Chapter 15 - Ililigtas ko sila

4.3K 82 3
                                    

Maly

"Get off me! Mimi! Dadods! Help!"

Nagpupumiglas ako. Sinisikap kong makawala pero malalakas sila at di hamak na mas malalaki kaysa sa akin. Sumisigaw ako ng tulong ngunit tila walang nakakarinig.

"Patahimikin mo ang batang iyan at hawakan mo ng mabuti kung ayaw mong sumablay tayo!"

Tinakpan ng isa sa mga lalaking nakaitim ang bibig ko sa pamamagitan ng panyo. Nanuot agad sa pang-amoy ko ang nakahihilong amoy.

"Hmp!"

Hanggang sa huling sandali ay pinilit kong manlaban ngunit bigo ako. Maya-maya lamang ay tuluyan ng nanlabo ang aking paningin. Ang mga sumunod na pangyayari ay tila malalabong imahe na lamang na hindi ko na maulinagan.

Sa pagmulat ng aking mga mata ay bumungad ang mukha ng aking asawa.

"Maly ayos ka lang ba? Umuungol ka kanina. Binabangungot ka ba?"

Bakas ang pag-aalala sa tinig ng pagtatanong nito.

"Ha? Ah, wala iyon. Teka, ba't gising ka pa? Diba masama para sa buntis ang nagpupuyat?"

Pag-iiba ko ng usapan para lamang huwag na siyang mag-alala. Malapit na ang kabuwanan niya kaya hanggat maaari ay inilalayo ko siya sa mga bagay na posibleng magdulot ng stress sa kaniya. Ayokong may mangyaring masama sa kaniya at sa anak namin. Sila ang buhay ko kaya magkamatayan na pero poprotektahan ko sila hanggang sa dulo ng aking hininga.

"Ewan, hindi na ako makatulog simula ng maalimpungatan ako kanina. Para kasing ang bigat ng pakiramdam ko. Para bang bigla na lang akong kinabahan."

Marahan ko siyang niyakap para mabawasan ang kung ano mang masama niyang nararamdaman. Hinimas-himas ko din ang bilog na bilog na niyang tiyan.

"Masiyado ka lang sigurong nag-iisip na naman. Wag kang mag-alala, sandali na lang at lalabas na si baby. Makikita at mahahawakan na natin siya. Baby, naiinip na yata si mama. Wag mo siyang pahirapan kapag lalabas ka na ha. Kundi magtatampo sayo si papa."

Maingat kong hinalikan ang tiyan ni Maty. Isinunod ko naman ang labi ng aking asawa. Gusto kong iparamdam na nandito lang ako at aalalayan ko sila pareho.

"Eh parang sa ating dalawa ikaw yata itong mas excited! Ang suwerte naman ni baby Milky. Hindi pa man siya ipinapanganak pero mahal na mahal na siya agad ng papa niya."

Napangiti naman ako. Masaya ako dahil nagagawa kong maiparamdam ng buo ang pagmamahal ko sa aking mag-ina.

Pinaghalong saya at pananabik ang naramdaman ko noong araw na ibinalita sa akin ni Maty na nagdadalang tao siya. Saya dahil sa wakas ay nagbunga ang pagmamahalan namin at pananabik dahil sa pakiramdam na magkakaroon na kami ng anak. Isang bata na nagmula sa aming sariling dugo at laman. Isang munting anghel na magpapatibay sa aming samahan at bubuo sa ninanais naming masayang pamilya.

Lahat ng pag-aalaga ay binigay ko sa aking asawa sa loob ng walong buwan. Hangga't maaari ay ako ang gumagawa ng gawaing bahay para lamang huwag siyang mapagod. Gumigising ako ng maaga para maglinis, maglaba at magluto. Dinadamihan ko na ang pagkaing inihahanda ko para abot na hanggang tanghalian niya at hindi na siya mag-aabalang maghanda pa. Sa pag-uwi ko naman sa hapon ay ibinibili ko siya ng paborito niyang puto at sariwang gatas ng baka. Ako na rin ang nagluluto ng aming hapunan at naghuhugas ng pinagkainan.

Sinasamahan ko siya sa lahat ng mga lakad at check-up niya para lang makasigurong magiging maayos sila ng baby ko. Kapag naman wala akong pasok ay sinasabayan ko siyang maglakad-lakad para ma-exercise at para daw lumabas ng natural at malusog ang aming anak.

Kailanman ay hindi ako nagreklamo kahit pa sa mga panahong inaabot siya ng mood swings niya dahil na din sa pagbubuntis niya. Ni minsan ay hindi din ako nakaramdam ng pagod sa pag-aalaga at pag-alalay sa kanila. Pawang kasiyahan at tuwa ang namumutawi sa aking pakiramdam. Para sa akin, ang itsura ngayon ng aking asawa habang nasa sinapupunan niya ang aming munting anghel ang pinaka magandang tanawing nakita ko sa tanang buhay ko.

"Gusto mo ba ipagtimpla kita ng gatas para makatulog ka?"

Malambing kong tanong habang patuloy pa rin ako sa pagdama ng umbok niyang tiyan. Nakakagaan sa pakiramdam ang malamang nasa likod lamang ng palad kong ito ang baby namin na kasalukuyan na sigurong nahihimbing sa pagtulog. Sa umaga kasi ay naglilikot ito sa tuwing nadadampi ang palad ko sa tiyan ng kanyang ina. Para bang nagpapasikat at nagsasabing gusto niya na rin kaming makita.

Saglit muna akong tumayo para ihanda ang gatas. Nakatalikod ako sa direksyon ni Maty at kasalukuyan itong isinasalin ng may marinig akong ingay.

Nanlaki sa gulat ang mga mata ko at labis ang kabang sumukol sa aking dibdib sa kaganapang nabungaran ko sa aking paglingon. Para akong binuhusan ng timba-timbang malamig na tubig at tila nakikipagkarera sa bilis ng kabog ang aking puso.

Nakita ko ang pag alpas ng pigura ng isang nakaitim na tao mula sa aming bintana at iniwang nakatayo sa gitna ang aking asawa habang nakatarak ang isang mahabang patalim mula sa likod nito na tumatagos ang dulo hanggang sa mismong harap ng nakaumbok nitong tiyan. Marahas ang pagdaloy ng dugo mula sa sugat na dulot ng pagkakasaksak ng patalim. Natulala ako pansamantala at tila napako sa aking kinatatayuan.

Si Maty.

Ang aking asawa.

Ang aming anak.

Ang aking mag-ina.

Sinubukan kong humakbang ngunit parang nabato sa tigas ang aking mga paa. Hindi ko ito maikilos, ni hindi ko ito maramdaman. Nagagawa kong ibuka ang aking bibig subalit walang mga salita at tinig na lumalabas.

"Maly!"

Anong nangyayari? Bakit hindi ako makagalaw?

"Maly gising!"

Si Maty. Ang anak namin! Dadalhin ko sila sa ospital! Ililigtas ko sila!

"Maly gumising ka!"

Humahangos akong napamulat ng marinig ko ang boses ng aking asawa.

Nakatunghay ito sa akin habang punong-puno ng pag-aalala ang itsura.

Mabilis ko siyang kinabig at niyakap ng mahigpit. Ramdam ko pa rin ang kaba at takot na dulot ng aking masamang panaginip. Isa iyong kasumpa-sumpang bangungot.

Ito na ang pang-apat na beses. Bakit paulit-ulit ko itong napapanaginipan? Anong ibig sabihin ng pangyayaring ito? Isa lang ba itong simpleng bangungot o isa itong pangitain? May mangyayari bang hindi maganda, sa aking asawa, sa aking mag-ina?

Hindi! Hindi ako papayag na mamiligro sila!

"Maly, ayos ka lang ba? May problema ba? Bakit parang takot na takot ka? Nanaginip ka ba ng babaeng hindi magand---este ng hindi maganda lang pala?"

Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kaniya ng maikalma ko na ang aking sarili. Marahan ko muna siyang hinalikan sa noo bago sumagot.

"Ayos lang ako. Ikaw, ayos ka lang ba? Wala ka bang nararamdamang kakaiba?"

Inusisa ko pa ang kabuuan nya para makasigurong ayos lang talaga siya. Mukha namang nasa normal lang na pagtibok ang puso niya. Hindi siya mukhang kinakabahan o ano pa man.

"Ano ka ba, okay na okay ako. Nagising lang ako dahil sa lakas ng ungol mo kanina. Nagwe-wet dreams ka ano? Ana ba iyan Maly! Kunting tiis na lang. lalabas na din itong si baby. Promise, paglabas na paglabas nito hindi pa man nalilinisan itong puwerta ko papapasukin ko na iyang kargada mo para isunod na natin agad si Junior mo!"

Lahat ng pangamba ko parang bulang naglaho at napahalakhak na lang ako bigla dahil sa biru ng asawa ko. Minsan talaga natatawa ako sa mga tumatakbo sa isip niya. Pakiramdam ko tuloy saming dalawa ako pa yata ang may mas mature na utak kahit pa kamakailan lang naman akong namuhay dito sa labas kasama siya. Pero isa ang pagiging prangka, madaldal at pagiging taklesa niya sa lalong nagpahulog sakin sa kaniya. Gustong gusto ko ang ugali niya na sinasabi lahat ng gusto niyang sabihin. Hindi para manakit kundi para mamukaw sa tamang gawain at kung minsan para magpatawa gaya ng ginawa niya ngayon. Pinawi niya lahat ng namumuong takot sa loob ko.

"Sige, tatandaan ko iyang pangako mo na iyan."

Nangingiti kong tugon. Kinindatan ko pa siya dahilan para sunggaban niya ako ng makapugtong-hiningang halik.

Ganito talaga yata ang epekto naming dalawa sa isa't-isa. Kaunting kilos lang namin nadadala na kami.

Mukhang patutulugin niya na naman akong may masakit na puson ngayong gabi.

PSYCHO HEART: ZEUS CREEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon