A/N: ENJOY! :DD VOTE COMMENT
Pic to the side ng ating new character! Read and find out! ---->
_______________________________
CHAPTER SEVEN:
~Mary Grace's POV~
"HOW the f*ck are we supposed to go back now, huh?! You f*cking broke the f*cking navigator! You're so stupid I want to beat the sh*t out of you right now!"
Nandito kami ngayon at nakikinig sa 'colorful' na vocabulary ng isang amerikano na sinisigawan ang captain ng barko.
Turns out, hindi pala sya marunong mag-steer ng barko. Naka-'auto-pilot' lang daw yung ship at nasira daw yung navigator kaya hindi kami makabalik sa Aklan.
Diba pang eroplano lang yung auto-pilot?
Tumingin lang yung 'captain' dun sa amerikano na nagi-guilty.
"I'm sorry sir but there's nothing we can do about it. The machines broke and it can't be fixed overnight. Fixing it can take about three weeks."
Nanlaki yung mata nung kano pati yung apat na kasama niya.
"THREE WEEKS?! THREE F*CKING WEEKS?!"
Bigla namang lumapit si Kristel at sumambat.
Watda? Naghahanap ba sya ng gulo?! Mukha kayang mangangain ng buhay yung kano sa galet, tas sasambat-sambat si Kristel?!
"Yeah yo! Mr. American is right! What you say we can't go back Aklan today, tommorrow, yesterday? How we eat?! How we live?! We all die!"
Facepalm.
Na-nosebleed ako dun ah.
Yung kano naman tinitignan si Kristel na akala mo nakatakas sa mental.
Binatukan siya ni Ryka at pinagsabihan 'to. "Tumahimik ka nga Kristel! Koreanong di-marunong mag-ingles lang 'ata peg mo eh!"
Lumapit ako kay manong captain at tinanong siya, "Kung ganun po, san po kami makakakuha ng pagkain? San po kami matutulog? Ayaw po naming makain ng buhay ng wild animals dito noh!"
"Pasesnsya na kayo iha pero kailangan nyong humanap ng pagkain dyan sa gubat. Wala kaming emergency stock ng pagkain at hindi rin kayo pwedeng mag-stay sa barko. You have to sleep in the wild."
Nag-react naman tong si Gail.
"WHAT. THE. F--"
"Sige Gail. Tuloy mo lang yang sasabihin mo. Makakatikim ka talaga saken." Singit ko sa kanya at naka-cross arms pa. Syempre noh! Ako ata pinaka mature sa kanila!
Try to swear and meet MG the bear!
"...Fudge?" Tuloy ni Gail na nakangiting nagi-guilty.
"Bakit naman po manong?! The least you can do is let us stay in the ship! Ayaw po naming mamatay sa lamig noh! O sa gutom! O sa uhaw!" Sigaw naman ni Leika na mukhang nafu-frustrate na rin.
"Hindi pwede dahil masyadong delikado pag na-expose kayo sa kemikal. Hindi kami nagpapapasok sa barko kapag maintenance nito. We're sorry but you have to make use of your survival skills."
Paliwanag samin ni !anong 'walang-kwentang-captain' at pumasok sa barko kasama ng mga alagad nya at sinarado na ito for good.
So ganun lang? Iiwan lang nya lahat kami dito sa labas? Hindi man lang niya kami sasamahan? Hindi man lang sya magbibigay ng food o inumin o kahit ano man lang na advice? Hahayaan lang nya kami MAMATAY?!
BINABASA MO ANG
The Adventures of Super 7
HumorKilala ang Super Seven sa Batac Junior College, isang sikat na paaralan sa Ilocos Norte. Grupo sila ng magkakaibigan na magkaibang-magkaiba ang mga ugali at kilala sila sa pagiging loka-loka at daring nila. Pero pano nalang kaya kung paglaruan sila...