A/N: Hello! Paki point out na lang kung merong typo-errors! :D Happy reading! VOMMENT! :D
____________________________________
CHAPTER THREE:
~Mary Grace's POV~
"PO?" Tanong naming lahat na nalilito. Tinignan namin si ma'am na akala mo tinubuan ng dalawang ulo.
"I said, you WON!" Sabi nya at pumalakpak ng isang beses.
Mas lalo pang lumawak ang ngiti nya habang hinihintay ang magiging reaksyon namin.
"Ako po?" Sabay na tanong nina Ryka at Kristel habang tinuturo ang mga sa sarili nila. Nagtinginan sila at tinignan nila ng masama ang isa't isa.
Batukan ko kaya 'tong dalawang to. Nag-aagawan sa title na 'Most Assuming' eh! Masyadong mga piling at assuming!
This time, tumayo na si Ma'am Carnacion at tumalon sa tuwa.
Ngek! Naka-high lang? Hyper 'ata si ma'am ngayon ah.
"No, no, no my dear students." Sabi nya habang umiiling-uling. "Kayong pito ang nanalo!"
"Kami po?" Sabay-sabay nanaman naming tanong tumatango-tango si ma'am at nanlalaki ang mata nya as if hinihintay kaming tumalon at sumigaw at magpaka-high sa tuwa.
Huh? Wala naman ata kaming sinalihan na kung anong kumpetisyon as a group ah!
Hmm...Baka naman yung singing competition noon kung kelan pumiyok si Faith at nahulog si Ryka sa stage. Hahaha. Good times. O kaya naman nung cooking competition kung kelan nasunog yung buhok ni Gail. Haha! Nagmukha talaga syang sadako noon! O kaya naman yung time na--
Wait...
Tapos naman na yung mga kumpetisyon na yun ah! Pano pa kami mananalo dun? Isa pa, imposible namang manalo kami sa kahit anong kompetisyon! Puro disaster lang naman nangyayare pag magkasama kaming pito eh!
Then it clicked.
Nanlaki ang mata ko nang naalala ko na kung ano ang sinalihan namin.
No way! Napaka-imposible!
Pero sa tingin na binibigay ni Ma'am Carnacion sa amin ngayon ang nagko-confirm na talagang totoo nga ang hinala ko.
Napatalon ako sa upuan ko at sumigaw.
"Waah! We're going to Boracay mga bruhaaa!"
* * *
-flashback-
One month ago...
First period namin nu'n at nagka-klase si Ma'am Cathy, ang kaloka naming adviser, tungkol sa 'unpredictable' future namin.
"...malay nyo si Kristel maging Ms. Universe 'pag laki."
Nagpapakipot pa si Kristel at tinatago-tago pa ang mukha nya. Tsk, tsk, tsk. May Pakipot-kipot pang nalalaman! Eh gustung-gusto naman nya!
Naghiyawan ang buong klase, pati ang Super Seven.
"Boo! Never mangayayare yun! Dahil sa Ms. Baranggay palang, talo kana!" Sabi naman ni Ryka sa kanya sa harap ng buong klase.
Aba't itong dalawa talaga halatang-halatang namang mag-bestfriend! (Note: sarcasm)
"Whatever! Ikaw nga kahit sa Ms. Big-Fat-Loser talo ka parin! Eh mga loser na yung kasali mga dun!" Sabi naman ni Kristel at nilabas ang dila kay Ryka.
"Oh tama na Ryka, Kristel. Para walang away si Nica nalang ang baka maging Ms. Universe." Sabi ni Ma'am at nag-blush si Nica.
Naghiyawan ulit ang klase at tinakpan ni Nica ang mukha nya gamit ang libro nya. Kawawa naman. Mukha na tuloy syang kamatis.
"Hindi nyo talaga malalaman ang future nyo. It depends sa mga options na susundin mo. Minsan, may mga bagay talaga na hindi para sa iyo at minsan naman, may mga bagay talaga na para sayo. Malay nyo baka manalo kayo sa lotto bukas! o bigla nalang kayo sumikat worldwide! We never know what comes our way. It's either you choose to accept it or ignore it. Life is really unpredictable. We should always be ready in any kind of situation." Explain samin ni Ma'am Cathy.
Nadistorbo ang klase namin nang may kumatok sa pintuan. Isang estudyante galing sa ibang section nakatayo dun.
"Ma'am, i-excuse ko raw po si Ms. Mary Grace Gevara saglit. Pinapatawag po sa office." Sabi nya kay Ma'am Cathy.
Tumango si Ma'am Cathy at lumabas na ako.
Naririnig ko pa yung mga kaklase ko.
'Hala ka MG!'
'Lagot ka! 'Adda basul mo!'' (Lagot ka! May kasalanan ka!) [A/N: Mga ilokana sila, therefore minsan ay mag-iilokano sila :)]
'Makukulong na si MG! Tsk, tsk, tsk.'
Napa-smile nalang ako sa ka-O.A.han nila.
Pagpasok ko sa office, umupo na agad ako sa isang armchair.
"Good morning Ma'am! Pinatawag nyo raw po ako." Bati ko kay Ma'am Carnacion.
"Good morning rin iha." Bati nya rin sakin with a smile. "I'll get straight to the point. Merong nagpa-raffle promo last month dito sa Region 1 at sponsored sila ng 'Unilab at Nestlé'. Ang tawag sa raffle promo nato ay 'Project X' dahil ngayon lang sila randomly magbibigay ng ganitong promo. Hindi lang ito sa ating region kundi pati narin sa lahat ng regions. Fortunately, nabunot ang Ilocos Norte para sa region one at sinabihan kami ng admins nung nagpa-raffle na kung mabunot man ang school natin, eh dapat may representetives of four to seven participants. So, kung mabunot man ang school natin, you and the rest of your gang will win the prize of the raffle promo."
Ang haba nun ah. Pinapasok ko pa lang sa utak ko yung mga sinabi ni Ma'am at unti-unti kong inintindi. Nung na-process ko na yung mga sinabi nya, napanganga ako(sorry naman, may pagka-slow lang).
Wow! Mukhang malaki-laki ang prize neto ah! Teka, ano nga bang mapapanalunan dito?
"Ano po ba yung magiging prize namin ma'am kung sakaling mabunot po ang school natin?" Tanong ko sa kanya.
"All expenses paid and free pocket money trip to Boracay for a five days."
* * *
"Waaah! Pupunta tayo sa Boracay! Nanalo tayo! Makakasakay na ako ng airplane! Pupunta tayo sa Boracay!" Sigaw ni Faith na hindi makapaniwala habang niyuyugyog si Nica na hanggang ngayon ay nakatulala parin dahil sa balitang natanggap namin.
Si Ryka naman, dahil drama-queen nga sya, ay may 'paatumba-tumba' pang effect na nalalaman habang ang likod nya'y nakadikit sa dingding.
"O-M-G." Bulong nya.
Habang ako si Kristel, Gail at si Lei ay tumatalon na parang wala nang bukas.
Sinabihan ko na sila noon tungkol dun sa promo at kinalimutan lang namin yun dahil nga, napaka-imposible diba? Pero nakita namin ngayon na wala talagang imposible!
Nagsisigawan at nagtatalunan kami ngayon sa principal's office. Napaka-hyper namin at pati si Ma'am Cornacion ay nakikitalon na rin sa tuwa.
Pero ang kinatataka ko lang eh kung bakit sobrang saya nya eh wala naman silang prize para sa school mismo. Yung prize eh para lang dun sa mga representatives ng school. Oh well. Siguro masaya lang talaga sya para sa amin.
"Grabe MG, we're going to Bora!" sigaw ni Ryka sabay niyakap ako. Napangiti na lang ako sa excitement niya.
Grabe! Na-shock talaga kami sa natanggap naming balita ah!
So basically, sinwerte kami at nabunot ang Batac Junior College sa raffle promo, at dahil kami ang napiling representative ng school, sa Super Seven mapupunta ang prize at makakapunta na kami sa Bora! How cool is that?!
Boracay, here we come!
BINABASA MO ANG
The Adventures of Super 7
HumorKilala ang Super Seven sa Batac Junior College, isang sikat na paaralan sa Ilocos Norte. Grupo sila ng magkakaibigan na magkaibang-magkaiba ang mga ugali at kilala sila sa pagiging loka-loka at daring nila. Pero pano nalang kaya kung paglaruan sila...