Chapter 9: Hmm. Hamunan!

408 7 4
  • Dedicated kay Kim Julienne
                                    

Chapter 9: Hmmm. Hamunan!

“Kids, ano pa bang gusto nyong ipagawa sa amin ng kuya nyo?”

Hamunan pala ah.

“Eh, kuya, wait lang!”, sabi nung isang bata kay Matt.

“Oh? Bakit?”, sabay lapit ni Matt sa kanya.

“Kuya, bayad mo?”, sabay labas ng palad nya na parang nanghihingi ng pera. 

Huh? Bayad? Saan? 

“Ahh, eto---”

“Anong bayad?!”, tanong ko sa kanya.

“Kids, eto, bayad ko, bumili kayo ng ice cream nyo, bumalik kayo dito ah.”

“Thanks, Kuya” at nagsialisan na nga sila.

At lumapit nga si Matt sa akin pagkatapos umalis nung mga bata.

“'Yung bayad, para 'yun sa trabaho nila kanina.”, tapos saka pa ako inakbayan.

Ang manyak talaga nito. >___<

“Tanggalin mo nga 'yang akbay mo sa akin! Ang init-init na nga, dumadagdag ka pa!”, sabay tanggal ko ng kamay nya.

Hindi man lang ako pinahirapan? Walang thrill? -__-

“Sorry ha, ang hot ko kasi eh. Pero dapat masanay ka na, lagi mo na akong makakasama eh. Haha.”

Baliw na nga to. Anong tingin niya sa sarili nya, si Mr. Sun?

 “Tsk. Kahit kailan talaga ang kapal ng peys mo! Nga pala, para saan 'yung bayad? Ha?”

“Para nga kanina!”

“So, ikaw pa ang galit?”

“Hindi.”

“Eh, para san nga yung kanina? Lahat 'yun? Pati 'yung hug?”

“Oy, oy, hindi 'yun kasama sa binayaran ko. Haha. Magagaling lang talaga sila! 'Di ba?”, sabay apir nya sa batang dumating, nakabili na kasi 'yung iba.

“Tsk, manyak ka talaga!” 

“Ikaw kaya. Haha.”

“Oy, ikaw kaya mas nag-enjoy!”

“Sino kaya unang yumakap?”

“Ikaw? Este, ako. Sabi ko nga. Aisht. Hindi ah.”

“HAHAHAHAHAHA!”

“At bakit ka tumatawa? Ha?”

“Ang cute mo kasi eh. Haha. Para kang bata!”, sabay pisil niya sa pisngi ko.

“Err. Mashakit Matt!”, sabay pilit kong tanggal.

“Yieee. Sina Ate at Kuya, ang sweet!”, sabi nung batang babae.

Kung 'di lang talaga ipinagbawal ang child abuse. >___<

Pinipilit ko pa ring tanggalin 'yung kamay nya, kasi naman. 

“Maaaaaaatttt!”, sinigawan ko nga.

“Sorry, Sabunget. ^___^V”, saka pa sya nag-peace sign.

Isa lang ang masasabi ko, mukha syang bakla. =___=

“Guys, 'di ba tinanong ni Ate Sab nyo kanina kung ano pang gusto nyong ipagawa sa amin. Ano pa nga ba?”, tanong nya sa mga bata.

Mukha na kaming naglelecture. Kasi naman, 'yung mga bata nakaupo, tapos kami ni Matt, nakatayo. Tsk.

 “Gusto ko po---”

If you'll miss that shot, YOU'RE MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon