Pic to the side of LEIKAAAA :P ---------->
VOOMENT! :D
__________________________________
CHAPTER SIX:
~Mary Grace's POV~
"NICA, sigurado ka bang okay ka lang? Mukha ka na kasing firetruck sa itsura mo eh! Pulang-pula! Ano ba kasing nangyari ah? Allergy ba 'yan?" tanong ko kay Nica na nag-aalala. Kanina pa kasi namumula eh!
Nagulat naman siya sa tanong ko at lalong namula. Da heck?
"A-ah. W-wala! Wala! Ba't mo naman natanong 'yun? Everything's perfectly fine! He-he-he!"
Nandito na kami sa suite namin ngayon. Mukhang pagod na ang lahat dahil knock-out agad sila. Rinig na rinig pa nga yung hilik ni Kristel dito sa kwarto namin eh! Goodluck na lang kay Ryka! Magkasama pa naman sila.
May tatlong na kwarto sa suite namin. Magkasama kami ni Nica sa isang kwarto; sina Kristel at Ryka naman dun sa isa; at sina Leika, Gail at Faith sa isa.
Hindi ako kumbinsadong OK si Nica. Nakita ko kasi siya kanina tumakbo papuntang lobby eh during the contest at namumula super yung mukha niya!
Tinaasan ko siya ng kilay at nag-cross arms.
"Talaga bang okay ka lang?"
*tango tango*
"O baka naman may tinatago ka sakin?!"
"WALA! I swear MG! Okay lang ako! Walang sakit! Walang problema! Oks na Oks! You have nothing to worry about!" Sabi niya at nag-blush sabay hawak sa kanyang...
"Hoy Nica! Ba't mo hinahawakan ang boobs mo ah?! Gawin mo na 'yan mamaya pag tulog na ako! Kakahiya ka 'te!"
*poink*
"Aray naman! Bakit moko binatukan?! Masakit 'yun ah!" Batukan ba naman ako!
"E'di mas OK! Ikaw MG ah! Kelan ka pa naging bastos?! Andumi din ng utak mo eh!" Sabi niya with matching tusok tusok sa noo ko.
Hmp! Tinatrato nanaman nya ako na parang bata!
"Heh! Ikaw nga hawak ng hawak sa boobs mo eh! Kaderder! Sa harap ko pa talaga!" Sigaw ko naman sa kanya.
"Excuse me! Hawak ko po ang puso ko. PU-SO! Linisan mo nga yang utak mo MG! Kinakalawang na eh! Tandaan mo! Puso! Hindi boobs!" Sabi niya habang tinuturo ang boob nya.
FYI, hindi ako bastos noh! Talagang tinuturo lang nya ang boobs niya! Yan nanaman oh! Tsk!
"Whatevs! Ang drama mo! May pahawak-hawak kapa sa pusong nalalaman! Matulog ka na nga!" sigaw ko sa kanya sabay bulong, "Nagsisinungaling pa, kahit boobs naman talaga niya ang hinahawakan niya. Tsk."
Binulong ko lang yung pinakahuli kong sinabi pero mukhang narinig nanaman nya dahil nakatanggap ako ng kutos.
YAY!
Not.
"ANONG SINASABI MO?!" sigaw niya sakin, yung mata niya nanginginig na. Nakakatawa nga eh! HAHA! Mukhang sasabog na siya! Namumula na rin yung tenga niya as inis.
Tinaas ko yung kamay ko as if nagsu-surrender.
"Wala, wala. Sabi ko maganda ka. Tulog kana. Inaantok kana eh. Goodnight Nica!"
"HMP!" Sigaw niyang padabog sabay higa sa tabi ko. "Ikaw MG ah. Sumusobra ka na. Pero, love parin kita kasi BFF tayo eh!" sigaw niya sakin sabay dinaganan ako.
BINABASA MO ANG
The Adventures of Super 7
HumorKilala ang Super Seven sa Batac Junior College, isang sikat na paaralan sa Ilocos Norte. Grupo sila ng magkakaibigan na magkaibang-magkaiba ang mga ugali at kilala sila sa pagiging loka-loka at daring nila. Pero pano nalang kaya kung paglaruan sila...