A/N: Pic of Gail to the side! :DDD --->
Anyways, happy reading! :D VOMMENT!
_________________________________
CHAPTER FOUR:
~Ryka's POV~
NANDITO kami sa harap ng school ngayon.
Lahat ng mga kaklase namin nandito para magpaalam sa amin. Sasamahan kami ni Ma'am Cornacion mamaya sa Laoag International Airport para sa flight namin papuntang Manila kung saan naman mag ko-connecting flight kami papuntang Aklan. Kailangan daw kasi namin ng guardian churvaness.
Oh ha! May pa-connecting-connecting flight pa kaming nalalaman! Susyal! I feel so sossy!
Tinignan ko ang mga classmates ko. Yung iba naiiyak. Meron ding mukhang naiinggit. Yung iba naman walang pake. At meron pang isang mukhang... natatae?
"Guys, we're leaving in 15 minutes." In-announce ni Ma'am Cornacion.
O-K! Oras na para mag-drama!
Tinignan ko ang mga classmates ko na may mga smile na nakadikit sa mukha nila.
"Guys" simula ko. "I just want you all to know that..."
Nagiging emotional nako kaya pinikit ko ang mga mata kong basa para dagdag narin effect. Syempre i-plus na natin na nag-i-english ako! Hindi ako tinatawag na drama queen para sa wala noh!
"...I will miss our memories and the times we shared together." Sniff "I will always remember every single one of you." Sniff Sniff "Try not to miss me too much, guys. I know that you all love me as much as I love you all. And I--"
Pagkadilat ko ng mata ko, hangin lang pala at poste ang kausap ko.
The heck? Asan na yung mga kaklase ko?
Pagkatalikod ko, nakita kong pinagkukumpulan na pala nila yung ibang mga kasama ko. Nagiiyakan at nagyayakapan.
Ahh ganun ah. May gana pa silang iwan ako habang nagsasalita pa ako.
Gosh! Nagmukha tuloy akong tanga kanina!
Kahit nga si Kristel may mga nagpapaalam at yumayakap sa kanya eh! Hmp! Gustung-gusto naman nya yung atensyon! Ugh!
Nilagay ko ang kamay ko sa bewang ko at tinignan sila ng masama. Wala man lang kumausap at magpaalam saken!
"Wow naman 'guys'! Halatang-halata naman na mami-miss nyo ako!" Sinadya kong lakasan ang boses ko para makuha ang atensyon nila.
Gumana naman yun at tinignan nila ako ng parang nagi-guilty.
Ha! Tama yan! Mamatay sila sa konsensya noh! Pagkatapos nila akong ipahiya!
"Ikaw naman kasi Ryka. Ang Oa-oa mo! Akala mo mamamatay ka sa ginagawa mong ka-dramahan eh! Five days lang po tayo mawawala Ryka. Five days!" Sabi ni Gail saken na napapalibutan ng mga lalake. Pft! So cliché.
Whatever. Ganun lang talaga ako magpaalam noh!
Tinignan ako ni MG na nagpupumigil na tumawa. Alam na alam nya na ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay kapag hindi ako pinapansin ng mga tao! Tsk! Masyado akong kilala ng bruha.
Lumapit naman si Kristel sakin. "Don't worry Ryka! 'Sobra-sobra' kang mami-miss..." sabi nya. "...ng hangin at poste na kinakausap mo kanina!" Sabi nya sakin ng ngumisi at tinaas ang isa nyang kilay.
Arggg! Of course makikita nya yung katangahan ko kanina!
Close talaga kami ng kamalasan noh?
Mahal ko naman tong babaeng to eh, kaso may mga panahon talaga na gusto ko nalang sakalin yang mahabang leeg nya hanggang sa di na sya makahinga! And I swear, gustong-gusto kong gawin sa kanya yun ngayon!
BINABASA MO ANG
The Adventures of Super 7
HumorKilala ang Super Seven sa Batac Junior College, isang sikat na paaralan sa Ilocos Norte. Grupo sila ng magkakaibigan na magkaibang-magkaiba ang mga ugali at kilala sila sa pagiging loka-loka at daring nila. Pero pano nalang kaya kung paglaruan sila...