Shadow 6

368 12 1
                                    

Shadow 6

Anneliese’s POV

Kasalukuyan kaming nagpapahinga ni Luxus sa isang murang Inn na malapit sa tinitirahan ni Mateo,

Kung titignan, isa lamang siyang simpleng blacksmith sa umaga pero sa ilang araw naming’ pagmamasid at pagsunod sa kanya.. nalaman namin ni Luxus na isa pala siyang Assassin ng isa sa pinakamayaman at pinakakilalang pamilya dito sa Arthenia—ang mga Yang.

“Anong plano?” tanong ni Luxus sakin, hmm.. ano nga bang plano?

“Wala, basta kapag nandun na tayo.. sapilitan man o hindi, kailangan nating makuha ang dalawang piraso na nasa kanya” sabi ko, tumango lang siya at nilinis na ulit ang espada niya,

Maya-maya, may kumatok sa pinto

“Pasok,” sabi ko, niluwa ng pinto ang isang Healing wizard, tingin ko tagapalingkod siya sa Inn na to.

“Magandang gabi po, lilinisin ko lang po ang kuwarto niyo,” sabi nung’ babae habang malagkit na nakatingin kay Luxus, tsk. Malandi

Dahil naiirita ako sa mga babaeng malalandi, nagpaalam muna ako na lalabas ako.. bahala na si Luxus diyan, maghalikan sila o magisiping wala akong paki alam—pareho naman silang malandi, bagay sila.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapunta ako sa Garden ng Inn na to, umupo ako sa isang kahoy na upuan.

Napatingin ako sa paligid at napanganga ako dahil sa ganda! Bakit? kasi may mga Garden fairies na nagkalat sa paligid, lahat sila ay umiilaw at para silang mga alitaptap.

Nakanganga lang ako habang nakangiti ng may maramdaman akong tumabi sakin, si Luxus.

“Bakit lumabas ka pa? malalim na ang gabi.” Sabi niya habang nakatingin rin sa mga Garden Fairies

“Wala, papahangin lang” simpleng sabi ko, nabalot kami ng katahimikan.

Sa mga panahon at oras na ganito.. hindi ko mapigilang isipin,

Ano kaya kami ni Luxus ngayon kung hindi niya ginawa iyon? Masaya kaya kami?

Siguro nga.. siguro masaya na kami.. siguro nga kasal at may anak na kami ngayon eh,

Pero tulad nga ng sabi nila, may mga bagay na hindi talaga para sayo.

Siguro nga, hindi para sakin si Luxus..

Ang tanong ko sa sarili ko..

Handa ko na ba siyang isuko na ng tuluyan?

Nagulat ako ng biglang magsalita si Luxus,

“Siguro.. siguro.. kung hindi ako naging tanga noon, masaya na tayo ngayong dalawa. Kasal at may mga supling na,” sabi ni Luxus

Wow, pareho pala kami ng iniisip.

Hindi na ako sumagot at nabalot kami ng katahimikan,

Siguro nga.. pero ang lahat ng bagay na naiisip namin ay puro SIGURO lang.

Velcore’s POV

“Papa, anong gagawin natin?” tanong ni Elizabeth, hindi ko rin alam ang gagawin ko.

“Sa ngayon, maitatago natin siya at mailalayo sa kanila, pero papa.. hindi natin kayang gawin un panghabang buhay! Malalaman din nila ang totoo” Primrose

“Anong gagawin natin, Pa?” Emily

“May isa akong naisip, pero hindi ko alam kung epektibo.. ang totoo niyan, kaya ko inutos kay Anneliese na kolektahin ang mga piraso ng hiyas ay para mailigtas siya mula sa kanila,” ako

Parallel Hearts: Taming A Hot Vampire SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon