A/N: Sorry for the long wait. Grabe. Hectic sched. Anyways... Merry Christmas to all! VOMMENT!
____________________________________
CHAPTER 8:
~Nicole's POV~
"YOU know what? Fine! Whatever! I'll play your stupid game!"
Katatapos lang namin kumain ng... babala sa mga kumakain!... roasted mouse at nandito kami ngayon sa ilalim ng isang malaking puno, nag-chichillax. Napag-tripan nanaman nung dalawang mokong(Ryka at Kristel) na maglaro ng jolen. Ewan ko nga kung saan nila nakuha eh! Parang mga ewan lang!
"Okay, ganito ang gagawin mo," explain ni Kristel kay Kevin na pinilit nilang makipaglaro sa kanila, "Ilalagay mo yung jolen sa butas ng ilong mo ta's hihinga ka ng malakas para ma-shoot! Ang pinakamalayo ang maabot ay syang mananalo! Woohoo! May the games begin!"
Tumayo si Kristel at gumana ang kanyang epilepsy(a.k.a. sumayaw siya). Kevin just rolled his/her(?) eyes at tinignan ang perfectly manicured nails niya looking bored out of his/her(srsly? Ano ba talaga? Babae o lalake?!) mind.
"Eh walang kwenta naman pala yang laro mo eh!" Reklamo ni Kevin, "I'll just get my beauty sleep noh, kaysa maglaro ng childish games nyo na yan! At tsaka... eww! Put that dirty jolen in my perfect beautiful nose? No, thanks." Sabay taas ng dalawa nyang kamay.
"Ok!," singit ni Ryka na may killer smile. LITERALLY, "...mukhang hindi lang 'ata ilong mo ang mababali ngayon ah..."
Aba! Napaka-brutal naman tong mokong na 'to! Blackmail lang ang peg!
Biglang hinablot ni Kevin yung jolen sa kamay ni Kristel at sinuksok ito sa butas ng ilong niya at nagsalita.
"I changed my mind! Mag laro nalang tayo! since it's so fun! Bilis! Ano pang hinihintay nyo! Woohoo! Ang saya! Grabe, ang enjoy!"
Nag-smirk lang si Ryka sa obvious na takot ni Kevin. Pati si Kristel, naka-on yung killer smile eh. Tsk. Partner in crimes. Yung mga kasama ko pinapanood lang sila like they're some sort of entertainment. Si Leika may popcorn pa nga eh. Movie lang peg? Teka, san niya kinuhayan?!
"Alam nyo guys, maghanap nalang kaya tayo ng makakain at masisilungan? Masasayang lang oras natin diyan sa laro niyo eh!" Protesta naman ni Ivan.
"Oo nga. Mag-explore naman tayo! Anlaki-laki nitong isla oh." Dagdag naman ni Jace. "Sige na! Ikutin natin 'to oh!"
May something talaga sa mga lalaking 'to eh. Napaka-restless! Lagi kaming sinasabihan na maglakad ng maglakad ng maglakad. Mag explore daw. Ewan ko ba. Bakit ba gusto nilang libutin 'tong isla na 'to? Buti sana kung may treasure eh. Tsk! Mga lalaki nga naman. Mahilig talagang gumala.
Pasimple akong sumulyap kay Luke. Eversince dumating kami dito, naging extra sweet talaga siya. Haay. Well, hindi lang naman sakin kundi saming lahat, but, oh well. I feel like I'm in heaven(pabili nga ng pizza, with extra cheese. Ba't ba ang cheesy ko?).
Tignan mo nga naman yung mga matang yan oh! Sino ba namang hindi matutunaw sa sobrang nakaka-mesmerize na mga matang yan? Haayyy... Ang dreamy niya talaga.
Wait...
O________________O
Crap!
Nabisto nanaman ako! Ano ba naman to oh! Parang déjà vu lang nung gabing yun! The thought alone makes my heart beats faster. Hay nako. Hopeless romantic talaga ako.
Nung tinignan ko ulit siya, nakatingin parin siya sakin. Nagkatitigan kami. I can't take my eyes off him. And he gave me the Most. Charming. Smile. Ever.
BINABASA MO ANG
The Adventures of Super 7
HumorKilala ang Super Seven sa Batac Junior College, isang sikat na paaralan sa Ilocos Norte. Grupo sila ng magkakaibigan na magkaibang-magkaiba ang mga ugali at kilala sila sa pagiging loka-loka at daring nila. Pero pano nalang kaya kung paglaruan sila...