EPILOGUE

232 1 6
  • Dedicated kay Sa lahat :)
                                    

EPILOGUE

This is my point of view. Author’s point of view. Third person point of view. :)) Don’t ask me what kind of third person point of view HAHAHAHAHA GRAMAR ALERT, as usual :p

Mag-ala Korean drama tayo, teleserye ‘to. =))))

After two years …

--

“Hoy, tanggalin mo nga ‘yung paa mo dyan, makapatong ka ng paa mo, feeling mo bahay mo ‘to?”, pagtataray ni Sab sa lalaking nasa loob ng bahay nila na naglalaro ng PSP. Lagi na lang kasi itong nasa bahay nila nung mag-college sila. Pag-uwi niya, nandun agad siya, at minsan pa nga ay nakikikain na rin ng almusal, pananghalian at dinner.

“Sabi naman ni Tita, feel at home eh.”, at saka niya ibinalik ang attention sa paglalaro ng PSP. Parang wala siyang pakialam sa kung ano ang sinabi ni Sab. May sarili siyang mundo, at wala siyang pake sa babaeng kumakausap sa kanya.

“Pero, wala naman si Tita mo dito. At saka po, aalis ako. Okay? Doon ka sa nililigawan mo.”, sabi niya habang nagsusuklay ng buhok niya. May date kasi siya ngayon, and in any minute, darating na ang date niya, :”>

“Sama na lang ako sa inyo. At saka, hindi naman ako sasagutin nung nililigawan ko at ayaw ko na rin sa kanya, ang dami niyang arte.”, at saka niya na nga binaba ang paa niya sa lamesa, na feeling nababagot na sa kalalaro ng PSP. Gusto niya nang bagong mapaglilibangan.

“Kung ako na lang sana dati, ‘di ba?”, sabi niya at naiinis na naman ang kausap niya dahil nasa ganung usapan na naman sila. Pero nagbibiro lang naman si Sab at gusto niyang naiinis nang paulit-ulit ang bestfriend niyang si Matt.

Itinigil ni Matt ang paglalaro ng PSP at saka nilingon ang kausap na si Sab. Maiinis sana siya pero iniba niya aang nasa isip na sasabihin. “Edi, kung naging maganda sana relasyon natin, naging tayo pa?”

Nagulat naman si Sab sa reaksyon ni Matt sa sinabi niya pero naisipan na rin niyang maki-ride sa sinimulan niyang usapan. “Naman, sino naman ang makakatanggi sa isang gwapong nilalang na tulad mo?. Alam mo naman kung gaano kita kamahal eh, ‘di ba?”

“So, you really love me hanggang ngayon pa rin”, pagtatanong ni Matt na pinipigilan lamang tumawa sa pinagsasabi dahil sa iisang dahilan.

“Uh huh.”, walang pag-aalinlangang sagot ni Sab pero nagbibiro lang naman siya, alam niyang iba na ‘yung nararamdaman niya ngayon at sigurado siya dito. May iba ng tinitibok ang kanyang puso at hindi na si Matt ‘yun. Sinubukan kasi nilang maging sila kaso hindi talaga umubra, hindi talaga siyang magawang mahalin ni Matt. Natatandaan niya pa ang sinabi ni Matt sa kanya noon na ayaw niya lang na nasasaktan siya at umiiyak siya. Care lang ang meron siya kay Sab at hindi love, kaya nga ngayon ay naging mag-bestfriend sila. Though mahirap mag-move on dahil nga laging nakapalibot sa kanya ang lalaki ay nagawa naman niya, sa tulong na rin ng isang tao na napalapit ulit sa kanya, parehas kasi sila ng course and school at hindi maiiwasang lagi silang magkasama.

“You aren’t joking, are you?”, paniniguradong tanong ni Matt kay Sab habang pinipigilang tumawa sa ginagawa. ‘Kung alam lang sana niya’ sa isip-isip ni Matt.

“I’m not, of course.”, nakangiting sagot ni Sab kay Matt.

“Really?”,nakangiting paninigurado pa rin ni Matt. Sadyang natutuwa siya sa naririnig at pati na rin sa nakikita. Inaasar niya lang naman kasi ang kanyang bestfriend at syempre kasama ‘to sa kanilang plano.

“Yes. I love you, Matt.”, at pagkasabi ni Sab ay saka siya nakarinig ng parang may nahulog na bagay mula sa likod niya. Kaya naman, agad siyang napatingin sa likod niya at agad na nakita ang boyfriend niya na nakatayo sa pintuan. Nagulat si Sab sa nakita

If you'll miss that shot, YOU'RE MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon