Chapter 37 - At your service!

3.5K 73 2
                                    

Milky

"Gabu! Bitiwan mo sabi ako!"

Si Gabu kasi, akala mo linta kung makakapit.

"Huwag na kasing makulit! Andoon na ako sa kaya mong mag-isip ng doble o triple sa edad mo pero baka nakakalimutan mo Darl, nasa katawan ka ng pitong taong gulang na bata! Gusto mo bang mapisat kapag humalo ka diyan sa alon ng mga tao!"

Ano ako, surot?

Nasa racing track po kami ngayon at kakatapos lang ng exhibition ni Mr. Uno. Kasalukuyan siyang ini-interview kaya dagsa ang mga lumalapit sa kaniyang fans. Gusto ko rin sanang lumapit kaso pinipigilan naman ako ni Gabu.

"Naman eh! Paano ko papepermahan sa kaniya itong magazine kung saan siya ang cover kung hindi ko naman siya malalapitan? Kainis!"

Dahil hindi na po ako nagpupumiglas kaya binitawan na ako ni Gabu. Humalukipkip na ako pagkabitaw niya sa'kin.

Bakit kasi ang bagal kong lumaki?

"Antayin na lang natin iyong simula ng training. Malay mo, ikaw ang mapili niyang maging student for five months."

But that's only a fifty percent chance!

"Paano kapag hindi? Alam mong hindi ako masuwerte sa palabunutan Gabu!"

At dahil pinaalala niyang bata pa ako, sisimulan ko na sanang mag-tantrums ng may mahagip ang magaganda kong mata.

"Alam ko na kung paano Gabu! Magkita na lang tayo sa bahay niyo! Bye!"

Tumakbo agad ako palayo sa kaniya.

Palihim kong sinundan ang cart na naglalaman ng mga damit na naka-hanger at kabababa pa lang mula sa isang van. Sa tingin ko ay kay Mr. Uno ang mga ito dahil sa mukha itong mamahalin at ingat na ingat ang tumutulak dito para hindi ito madumihan.

Nang malingat ang nagtutulak dahil sa pagtawag ng isa niyang kasama ay mabilis akong lumapit at sumiksik sa gitna ng mga damit. Marami ang mga iyon kaya nagawa ako nitong maikuble.

"Para yatang bumigat."

Kinabahan ako ng marinig kong sinabi ito noong mamang nagtutulak pero ng maramdaman ko na gumagalaw na kami, napalitan na ng excitement ang kaba ko.

Here I come Mr. Uno Hernandez!

----

Ilang minuto ang lumipas at tila huminto na ang cart. May narinig din akong pagsara ng pinto. Sumilip ako ng bahagya para makita kung nasaan na ba ako.

"Cool..."

Nasabi ko nang bumungad sa akin ang isang eleganteng silid.

Ito na siguro ang dressing room ni Mr. Uno dito sa track.

Astig talaga! Lahat ng damit niyang pangkarera ay nandito!

Malawak ang kuwarto at aakalain mong isa itong expensive suite ng isang mamahalin at sikat na hotel. Mayroon itong sariling banyo at kusina. Ang laki at mukhang sobrang lambot ng kama dahil limang kutson itong pinagpatong-patong. Sobrang bango at linis ng silid. Ang sarap sigurong matulog sa ganito kagandang kuwarto.

"So this is his room for five months? Amazing!"

Lumapit ako sa kama at sinubukang maupo roon.

"Grabe! Ang lambot nga! Parang prinsepeng higaa----"

Nabato ako sa pagkakaupo nang bumukas ang pinto at pumasok ang taong kanina ko pa inaasam-asam na makita.

"Who are you?"

Pati boses nito ang guwapo!

Napatayo ako ng mabilis bago sumagot.

"Ah--ano..ako po si Milky."

PSYCHO HEART: ZEUS CREEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon