Chapter 18

219 10 1
                                    

Shadow 18

Anneliese’s POV

“Anneliese, anak.. alam mo na siguro ang lahat hindi ba?” tanong ni Papa sakin pagkapasok ko sa kuwarto niya kasama si Luxus

“Opo Papa, at alam ko na rin po ung tungkol sa taksil na may balak na muling itayo ang Black Kingdom” ako

“Hindi namin alam ang gagawin, Anneliese.. hindi namin malaman kung sino ang mga taksil!” frustrated na sabi ni Papa

“Huwag na po kayong mabahala, Papa.. dahil alam na namin ni Luxus kung sino ang mga taksil.” Sabi ko, agad namang’ napatingin sakin si Papa

“P-paano?”

“Hindi na mahalaga iyon, Papa.. basta magtiwala kayo samin, gagawin namin ang lahat para hindi matuloy ang balak nila,” sabi ko kay Papa

“Mag-iingat ka Annliese…” sabi ni Papa

“Opo, Papa.” Sabi ko bago kami tuluyang lumabas ni Luxus.

**

Nandito kami ngayon sa Mansion ng mga Darktowers, alam kasi namin ni Luxus na hindi safe kung  sa bahay namin pag-uusapan ang aming plano lalo na’t alam naman natin na nandun ang isa sa mga taksil.

“Serenity, kaya mo bang kausapin si Infinity?” tanong ni Luxus kay Serenity

“Opo, ang kaso po ayaw po ni Infinity na mag-usap kami eh,” sabi ni Serenity

“Kausapin mo siya Serenity, sabihin mo alam na namin ang lahat at kailangan na nating’ gumawa ng plano.” Sabi ko, tumango naman si Serenity at nakita naming’ pumikit siya

‘Infinity..’

Narinig ko rin sa isip ko si Serenity, sigurado akong pati si Luxus ay naririnig rin siya.

‘Infinity, si Serenity to.. kailangan nating’ mag-usap’

Gumawa ng link si Serenity sa aming mga isip para makapag-usap kaming apat, ang galing talaga ng Serenity namin ^__^v

‘Serenity..’

Tumibok ng mabilis ang puso ko nang marinig ko ang boses niya sa unang pagkakataon, anak ko siya hindi ba? Boses un ng anak namin ni Luxus! Napatingin ako kay Luxus at nakita ko sa mga mata niya na pareho kami ng nararamdaman

‘Infinity, mabuti’t binuksan mo ang link mo! Kailangan nating’ mag-usap.. nila Mama Anneliese at Papa Luxus..’ Serenity

‘Infinity..’ mahina kong sabi

‘Mama…’

‘Infinity.. anak, kamusta ka na diyan? Sinasaktan ka ba nila—‘ hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol ako ng mag-ama ko

‘Relax!  Hinga!’ sabay na sabi ni Luxus at Infinity

Napatahimik kami sandali bago sabay-sabay na tumawa

‘Hahaha! Mag ama nga tayo!’ Luxus

‘Syempre naman Pa, pareho tayong guwapo eh!’ Infinity

‘tama na kalokohan niyo, oy!’ Serenity

‘Ito naman si Seribabes ko, pati sila Papa pinagseselosan!’ pang-aasar ni Infinity kay Serenity

‘Hoy hindi ah! Pero may importante po kasi tayong pag-uusapan Mister!’ Serenity

‘Ano ba un, Misis?’ Infinity

Yieeeee! Misis daw? Ang landi ng anak ko hahaha! Mana sa tatay—ay este sakin pala ^__^V

‘Anong misis ka diyan! Tigilan mo ako Fin hah! Kamusta na diyan?’ Serenity

‘Ok naman dito, Seri.. Mama, Papa..’ Infinity

‘May nakuha ka na bang impormasyon?’ Tanong ni Serenity

‘Sa makalawa nila balak sugudin ang Port Euina, kailangan niyo pong’ maghanda, Mama.. Papa. Malakas sila Malfire at Elizabeth pero tiwala naman po ako sa inyo at gagawin ko po ang lahat para maitama ang mga pagkakamali ng nakaraan.’ Infinity

‘Infinity..’

‘Huwag po kayong mag-alala sakin, kaya ko po ito. Hindi ba kayo tiwala sa sarili niyong Genes? Ako ata si Infinity Darktower!’ proud na sabi ni Infinity, nagkatinginan kami ni Luxus at ngumiti sa isa’t-isa

‘Magtutulungan tayong apat, magkakasama nating tatapusin to’ ako

‘Opo, Mama..’ sagot ni Infinity

‘Sige po Mama, Papa at Serenity, kailangan ko ng umalis.. paparating si Mafire’ sabi ni Infinity

‘Sige, mag iingat ka’ Luxus

‘Mag iingat ka anak,’ ako

‘Opo, Mama.. Papa.. Infinity

‘Infinity.. mag-iingat ka okay?! Pag may nangyari sayo papatayin kita!’ Serenity

‘Opo, mahal. Sige alis na ako’ Infinity

At naramdaman kong naputol na ang link namin kay Infinity. Pinutol na rin namin ang Link namin sa isa’t isa bago nagkatinginan

“Serenity, Luxus..” ako

“Tara na’t gumawa ng plano, Mama!” Serenity

Tumango naman ako at nag-umpisa na kaming mag-isip..

Hindi ako pwedeng pumalpak, malaki ang nakataya dito.

Parallel Hearts: Taming A Hot Vampire SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon