Chapter 3: First Date agad? >__<

642 14 2
                                    

Dedicated ulit sa isang pang idol ko! ^_____________^  

--------------------------------------------

Chapter 3: First Date agad? >__<

"At anong kaingayan to?!", bigla akong nabuhay sa kasalukuyan nang may marinig akong nagsalita.

At iyon na nga ang hudyat ng pagsisimula ng klase at ng kamalasan ko. -_______-

"Sir, katuwaan lang!" sabi nung kaibigan ni Matt, si Louie. 

"Oo nga, Sir! Ginaya lang namin si Budoy! Di ba, be happy, be Budoy? ", sabi ni Alvin na ngayon ay masaya na at 'di na seryoso. Bipolar, Kuya? -________-

Tama 'yan, pagtakpan niyo a--

"Sir, katuwaan lang na naging dahilan upang maging sina Sabrina at Matthew!", dagdag pa ni Saldy. 

Bitter tong baklang to. -_______- Gusto niya lang mapunta sa kanya si Matt eh. 

Syempre, kailangan kong i-defend yung sarili ko, pati ba naman sa teacher, sinasabi itetch. >____< 

"Sir, katuwaan  lang, means, hindi totoo. ^___________^" Syempre ngumiti ako, para kunyari hindi ako pikon. Katuwaan lang naman, di ba? Psh. 

"Sir, hindi totoo yung sinasabi ni Sab!", singit ni Arsendreu. 

Epal talaga nito. >,<

"Oo nga Sir!"

"Sab, sabihin mo na lang yung totoo!"

"Tama!"

"Para sa katarungan!"

At andami na ngang nagsalita.

"Can you please keep your mouth shut?! Ang ingay nyo! Wala akong panahon sa mga ganyang bagay! Okay, let's start the discussion!", sabay sulat ni Sir sa board ng lesson.

"Akala ko ba gusto niyang malaman kung bakit maingay, tapos ngayon papatahimikin tayo.", pabulong na sabi ng nasa likod ko, si Nichelle.

"Bakla nga kasi Sir kaya ganyan, di ba? Gusto niya kasi si Matt, di ba? di ba?", dagdag pa ni Patricia, saka sila nagtawanan.

"Akala ko pa naman buong oras nating pag-uusapan, edi sana, wala na tayong iniintindi ngayon", sabi ni Julienne, ang dakilang tamad.

"Edi, huwag kang makinig!", mabilis na sagot ni Nichelle.

"Tama!", sabi ni Patricia, sabay apir kay Nichelle.

Ang daldal nila, pramis! >___< Pabulong na ba yun sa kanila?

..

At ayun nga, nag-discuss na si Sir. Iniisip ko pa rin yung nangyari kanina. Iniisip ko kung anong mangyayari sa akin. -___- Deal lang yun, Sab! Oo, tama ..  kaso, 1 month din yun! >____< Ayos lang sana kung 1 week lang eh, pero 1 month? 'Di ko carry. Naman eh. T.T

Nag-lettering lang ako habang nagkaklase para makalimutan yung nangyari.

"Hey, Sab, alam ko namang sinadyang mong hindi i-shoot yung bola eh", sabi ni Denisse habang nakatingin pa rin sa board.

Sabing ayoko nang maalala eh. =__=

"Oo nga, Sab! Nice shot!", sabay tawa pa ni Keisha na nakatingin pa rin sa board. 

Magaling na mga estudyante, nagpapanggap na nakikinig. Ang galing niyong huwag mahalata. 5 stars for the both of you! -_-

"Ha-ha-ha! Ang saya noh? 'Yung kaibigan pa talaga ng crush ko. Ang ganda talaga ng araw ko." sarcastic kong sabi at nagsulat na ng notes dahil may pinapasulat na. 

If you'll miss that shot, YOU'RE MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon