A/N: Pic to the side ni Kalerky-ever na si Kristel.. Taray! :D Happi readin! VOMMENT! :)
__________________________________
CHAPTER TWO:
~Mary Grace's POV~
SINUSUNDAN namin ngayon si Ma'am Melly Cornancion papunta sa principal's office matapos mahuling ginawa na pala naming club yung canteen kanina. Kulang na nga lang disco lights eh!
Tsk, tsk, tsk. Kahit kelan... pasimuno talaga tong si kristel.
Pwede naman kaming magpakatino at sundan nalang ng tahimik ang principal eh, but nooo! Kailangan talagang mas punuin pa namin ang pasensya ng principal at magpalaloka.
Habang naglalakad, ginagaya-gaya nina Kristel at Ryka ang mga galaw ni Cornacion.
Kakamot sya ng ulo, kakamot din sila. Aayusin ni Ma'am glasses nya, aayusin rin nila imaginary glasses nila.
Nagtatawanan naman kami ng mahina sa likod at syempre, tawa-hampas combo ang tawa namin. Biglang napatawa si Leika ng tawa ng parang baboy na mas kinalakas pa ng tawa namin.
Tumigil si Principal at humarap sa amin. Tinignan nya kami ng masama.
"Be quiet! At sundan nyo nalang ako kung ayaw nyong ipatawag ko pa ang mga magulang nyo!" Sabi nya samin na nakasimangot at nakapamewang. Naglakad na uli sya patungo sa principal's office.
Tumahimik na kami at maglalakad na sana uli nang humarap si Kristel na nakapamewang. "Be quiet! At sundan nyo nalang ako kung ayaw nyong ipatawag ko pa ang mga magulang nyo!" Sabi nya samin habang ginagaya ang boses ni Ma'am habang nakasimangot.
Tumawa nanaman kami. Mukha kasi syang tungaks dahil nakasimangot sya edi mas lalo syang pumanget! Este gumanda! At yung boses nya parang lalakeng nasipa sa 'baba' nila! Hahaha!
Humarap ulit si principal at napatigil kami sa tawa. Hindi parin napansin ni Kristel dahil nakatalikod sya kay ma'am kaya nagpatuloy lang sya sa kalokohan nya.
"Ano? Hindi ba kayo susunod? Tatayo lang ba kayo dyan at tatawa? Sundan nyo na ako at pumunta na tayo sa office ko!" Pagpatuloy nya habang nakasimangot. Ine-exagge nya ang boses nya na mas lalong kinagalit ng principal.
Kung hindi lang sana nakatingin si Principal ngayon, siguro mamamatay nako sa katatawa!
Sinenyasan namin sya gamit ang aming mata at mukhang na-gets naman nya.
"--Este, pumunta na tayo sa office ni ma'am! Ano?! Galaw na! Hindi ba kayo nakikinig kay Ma'am Cornacion? Kanina pa kayo tawa ng tawa dyan ah!" Umiling sya samin tas humarap sya kay Ma'am at nagsmile ng pa-inosente. "Pasensya kana po ma'am ah! Kanina pa po kasi sila nagtatawanan, pinagalitan ko lang po sila. Tara na po. Punta na po tayo sa office nyo po." Sabi nya at nagpapa-cute pa.
Hah! Ok rin tong magsinungaling ah! Kami pa ang sisisihin ng lokang ito! Na-overuse tuloy ang 'po' nya sa kakasinungaling! Tsk, tsk, tsk.
"Pasensya na po ma'am! Di na po kami mag-iingay." Sabi naman naming lahat sabay kunwaring nag-zip ng bibig. Mukha namang naniwala si Ma'am at nagpatuloy na sa paglalakad.
Pagkatalikod nya nag-hi-five kaming pito at sinundan na namin sya ng tahimik.
Yup! Kaya naming maging normal noh! Hindi naman kami palaging may topak! Well, most of the time lang...
Nakarating narin kami at pinahintay muna kami ni principal sa labas dahil meron pa daw syang inaasikaso sa loob.
Habang naghihintay kami, nagsisihan naman tong mga kasama ko.
BINABASA MO ANG
The Adventures of Super 7
HumorKilala ang Super Seven sa Batac Junior College, isang sikat na paaralan sa Ilocos Norte. Grupo sila ng magkakaibigan na magkaibang-magkaiba ang mga ugali at kilala sila sa pagiging loka-loka at daring nila. Pero pano nalang kaya kung paglaruan sila...