Chapter 19: Waiting

281 5 7
                                    

Chapter 19: Waiting

“Sorry”, he said.

“For what? You don’t need to.”, sabi ko habang magkayakap kami. May pagkamanyak din pala siya. Joke lang.

“Kahit na.”, sabi niya na parang bata. Ewan ko kung bakit natatawa ako ngayon. Parehas naman kaming nasaktan at naapektuhan.

Kumalas ako sa pagkakayap, magsasalita sana ako kaso nakita ko siyang umiiyak. “Masakit ba sugat mo?”, tanong ko na lang. Hindi kasi ako magaling mag-comfort. -.-

Pero imbis na ‘oo’ ang makuha kong sagot, niyakap niya ulit ako at narinig ko sa kanya ang mga salitang hindi ko inaasahan, “Ayokong nakikita kitang nasasaktan”. Pero mas kinagulat ko ang sunod niyang sinabi, “Wala akong pake kung mahal ka niya at mahal mo siya. Wala namang kayo. Hindi naman ipinagbabawal ang freedom of speech, ‘di ba?”, saka pa siya tumawa at sinabing, “I love you, Sab.”

“Huh? Anong pinagsasa --” napatigil ako nang bigla siyang parang bumigat kaya naman tinanggal ko 'yung ulo niya sa balikat ko. Ang init ng mukha niya. Waaaa.

“Sh*t” narinig kong sabi ni Mateo, saka niya inakay si Alvin, ang bigat niya infairness, hindi naman siguro malala tama niya. Nandyan pa pala siya. So, narinig niya? =__= Sana naman hindi. Nakita ko na lamang siya na parang may tinatawagan. “Si Mateo 'to. Wala naman si Tito at Tita dyan, 'di ba?” Bahay siguro nina Alvin, I mean telephone sa bahay nila? -.- “May I speak to the driver. Uh. Hello. Do you know Sabrina Jane Ramos' house?" Naks. Complete name. Taray "Uh-huh. Come here now. Use what car you want. Bye." Ang yaman naman kasi nila. “Okay na, pasok ka na.”, sabi niya sa akin pagkatapos niyang maibaba 'yung phone niya.

“I'm fine. I'll just wait here until their driver arrives.” Sabi ko. Bakit ba ako nag-eenglish? Mateo kasi eh. -.-

“Okay sabi mo eh.” eh? dapat english din, ang cool niya kasi magsalita. Psh!

At nag-antay nga kaming dumating 'yung driver na sinasabi niya. Pinagmasdan ko siya habang akay-akay niya si Alvin. Hmm. He's taller than Alvin and more mature sa looks at pag-uugali, I think. Kasi naman, ang calm niya magsalita, parang hindi marunong kabahan. -.- And finally nga, dumating na 'yung car.

“Alis na kami." anubeyen tagalog na tagalog. Ayaw na niyang mag-English. -_-

"Okay. Take care.” sabi ko saka siya tinulungan ng driver na ipasok si Alvin at saka na nga sila umalis.

At saka na nga ako pumasok sa bahay namin. Tulog na silang lahat. Buti na lang. Hayyy. Umakyat na lang ako sa kwarto ko at nagmuni-muni. Ayoko nang mag-dinner, nakakawalang-gana lang. Naaalala ko na naman 'yung nangyari kanina.

“Aisht! Nakakainis! Bakit ka ba kasi umasa, Sab! Bwiset lang eh! Ang tanga ko rin eh noh!”sabi ko sa sarili ko pagkapasok ko nang kwarto. Ayan na naman 'tong luha na 'to. Badtrip. Para na akong nagmo-monologue. -.-

“Ang sakit lang eh. Laruan? Para lang kay Angel, sasabahin niya 'yun? Without knowing na may masasaktan siya? Waaaa. Ayoko na, matutulog na ako.”

Gusto ko nang matulog kaso ayaw ng mata ko. Badtrip na mata ‘to. Magbibilang na lang ako ng ahas, saka ko nga kinuha ‘yung picture sa may maliit na drawer sa tabi at nag-umpisangmagbilang. “One, two, three, four, five … seventy-two, seventy-three” Woah. Tapos na agad, walang kahirap-hirap. >.<  Kaya naman kumuha ako ng iba pang pic, pic naman ng ahas. -.- Kaso, pagtingin ko ang hirap bilangin. Matutulog na lang ako. zzzzz

***

“Anak, gising na.”, ayan na naman ang famous line ng nanay ko. 

“Pero Ma, Sunday po ngayon. Gusto ko pa pong matulog.”, sabi ko saka ako nagtalukbong ng kumot.

If you'll miss that shot, YOU'RE MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon