Chapter 21: Okay

239 5 3
                                    

Chapter 21: Okay

After nung Valentine's Day, wala naman nang nangyari. Minsan tinatanong ko si Alvin kung bati na sila ni Matt, ang isasagot lang niya ganito.

“Time will come, magkakabati rin kami.”

Ganyan ang sagot niya. 'Pag tinatanong ko naman siya kung bati na sila ni Sab, ganito ang sagot niya.

“Ewan ko ba dun, ang labo niya, ayaw sabihin kung bakit niya ako hinalikan.”

Gusto ko na tuloy gumawa ng move, feeling ko ako 'yung naiipit sa kanilang tatlo. Minsan kasi sinasamahan ko si Angel sa mall, tapos tatanungin ako ni Alvin kung bakit kasama ko, nagdadahilan na lang ako. Waaaa. Ayoko ng ganito. -.- 

“Anong gagawin ko?”, sabi ko saka ko sinubsob 'yung ulo ko sa desk. Nasa classroom ako ngayon, hinihintay namin 'yung next class.

“Bakit Sab?! Nakapatay ka?!”, sagot nung bakla kong classmate, si Saldy.

Ganun ba kalakas ang boses ko para marinig niya. Pero kasi, katabi ko lang siya. Haaaay.

“Hindi.”, sabi ko nang hindi pa rin inaangat 'yung ulo ko. Ano kaya talaga pwede kong gawin? 

“Eh, ano? Buntis ka?!”, sabi naman niya ngayon. Ang OA naman. -___-

Inangat ko 'yung ulo ko saka ako sumagot, nasa tabi ko lang naman siya, ”Oo na lang.” with matching tungo pa. Pagtingin ko sa paligid, lahat ng classmates ko nakatingin sa akin.

“Bakit Sab?” - Joyce.

“Paano?” - Julienne.

“'Wag mong ipa-abort ah.” - Lea.

“Oo nga, huwag!” - Kaila.

“Mahalin mo 'yang batang 'yan.” - Patricia.

“Huwag mong ipagkakailang anak mo siya paglaki.” - Regina.

“Alagaan mo siya.” - Eula.

“Pakainin mo siya araw-araw.” - Alyssa.

“Teka, ano ipapangalan mo?” - Ella.

Eh? Ayan na naman ang fIXone. Kailangan talaga lahat sila magsasalita? Aigoo. -___- 

“Hello! I'm just kidding.”, sabi ko sa kanila.

“Hi! We're just kidding, too.”, sabay-sabay nilang sabi saka tumalikod.

Tapos nagsibalikan na sa kanya-kanyang gawain mga classmates ko. 'Tong bakla kasi na katabi ko eh. -.- What should I do?

“Huy! What are you thinking huh?”, tanong sa akin ni Alvin. 

“Problema.”, sabi ko habang nakalagay pa rin 'yung ulo ko sa desk pero nakatingin sa kanya. Gets? XD

“And what is that problem?”

“Magbati na kasi kayo.”, sabi ko saka pa ako nag-pout. Nagpapacute ako, baka maisipan niya. 

“Well, I'm thinking of that, too. Hmm. I'll try to make this up with them today.”

“Promise?”, sabay upo ko ng maayos. Sana nga.

“Uh huh.”, sabi niya saka na siya tumayo. Siguro, babalik na sa upuan?

“Tutulungan kita.”, sabi ko habang nakatingala, nakatayo siya eh. Haha.

“Sure.”, saka niya ginulo upuan ko at umalis na. Aalis na nga lang, manggugulo pa.  Inayos ko tuloy. XD Pag-alis saka naman pagdating ng teacher namin. 5 minutes late siya. Tsk.

If you'll miss that shot, YOU'RE MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon