSYCHO HEART: ZEUS CREEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon