A/N: Hi guys! Pic to the side of MG :) ---->
VOMMENT! :D
___________________________________
CHAPTER ONE:
~Mary Grace's POV~
"TAMA na! Wag kanang kumanta! Masakit sa mata!" Sigaw ni Kristel habang tinatakpan ang mga mata nya.
Sabay-sabay namin syang binatukan.
"Shunga! Pano sasakit ang mata mo eh kumakanta nga sya, diba? Baka tenga kamo! Te-nga!" Sigaw ni Ryka sa kanya na parang nagtuturo ng kinder habang tinutusok-tusok ang ulo nya. "Ang OA mo ah!"
Pagbigyan. Slow lang talaga si Kristel.
Nandito kami sa school canteen ngayon. Nakaupo kami sa usual table namin nang bigla nalang bumirit si Faith kaso, wala sya sa tono kaya nag-react tong si Kristel. Eh, kung makakanta tong si Faith kala mo nasa concert! Ang tining pa naman ng boses nito! Tsk, tsk. Pang banyo lang talaga sya. Naalala ko tuloy yung aso naming umuungol tuwing gabi...
Pinalo ni Kristel yung kamay ni Ryka at tinignan sya ng masama.
"Sorry naman 'po' ah! Tao lang 'po'! Nagkakamali! At saka, sisihin mo si Faith! Narinig ko lang boses nya hindi na nag-function ng maayos utak ko!" Sigaw ni Kristel na nakakuha ng kutos galing kay Faith.
"Wag mong sisihin si Faith, Kristel. Ang problema kasi sayo..." sabat naman ni Leika at umupo ng maayos. "Hindi ka naman tao!"
Nagtawanan kaming lahat sa table at tinignan ni Kristel ng masama si Leika na nagkibit-balikat lang sa kanya.
"Kung makapag-salita naman 'to kala mo tao eh! Mukha namang unggoy!" Birit naman ni Kristel sa kanya.
Lalong lumakas ang tawa namin nang humarap sya samin ng nakapamewang. "At kayo naman..." sabi nya habang tinuturo-turo kaming isa-isa.
Humanda na kami sa mga sasabihin nya tungkol sa importansya ng friendship at mga lecture nya gaya ng: hindi dapat pinagtatawanan ang kaibigan, hindi raw nakakatuwang pagtawanan, bully daw kami blah blah blah. I swear hindi to nauubusan ng mga sasabihin si Kristel!
"Alam nyo naman na mas maganda talaga ako kay Leika eh! Ayaw nyo lang aminin kasi baka mapahiya yung mga nasa tabi-tabi dyan!" Sabi nya na naka-smile at naka-cross arms na kala mo nabisto nya kami.
Ha! As if! Masyadong assuming! Sira talaga tong babaeng to! Sa aming magbabarkada talaga sya ang pinakamalakas ang tama!
Pito kaming magbabarkada. Kilala rin kami bilang Super Seven dahil, well...pito nga kami. Hindi ko nga alam kung sino nagpa-uso nun eh at habang tumatagal, mas nagiging kilala kami sa pangalang yun. Hindi ko alam ko likeable ba kami o sadyang kilala lang kami dahil sa mga kabaliwan namin. Particularly sa kabaliwan ni Kristel. Haha.
Si Kristel ang pinaka-OA na babaeng makikilala mo. Pinaka-shunga, pinakamaingay, pinaka-chismosa. Sya na talaga. Lahat alam nya. Kahit nga kulay ng bra mo alam nya eh! Sya ang clown namin. Hindi ko nalang sya ide-describe ha? Baka bangungutin kayo! Joke lang! Pero seriously, hindi ko na sya ide-describe. Sabihin nalang nating, sya ang nawawalang kapatid ni Vice Ganda.
Syempre, kahit palagi kaming magka-sundo, iba-iba talaga ang personality namin.
My name's Mary Grace. MG for short. Matangkad, maputi at malaman (MEGA sardines lang?). Ako ang pinakaseryoso at pinaka-mature sa amin. Syempre noh! Kung wala siguro ako nasa kulungan na siguro tong mga mokong na to!
Andyan din si Gail, ang PINAKA maarte at muse ng barkada. Lalabas lang para pumunta sa canteen eh kailangan pang pinturahan ang mukha! Alam kong nag e-exagge ako pero talagang maarte sya! Maganda naman sya at mahaba ang buhok. Katamtaman lang ang height nya, pero kahit ganyan sya, wag ka! Kung may mang-iinsulto samin, di sya magdadalawang-isip na ubusin ang buhok mo!
Tinigil ni Gail ang ginagawa nya(which is: naglalagay ng contact lens) at tinignan ng seryoso si Kristel at tinikom ang dalawa nyang kamay sabay nilagay sa table.
"Wag kanang umasa Kristel. Alam naman nating lahat na ako ang pinakamaganda sa atin eh. Kung gusto mong gumanda, takpan mo nalang yang mukha mo!" Sabi nya sa kanya at nagbalik sa paglalagay ng contacts(See! Told ya! Maarte talaga sya!). Halatang iniinis lang nya si Kristel dahil pinipigilan nyang tumawa.
"Oo nga Kristel! Alam naman nating lahat na kaming DALAWA lang ni Gail ang pinakamaganda sa ating lahat." Sabat ni Ryka at nag-flip ng buhok nya.
Syempre, kung merong muse sa barkada, meron din namang nagfi-feeling muse at yan ay si Ryka! Ang pinaka feeling samin! As in! Drama queen masyado at may pa-english-english pang nalalaman! Ni ang sinasabi nga nya di nya rin maintindihan! Di nga rin nya alam kung ano ang meaning ng nosebleed eh palagi syang nagaganun! Mataba sya at ay napakakulot na buhok na hanggang leeg lang. Laging nag-i-english at lagi silang nagbabangayan ni Kristel.
"Alam nyo para walang away kayong dalawa nalang." Singit ni Faith. "Kayong dalawa nalang ang hindi tao!" at pinag-untog nya sina Kristel at Leika.
Si Faith naman ang pinaka-talented sa amin. Isa syang dancer at minsan kumakanta rin. Oo, may boses rin sya kaso, di namang palaging kaaya-aya. Minsan, sumasablay din tulad ng kanina. Palagi nga syang magco-concert eh! Kaso sa banyo nga lang nila. May pagkamaldita din yan at pranka sya sa amin.
"Aray!" Sigaw nilang pareho ni Leika.
"Kanina pa ko di umiimik dito ah! Bakit mo ko inuntog sa kanya? Baka mahawa pa ako ng kuto nya noh!" sigaw ni Leika habang hinihimas ang bukol nya sa ulo. "At FYI, mas maganda ako kay Kristel noh! Che!"
Boyish naman at laging may period tong si Leika. Ewan ko ba, minsan bigla-bigla nalang nagagalit ng walang rason. Moody masyado. 'Mama Bear' nga tawag namin sa kanya eh. Minsan din naman 'mama Apes' kasi 'daw', mukha syang unggoy. DAW ah! Hindi ako nagsabi!
"Uy, wag na kayong maingay. Pinagtitinginan na tayo." Sabi ni Nica, ang pinakamahinhin at mahiyain samin.
As in, once in a blue moon lang sya nagsasalita pero ka-close naman namin sya dahil pag kami-kami lang, parang wala sya sa sarili nya dahil napaka-talkative at hyper! Tahimik lang sya at mahilig sa books. Medyo nga parehas kami ng ugali eh. Isa na rin yun sa mga rason kung bakit kabarkada namin sya.
Pinagtinginan namin sya. Gulat na gulat kami as in kasi- sya na. Siya na ang pinakamatipid sa salita na babaeng nakilala ko. Nagtinginan kaming kahat.
"HIMALAAAA!!! Nagsalita si Nicaaaa!!!" Tumayo si Kristel sa table namin at naglabas sya ng panyo at winagayway ito habang kumi-kembot.
"This calls for a celebratiooon!!!" Naglabas sya ng portable speaker galing sa bulsa nya(don't ask kung paano kumasya) at nagpa-sounds ng 'The Fox' at bigla nalang syang sumayaw.
What does the fox say?! Ting-ning-ning-ning-ning!
Di nagtagal, lahat na ng estudyante sa canteen ay nagsasayawan at kumekembot na!
Nagtawanan ang buong canteen at binuhat ng mga estudyante si Nica at pinagpasa-pasa sya na parang sa mga rock concerts. Kahit nga sya, di mapigilang mapatawa eh!
"Nica! Nica! Nica!" Sigaw ng buong canteen.
"WHAT IS THE MEANING OF THIS?!"
Uh-oh.
"KAYONG PITO! IN MY OFFICE! NOW!"
Biglang tumahimik ang buong canteen at ang narinig nalang namin ay ang pagkabagsak ni Nica sa sahig.
BINABASA MO ANG
The Adventures of Super 7
ComédieKilala ang Super Seven sa Batac Junior College, isang sikat na paaralan sa Ilocos Norte. Grupo sila ng magkakaibigan na magkaibang-magkaiba ang mga ugali at kilala sila sa pagiging loka-loka at daring nila. Pero pano nalang kaya kung paglaruan sila...