Chapter 10: The Search

60 1 0
                                    

A/N: Woah, chapter 10? Haha! Di ko akalaing aabot ako dito! FYI, tamad akong writer. Hindi ko talaga tinatapos mga stories ko, kaya sana matapos ko 'to. Anyways, thanks sa mga umabot dito at sa next chap! :) Loves you! Byeee! :* VOMMENT :)

_________________________________

CHAPTER 10:

~Mary Grace's POV~

"LEIKA!"

I cupped my hands infront of my mouth.

"Leika!"

Magdadalwang-oras na naming hinahanap si Leika at sa kasamaang palad, hindi parin namin sya nahahanap o kahit ano man lang na senyales na buhay pa sya. I shivered at the thought.

Calm down, MG. Okay lang sya. Okay lang sya.

Hinanap namin si Leika kasama ang buong grupo. Hindi na namin kayang mag-risk na mawalan ng isa pang kasama. I don't think makakayanan ko pa yun emotionally.

"MG," bulong ni Faith, "Tingin mo ba mahahanap pa natin sya?"

Nagbuntong-hininga lang ako. Pagod narin ako sa kalalakad at sa paghahanap. Pinilit kong ngumiti pero halatang hindi 'to umabot sa'king mga mata.

"It's okay Faith. We're gonna find her." I assured her.

Tumango lang sya pero halatang naiiyak na sya. Kumikinang na kasi ang mga mata nya na basa na sa luha.

"I hope so..." bulong nya.

"Mahahanap natin sya, Faith. Don't worry, okay?" Sabi ni Nica, halatang kino-comfort si Faith.

First time lang na merong mawalay samin na ka-grupo namin eh. Kakaiba talaga ang aura pag hindi kumpleto ang Super Seven. It's like, parang hindi rin kumpleto ang loob namin.

"Sa tingin mo ba...okay lang sya?" Bulong ni Gail na nag-aalala.

Naglalakad lang kami ng walang sinusundang direksyon. Kung saan lang kami dalhin ng mga paa namin, doon rin kami.

"We can only hope, Gail." I told her quietly.

Biglang tumahimik ang paligid. Yung tahimik na parang mabibingi ka dahil wala ka man lang ingay na naririnig. Walang umiimik. Lahat ay kabado. Kahit si Kevin na ngayo'y naging ka-close na namin, walang imik. Ramdam na ramdam ang tensyon sa ere at walang may lakas ng koob na sumira nito.

"Sigurado akong okay lang si Leika. Matapang naman syang babae eh... at malamang kasama naman nya yung mga kamag-anak niya ngayon. Kaya, 'wag kayong mag-alala." Giit ni Kristel na may maliit na ngiti sa labi.

Kinunot ni Kevin ang ulo nya. "Kamag-anak?"

"Hindi mo ba alam?" Singit ni Ryka na ngayo'y napapangiti narin. "Yung mga kamag-anak nya... alam mo na... yung mga ka-uri nya."

Na-gets naman agad 'to ni Kevin at ngumiti. "Ahh. Yung mga unggoy ba kamo?" Nag roll-eyes sya bago tinuloy, "I know right! Siguro kaya hindi natin sya mahanap dahil nasa taas sya ng puno ngayon, kumakain ng saging. Tingin nyo?"

Sa sinabi ni Kevin, napangiti agad ang mga kasama ko. Sinubukan kong ngimiti sa biro niya, pero hindi ko talaga mapilit. Masyado akong na dismayado sa pagkawala ni Leika.

For the nth time that day, napabuntong-hininga nanaman ako. For all we know, baka may masama nang nangyare na sa kanya...

Napahinto ako sa naisip ko. What if meron ngang nangyare sa kanya? Paano kung hindi na namin sya makikita? Makakayanan ko kaya yun? Makakayanan ba namin yun? She's my bestfriend. I can't afford to lose her!

The Adventures of Super 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon