Chapter 12: Seriously?!

65 3 0
                                    

A/N: Sorry for the long, long, long wait. Alam kong short UD lang 'to pero hanngang dito lang muna ako, for now. Who knows, baka mag UD ako bukas... kung nasa mood. ^_^ Thanks pala ah! Over 700 reads na 'to! I'm very happy dahil 'di ko ini-expect na aabot 'to ng 100 reads, hehe. Anyways, enjoy reading! VOMMENT!

____________________________________

CHAPTER 12:

~Mary Grace's POV~

"DITO yun banda, promise... Wait, dito 'ata yun eh. Nope! Dito pala...hindi hindi--" bigla nalang tumigil si Leika sa paglalakad at lahat kami nabundol sa likod niya.

Itong moks na 'to talaga! Grrr! Kakagigil! Natumba tuloy 'tong sina Ryka at Kristel sa biglaang pagtigil niya; at 'di lang sila natumba, nadaganan pa nila si Nica! Poor, poor Nica!

"Aray... ko! Nasasakal... ako!" Sigaw ni Kristel sa ilalim ni Ryka. Nilapitan ko sila at napansing talagang sinasakal nga ng loka si Kristel.

"Hoy Ryka! Bitawan mo nga si Kristel! Nasasakal mo na yung tao eh!"

Binuksan niya ang mga mata nya at binitawan agad si Kristel nang makitang sinasakal nga nya ito. "Sorry best. 'Kala ko kahoy eh."

Tumayo si Kristel sabay binigyan si Ryka ng pamatay na tingin, at yung loko, nagkibit-balikat lang. Naasar tuloy si Kristel kaya pinitik nya yung ilong ni Ryka, nagsimula silang magbangayan at sinubukan ni Kevin na awatin sila, kaso, nasama tuloy siya sa away.

Si Nica nakahiga parin sa lupa humihinga ng malalim, pupuntahan ko na sana siya kaso may nauna saken.

"Nica, are you okay?" And there goes the hero of the day. Sino pa nga ba, edi si Luke.

"Uhm... uhm... I'm fine. Medyo 'di lang makahinga kanina. May naamoy kasi akong nakakahilo eh..." sabi nya ng mahina ta's nag-blush. Tss! Ba't di nalang sila maghalikan? Alam ko namang may gusto sila sa isa't-isa eh!

"Oh, tapos na drama nyo?" Tanong ko sa kanila habang nakacross-arms.

Bigla nila akong tinignan at tinaasan ko lang sila ng kilay. "What? Kung tapos na yang drama nyo, let's move on."

Naglakad na'ko palayo sa kanila nang may humawak sa braso ko. Sumimangot ako nang nakita kong pinipigilan ako ni Jace. "Ano bang problema? Can please move on? Nasasayang ang oras naten sa mga ka-echusan nyo eh."

Hindi siya nag-react at tinuro lang si Nica na mukhang naiiyak na. Napa-buntong hininga lang ako. "Sorry Nics. Wala lang talaga ako sa mood ngayon." Sabi ko sa kanya sabay hinarap silang lahat. "Pwede bang maghanap muna tayo ng masisilungan? Hindi pa tayo nanananghalian eh."

"Oo, makakakain nga tayo, basta mahanap lang naten yung waterfall na sinasabi ko. Makakapahinga ka dun! Tara na kasi!" Sigaw ni Leika sa hatak sa akin. "Moody-moody your face! Dapat nga ako ang moody sa atin eh!" Tss! Naiinis ako! Ewan ko kung bakit!

Tatlong araw na ang nakalipas mula nang mahanap namin si Leika. Sumang-ayon kaming lahat na sulitin nalang namin ang mga araw namin dito sa isla hangga't hindi pa naaayos ang barko, kaya ngayon, papunta kami sa waterfall na nadaanan daw ni Leika nung nawala siya, kaso mukhang hindi naman 'ata alam ng moks na'to ang tamang daan eh!

"Alam ko na talaga ang daan! I'm one-hundred point ninety-nine percent sure. Dun 'ata yun eh! Hindi, dito! Nope, doon talaga! Hindi, dito na talaga!" Sabi niya matapos ng malalim na pag-iisip at naglakad patungo sa tinuro nyang daan. "Let's go!"

Napa-facepalm ako at hinarap siya. "Hindi mo talaga alam ang tamang daan noh?" Tanong ko sa kanya sabay taas ng kilay.

Ginaya ako ng nga kasama ko at tinaasan rin sya ng kilay at nagcross-arms. Nanliit tuloy si Leika. Halatang-halata sa ekspresyon nya na parang cute na unggoy na nahuling nangnanakaw ng saging eh! Haha! Poor mama Apes! PS. Hindi 'yun insulto ah! May cute naman sa unahan eh. Hehehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Adventures of Super 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon