Chapter 23: This isn't a goodbye

177 3 2
                                    

Chapter 23: This isn’t a goodbye

Sab’s POV

At ganun na nga lang nagtapos ang buhay ni Angel. Hindi pa kami close eh. Bakit naman ganun? T__T Pero iniwan niya kami ng letter, tig-isa isa kami. At eto nga ‘yung nakasulat sa letter niya.

Dear Sab,

Bonjour! Comment-allez vous? I hope you are in good condition while reading my very cheap letter. Haha. Thank you for everything, for being a kind friend. You know how much I love Matt, right? And I know that you love Matt much better than me. Thank you for being right at his side always. I know that being with him isn’t that easy sometimes.  And I’m saying sorry in advance. I also want to say sorry for being the way that I am when I kissed Alvin. You know, I just did that on purpose. Sorry.

Thank you and sorry for everything you have done for moi. You have been a great friend and I believe that you will always be. Please, take care of Matt for me. This is not a goodbye letter, it is just a start of new beginning pour vous. Smile, Sab. :)

Nakakainis naman ‘to si Angel eh, pinapaalaga sa akin si Matt, eh, lagi ko namang aalagaan ‘yan. ‘Yun nga lang masakit isipin na hindi niya kayang mapantayan ‘yun pagmamahal at pag-aalaga na ‘yun. Though masakit, alam kong parte ‘to ng pag-ibig at hindi na maalis ‘yun.

At nasa libing nga kami ngayon ni Angel, ang huling pagkikita namin at sabi niya nga ay hindi pamamaalam. Kami na lang naiwan ni Matt dito, ayaw niya pang umalis. Si Alvin, nauna na kasi may gagawin pa raw siya at hindi man lang sinabi sa akin kung ano ‘yun. Kanina pa siya nandito, hindi naman siya umiiyak pero tahimik lang. ‘Di ko makita ang maganda niyang pagmumukha kasi nakatalikod siya. At bigla na nga lang umulan. Badtrip naman eh.

“Matt, alis na tayo, baka magkasakit ka pa.”, saka ako lumapit sa kanya para tapikin ‘yung balikat niya. Baka kasi hindi niya narinig.

“Later.”, matipid niyang sagot.

“Anong later? Masamang maulanan. Sige, mauuna na ako.”, sabi ko saka na ako tumalikod at nagsimulang maglakad.

Bigla naman akong hinawakan ni Matt sa isang kamay para patigilin sa paglalakad. At syempre tumigil ako, hawak niya pa lang eh. Pero bigla naman niya akong hinila papaharap sa kanya at saka niya ako niyakap. Alam kong ngayon umiiyak na siya, ramdam ko. Ramdam ko ang lungkot na never ko pang nakita sa kanya. Siguro nga ganun siya kahalaga sa kanya para magkaganito siya.

“Please stay, I need someone to lean on.”, siya habang nakayakap pa rin sa akin. Basag na ‘yung boses niya. Tsk.

“I’ll stay, pero umuwi muna tayo ha? Basang-basa na kaya tayo”, saka na ako kumalas sa pagkakayakap niya. Ayoko mang gawin, kailangan eh.

At sumakay na nga kami sa car nila, hawak-hawak ko lang kamay niya, pinilit kong tanggalin kanina pero pinigilan niya Siguro, kailangan niya lang talaga ng kasama. Mahirap nga naman mawalan ng minamahal sa buhay. At nakarating na nga kami sa bahay nila, wala parents niya, at dahil nga magkahawak pa rin ng kamay,  parehas kaming napunta sa kwarto niya. Binitawan niya agad ‘yung kamay ko pagkapasok namin. Ang gulo ng kwarto niya, pero kitang-kita ko ‘yung picture ni Angel. He really loves Angel. Talong-talo ako sa kanya. </3 Wala akong panama sa patay na. Feeling ko, napakawalang-kwenta ko, hindi ko magawang pasiyahin ang taong mahal ko.

*tok tok* At bigla namang pumasok ‘yung katulong nila at may dalang beer. Watda? He’s going to drink? Binaba na nga ng katulong nila ‘yung isang bote ng beer at dalawang baso na may ice.

(a/n: Isang beses pa lang ako uminom at parang patak lang ‘yun, ‘yung bestfriend ko kasi mapilit. Kaya ignorante ako sa alak. HAHAHA. Tinikman ko lang, ang pait ng lasa kahit may juice ‘yun, kaya nang hindi nakatingin ‘yung mabait kong kaibigan, nilagay ko sa baso niya. >:) Though I know, pwede akong uminom, takot akong malasing. Haha. Kaya ‘yun yung first and last ko pa lang. XD)

If you'll miss that shot, YOU'RE MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon