Chapter 20 - Posible ba?

3.7K 73 2
                                    


"Tsk. Baka gusto mong maawa sa baby mo asawa ko. Sinong magpapadede sa kaniya kung tutunawin mo ang nanay niyang ubod ng ganda?"

Bahagya siyang ngumiti dahil sa puna ko.

Ito kasing asawa ko kung makatitig wagas!

Binubutones ko kasi itong suot niyang polo.

"Gusto ko lang kabisaduhin ang mukha ng asawa ko para hanggang mamaya sa trabaho kapag namiss ko siya mabilis kong maaalala kung gaano siya kaganda."

"Ene be? Kinikilig na si Maty."

Chup

Kinikilig na nga ako tapos sinabayan pa niya ng halik.

"Puwede ba akong humiling ng paborito kong sinigang na bangus mamaya?"

May kapalit pala iyong halik nkya. Pero okie dokie, walang problema.

"Sige. Para sa pinaka guwapo at malambing na asawa sa buong galaxy, magluluto ako ng masarap at katakam-takam na sinigang na bangus."

Lumapit siya at humalik sa baby naming tulog pa rin sa papag saka muli akong dinampian ng halik sa noo.

"I love you asawa ko."

"I love you too asawa ko."

Chup

At may pahabol pa pa lang kiss.

"I love you more. I love you much. I love you thrice. I love you this much asawa ko."

Akma ko pa lang na ibubuka ang bibig ko para sagutin ang banat niya pero mabilis na niyang nahawakan ang batok ko para kabigin ako't patawan ng isang madiin, matagal at nakakapanlambot tuhod na halik. Saka siya lumabas ng pinto ng wala ng sabi-sabi.

Napangiti na lang ako habang umiiling.

Lately, parang humakbang ata ng sampung baitang pataas ang sweetness ni Maly. Hindi kaya asukal na ang pinapakain sa kaniya ng boss niya doon sa bago niyang trabaho?

Maya't maya siya kung humalik. Hindi lang sa'kin kundi pati sa baby namin. Para siyang octopus na may walong galamay kung makalingkis samin ni Milky. Kada sigundo niya rin kami kung sabihan ng i love you. Noon pa man, naniniwala na akong mahal talaga ako ng asawa ko kaya hindi niya na kailangan pang patunayan sa'kin iyon ngayon.

Mukhang iba yata ang impak sa kanya ng bago niyang pinapasukan. Pero ayos lang. Isang tulak na lang talaga, mapapapayag na niya akong isunod na si jr namin.

Mga mag-iisang oras pa lang na umalis si Maly, may kumatok na sa pinto.

Kung ang asawa ko talaga ito at bumalik lang dahil nami-miss na agad ako, swear to tatlong sulok ng pader! Huhubaran ko agad siya at papapatungin sa'kin pagkabukas na pagkabukas ng pinto namin!

Inihanda ko na ang sarili ko bago ko hinawakan ang siradora at binuksan ng malawak ang pinto.

"Maty!"

Nanlaki ang mga mata ko ng bumungad sakin ang bestfriend ko.

"Maggie!"

Sinunggaban agad namin ng yakap ang isa't isa.

"Bruha ka! Ba't ngayon ka lang dumalaw pagkatapos ng isang buwan ha?"

Sabi ko ng may maluha-luha pang mata. Namiss ko kasi talaga itong babaeng 'to. Paano, hindi ko na siya nakita simula ng umuwi siya sa kanila. Mabuti sana kung pumapasok pa ako sa ospital kasi doon araw-araw kaming nagkikita. Eh ang kaso hindi na nga diba.

"I miss you too Maty at namiss ko yang paraan mo ng pagsasabi sa'kin na na-miss mo din ako. Bruha ka din!"

Ano pa nga ba? Birds of the same feather, featherstitches together! In tagalog, ang dalawang manok na sabay lumipad, sabay na nagsusulsi bago lumagpak!

PSYCHO HEART: ZEUS CREEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon