Chapter 32 - May next round pa

3.9K 65 0
                                    


"May sakit ba iyang prutas at ini-injectionan mo? Kaloka Matutina ha! Hanggang ngayon di ka pa rin nakaka-move on."

Hiringgilya na pala pinanghihiwa ko sa mansanas. Di ko kasi namalayan dahil nakatutok ang mga mata ko sa telebisyon.

Matapos ang anim na taon, nandito pa rin ako sa mansyon ni Dr. Victorina. Two years ago pang namatay ang anak niya na inaalagaan ko pero imbes na paalisin dahil wala na naman akong kailangang trabahuhin, heto't kinuha niya na lang akong katulong. Tutal pareho lang naman sa sahod ko dati plus libre tira at kain pa kaya tinanggap ko na. Oh diba, kahit hindi ko sariling bahay feeling sosyal ako kasi sa bonggang bahay ako nakatira. Iyon nga lang hindi bilang amo kun'di katulong.

"Lumaklak na ko ng samo't saring anestisya Maggie pero wala namang nangyari! Kapag nakikita ko ang hayop na pagmumukha ng damuhong iyan nanggigigil talaga ako! Gusto kong putulin iyang pinagmamalaki niya! Aba! Ang kapal ng mukha! Palabas-labas na lang siya sa t.v. ngayon, pahiga-higa sa milyones niya samantalang ako heto't nangangamuhan para kumita ng pera! Ni hindi niya man lang kami naisipang balikan! Ano ba naman iyong sustentuhan niya si Milky para hindi naman mukhang kawawa sa school na pinapasukan niya! Kahit iyong anak na lang namin, wag na ako! Lintik siya! Matapos niyang umeskor sa'kin ngayon ganun-ganun na lang! Anong tingin niya sa'kin, ring ng basketball na pagkatapos mai-shoot ang bola tatakbo na lang bigla papunta sa kabilang court! Buset!"

Nakaka-high talaga ng presyon kapag iyong hinayupak kong dating asawa ang topic namin.

Sikat na sikat at napaka yaman na kasi ng gago! Madalas napi-feature ang mukha niya sa mga magazine ng eligible bachelors, billboards of youngest successful billionaires at maski sa mga balita at commercial ng mga kompanya niya sa t.v. Dati nga nagkaroon pa siya ng appearance sa isang segment ng sikat na channel, 'tunay na buhay' ang tittle. Mantakin mo, napaka dami niyang negosyo! May sarili pa siyang mall at isla! Nakakalula sa laki ang mala-palasyo nuyang sariling bahay, bukod pa iyan sa bahay ng pamilya niya. Ang gagara ng mga sasakyan niya at ultimo sapatos niya milyones ang halaga! Sya na! Sya na talaga!

"Ikaw naman kasi! Masyado kang mapagmataas! Ano ba naman iyong pumunta ka sa kaniya at kapalan mo iyang mukha mo para sa sustento ng anak niyo! Edi sana nabibigay mo lahat ng pangangailangan ni Milky! Alam mo kasi Maty, iyang pride na iyan para iyang panty. Kapag 'di mo binaba walang mangyayari!"

Sa loob din kasi ng anim na taon, kailanman hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan siya at ipaalala sa kaniya na mayroon siyang anak at asawa. Malay mo, nauntog pala siya at nabagok ang ulo kaya hindi niya na kami maalala pero siyempre sa mga drama-rama lang iyong mga ganoong eksenahan.

"Tapos ano? Itatanggi niya kami ng anak ko? Kung ako iiiyak ko lang iyon tapos okay na pero paano naman si Milky? Alam mo namang matalinong bata iyong inaanak mong iyon! Nasobrahan na nga eh. Hindi ko kayang makita siya na nire-reject ng sarili niyang ama. Baka mamaya magbigti iyong isang iyon. Isa pa, mayaman iyon. Sobrang yaman! Kaya kami noong baliktaran ng ganun-ganun na lang. Puwede niyang palabasin na hindi totoo ang resulta ng DNA test kapag pina-DNA niya si Milky mapatunayan lang na hindi niya ito anak. Kami pa ang magmumukhang masama at desperada. 'Di na uy! Magtitiis na lang ako sa hirap at igagapang kong mag-isa iyang anak ko!"

Iyon ang dahilan kung bakit wala akong confidence para isampal sa mukha ni Maly-- este ng Zeus na iyan ang rights ni Milky bilang anak niya!

"DNA? Anak ka naman Maty ng hiringgilya! Mukha pa lang ng anak niyo mistulang DNA result na! Tignan mo nga itsura noon. Para silang pinag biyak na bunga ng tatay niya! Bukod sa pareho sila ng mukha eh parang dinukot lang mula sa tatay niya iyong mga mata niya pagkatapos ikinabit sa kaniya! Saka halata namang doon iyon sa tatay niya kumuha ng talino kasi kung sayo malabo! Bobo ka kaya minsan! Ay hindi, madalas pal---ARAY!"

Gaga kasi, batukan ko nga!

"Salamat sa advice ha! Pakabait mong kaibigan Maggie! Kasalan ito ng puso ko eh, ang tanga nila ng utak ko. Mahalin at itanim ba naman sa isip ang maling tao!"

Hustisya my Lord! Hustisya!

"Naku, Maty. Kung nagmahal ka ng taong 'di dapat at nasaktan ka, huwag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang iyan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka parin! Utang na loob! Huwag mong isisisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo, magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sa'yo kundi ikaw mismo!"

Say what?

"Ewan! Buset siya! Gago siya! Put*ng-ina! Tarantado! Hayop! Bastos! Walang modo! Guwapo! Macho! Malaki ang ano---- ay ano ba? Kaloka! Kung anu-ano ng pinagsasasabi ko!"

Natawa kami pareho sa mga kagagahan ko.

"Seryoso bessy, ang love parang computer game lang yan. START iyong simula. LOSE 'pag nasaktan ka. QUIT pag nagsawa ka na. CONTINUE 'pag may second chance. PAUSE 'pag pagod ka na pero ang pinaka masakit, iyong GAME OVER kasi tapos na nga tapos talo ka pa! Pero di bale, as I said ang love parang video game lang. Akala mo game over na, iyon pala may 'NEXT ROUND' pa!"

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Wala na Maggie, imposible na iyan. Iba na siya ngayon eh, ibang-iba. Marami ng nakapalibot na magaganda, mayaman at sopistikadang mga babae diyan. Ano ba naman ang isang hamak na ako sa mala modelo't aktres sa ganda na mga chikas sa mundo niya? Kaya lang naman iyan nagkagusto sa akin dati kasi wala lang siyang pagpipilian at hindi niya pa alam ang depinisyon ng maganda. Eh ngayong napapaligiran na siya ng mga real beauties, kita mo at nakalimutan na kami ng anak ko? Baka nga isinusumpa niya ng nagkaanak siya sa isang gaya ko. Kasi kung totoo ngang mahal niya ko, kami ni Milky edi sana hinanap man lang niya kami. Sisiw lang naman iyon sa kaniya dahil sa dami ng pera at impluwensya pero hindi eh. Sinungaling siya! Sana hindi na lang siya nagpunla ng binhi sa akin para hindi na nadamay sa mga katangahan ko ang anak ko."

Hayan, umiiyak na naman ako.

Inisip ko kung bakit

ganito ang langit

Nilayo ako sa'yo

Hindi ko matanggap,

Mahirap magpanggap

Na ako'y inibig mo

Ngunit di ko rin,

Inaasahang mangyayari to

Kung ikaw ay alaala na lang

Paano na ako?

"Anak naman ng pinisat na surot iyang ring tone mo Maggie! Kailangan patama talaga?"

Nagdadrama ako rito tapos biglang lalapatan ng background music! Sana umalan na rin para puwede ng pang-movie!

"Hello! Wrong timing ka naman palangga eh! Seryoso na kaming nag-uusap ni Maty dito umeksena ka pa! Ha? Ah sige, ba't di mo naman kasi agad sinabi? Sige, sige. Pauwi na ako. Bye, i love you. Muwah!"

Nang-inggit pa!

"Sige na bruha! Bukas na lang ulit! Umuwi na raw si Jaime! Baka maubusan ako ng pasalubong! Don't worry ikukuha kita, kayo ni Milky!"

Pagkasabi niya noon, ayon at tuluyan ng umiskapo.

Si Jaime iyong kapatid ni Jonel na babaeng Pulis. Nadistino kasi sa Vigan at malamang kakauwi lang ngayon. Siyempre madami iyong dalang pasalubong. Eh ilan sila sa bahay. Iyong nanay at tatay ni Jonel, tatlo pa nitong kapatid saka silang mag-asawa at dalawa nilang anak.

Maya-maya lang ay dumating na galing sa school ang baby ko.

"Hi baby, kamusta school mo?"

Humalik ito sa pisnge ko bago naupo at ibinaba ang bag niya.

"Fine mama. Ano po"ng meryenda?"

Oh see, mana sakin. Malakas kumain pero payat naman.

"Your favorite puto at gatas siyempre! Wait, diyan ka lang at ikukuha kita."

Nagpe-prepare ako ng meryenda niya ng biglang may nag-door bell.

"Nak, kaw muna tumingin kung sino, tapusin ko lang ito!"

PSYCHO HEART: ZEUS CREEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon