Chapter 12 - Pangarap ko

4.9K 104 4
                                    

"Maly tama na!" hagikgik ko.

Si Maly kasi, sabi ko likod ko ang hilurin eh sa ibang parte naman dumadakma.

Award talaga iyang si Jonel. Tuluyan ng na-invade ang inosenteng utak na mayroon ang asawa ko dati.

"Ba't kagabi naman noong hinahawakan kita dito hindii ka naman natatawa?" nangiti ito habang painosenteng nagtatanong.

See? He's being so naughty na!

"Tse! Iba iyong momentum kagabi sa ngayon!"

Kagabi kasi pareho pa kaming virgin. Ngayon parehong hindi na.

"Sige na nga. Hindi na. Saka baka sipunin ka na. Kanina pa yata tayo naliligo, di naman tayo matapos-tapos."

Paanong hindi, eh puro siya landi!

At iyon nga, mabilis na naming tinapos ang pagligo.

"Di ka na papasok?"

Tanong niya habang nagbibihis kami.

Wala ng hiya-hiya kahit magkaharap kaming hubo't hubad. Paano ba naman, unang araw pa lang namin eh naka mahigit isang dosenang rounds na yata kami. Kagabi halos hindi niya ako tantanan hanggat hindi ako pumipikit sa antok. Tapos pagkagising na pagkagising namin sa umaga, sunggab agad siya.

"Kahit gustuhin ko hindi pwede. Ayoko namang pagtawanan ako sa ospital dahil sa itsura ko ng paglalakad."

Inismiran ko pa siya pagkasabi ko niyan. Ang loko naman, tinawanan pa ko.

Para kasi akong pilay na ewan kapag lumalakad. Binuhat niya na nga lang ako kanina papuntang banyo at pabalik dito sa higaan namin. Literal niya yatang winarak ang aking pagkababae. Hanggang ngayon di ako makaget-over sa malaki niyang ano. Hindi ko lubos mapaniwalaan na nagkasiya iyon kagabi sa kepay ko.

Tapos na kaming magbihis ng may kumatok.

"Oh hi, newly wed couple! Ano, nilubos-lubos niyo ba kagabi?"

Bumungad si Jonel pagbukas ni Maly ng pinto.

"Tse!"

Binato ko pa suya ng tsenelas. Nailagan niya naman.

"Hoy Jonel! Paano mo tinuruan iyang asawa ko aber?"

Nakakapagtaka kasi. Hindi ko maimagine na magiging ganito siya kalibog eh wala naman siya dating kaalam-alam.

"Pinakitaan ko ng actual! Namakyaw pa nga ako ng limpak-limpak na x-rated pirated DVD's para lang turuan iyan! Ano, maganda ba ang resulta?" nangisi pa ito habang nagkukuwento.

Aba't talagang!

"Buwiset! Pinakitaan mo ng ibang katawan itong asawa ko?"

Sinong hindi maiinis? Paano kapag na-realize nitong pangit ang katawan ko at maghanap ng bago?

"Ito naman! Huwag mo namang ipahalata sa asawa mo na insecure ka sa mga porn actresses na may malalaking dyoga at hubog coca colang katawan! Mayroon ka namang hinaharap, butil nga lang. Saka cute ka naman. Hindi na papansinin nitong si Maly iyang pantay mong katawan!" pangiti-ngiti ito habang tahasan akong iniinsulto.

"Hey, aray ha!"

Napangisi naman ako ng makita kong binatukan siya ni Maly.

"Iniinsulto mo na ang asawa ko Jonel."

That's my bebe!

"Joke lang naman."

Yabang-yabang takot naman! Palibhasa kaya siyang ibalibag ni Maly dahil di hamak na mas malaki ito kumpara sa kaniya.

PSYCHO HEART: ZEUS CREEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon