Shadow 2

553 14 4
                                    

Shadow 2

Anneliese’ POV

Tatlong araw na ang nakaraan simula nung’ umalis kami ni Luxus sa Port euina, sa ngayon.. nandito kami sa isang mumurahing inn sa Port ruina.

“Tara, simulan na natin ulit ang paghahanap” sabi ko kay Luxus pagkabangon na pagkabangon niya sa higaan, oops! Hindi po kami magkatabi, dalawa po ang kama.

Kumain lang kami at nag-ayos bago kami lumabas at umpisahan na ang misyon,

Puro mga bampira at Wizards ang nakikita namin sa paligid, pero tingin ko naman ay wala silang gagawing masama sa amin dahil simula daw bumalik ang prinsesa ng Port Ruina ay naging maayos na ang samahan ng mga bampira at wizards, idagdag pa ang balitang ang prinsesa daw ng Port Ruina na isang Wizard ay nagpakasal sa isang Bampira.

“Magandang umaga, mayroon ka bang alam tungkol sa Hiyas ng Shiang?” tanong ni Luxus sa nakasalubong naming’ matanda

“Oo, sikat ung Hiyas na yon eh, pero wala akong alam kung saan niyo iyon matatagpuan” sagot ng matanda, tumango lang kami ni Luxus at naglakad na ulit.

Paulit ulit lang ang ginawa namin, pero wala kaming makuhang sagot.

Hapon na at wala pa kaming pahinga ni Luxus kaya naghanap kami ng mapagpapahingahan, nakakita kami ng isang burol at umupo sa ilalim ng mayabong na punong naka tanim sa tuktok nito.

“Ang tagal na nating naghahanap ng impormasyon pero wala tayong makita” sabi ko habang nakasandal sa puno

“Kailangan nating magtiis, nararamdaman kong may piraso ng hiyas sa lugar na to” sabi naman ni Luxus na nakahiga sa damuhan

Pagkatapos nun, wala ng nagsalita sa amin.. pareho lang kaming nakatingin sa magandang tanawin, mula kasi dito.. makikita mo halos ang buong Port Ruina.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng makarinig ako ng mga boses at mga yabag, papunta sila dito. Agad kong niyugyog si Luxus at sabay kaming umakyat ng puno at nagtago sa mga dahon nito, pero kita pa rin namin ung  paparating,

Maya-maya may nakita kaming isang lalaki at isang babae. Bampira ung lalaki at wizard naman ung babae, ramdam ko.

“Nakakapagod ang araw na to! Hays, pumapangit na ako eh!” sabi nung babae sabay higa sa damuhan, tumabi sa kanya ung lalaki.

“Hindi naman nakakapagod, tamad ka lang talaga kaya konting kilos lang ng katawan mo, pagod ka na” sabi nung lalaki, nagpout lang ung babae.

“Hey loveydudes ko! Diba may bisita tayo mula sa Port Euina?” sabi nung babae, teka.. kami ba ung tinutukoy nila?

“Oo, ang sabi ng mga kawal isang babae at isang lalaki daw ang ating panauhin at naghahanap sila ng impormasyon tungkol sa mga piraso ng Hiyas ng Shiang” sabi nung lalaki

“Sino naman kaya sila at anong kailangan nila dun sa hiyas ng lolo ko?” tanong nung babae, nagkatinginan kami ni Luxus

Lolo ng babae tong si Belciore? Baka naman nagbibiro lang tong babaeng to? Pero mukhang hindi eh.. may posibilidad na totoo ang sinasabi niya kasi nararamdaman kong malakas ang babaeng to, hindi siya basta-bastang wizard lang.. kahit na may dugo na ng bampira ang nananalaytay sa kanya.

“Ewan ko? Pero sabi ni Heathcliff, ang aura daw na inilalabas ng babae at lalaking panauhin natin ay ang aura ng mga taga Port Euina?” sabi nung lalaki

“Hmm, isang tao lang naman ang pwedeng mangailangan sa hiyas ng Shiang na kilala ko eh?” sabi nung babae

“Sino?” tanong nung lalaki, pero nagulat kami nung sabihin nung babae na..

Parallel Hearts: Taming A Hot Vampire SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon