Chapter 19: Short Chapter

234 11 1
                                    

Shadow 19

Anneliese’s POV

Ilang araw na simula noong makabalik kami dito sa Port Euina—at hindi alam ni Ate Elizabeth na matagumpay ang misyon namin dahil pinalabas namin na hindi namin tinapos ang misyon dahil nga sa usapin patungkol sa taksil na nagbabalak na muling itayo ang Black Kingdom.

“Anneliese,” Luxuxs

“O?”

Nandito kami ngayon sa mansion ng mga Darktower, iniwan namin si Serenity kila Ate Avery upang maging mata namin kay Ate Elizabeth, Tiwala naman kami kay Serenity na magagawa niya ng maayos ang pagmamatyag kay Ate Elizabeth dahil isa siyang Equinox 2nd Generation Princess at may taglay siyang dugo ng isang Shin; atsaka matanda na yang’ si Serenity, ang totoong edad niya sa panahong pinanggalingan niya ay dalawampu’t Isa—si Infinity naman ay dalawampu’t tatlo.

“Mukhang malalalim ang iniisip mo?” tanong ni Luxus habang nakayakap sakin, nakahiga kami ngayon sa kanyang silid.

“Hmm, wala naman..” sabi ko at nagsumiksik pa sa kanya lalo

“Anneliese..”

“Bakit?”

“Delikado ang  ating misyon.. alam kong hindi kita mapipigilan kaya gusto kong mangako ka sakin..” Luxus

“Ano namang’ pangako?” ako

“Mangako kang Iingatan mo ang sarili mo.. at anuman ang mangyari, buhay ko man ang maging kapalit.. iligtas mo ang sarili mo,” Luxus

Buhay niya? Kapalit? Hindi pwede.. kung mamamatay siya, parang namatay na rin ako.

“Iingatan ko ang sarili ko pero hindi ko maipapangakong kaya kong ipagpalit ang buhay mo para sa buhay ko, mahal kita Luxus.. at mas mabuti pang magkasama tayong mamatay.. sa halip ikaw lang.” sagot ko

“Anneliese..”

“Mahal kita, Luxus.. hindi naman nagbago un eh, kahit sinaktan mo ako ng sobra.. at kahit saktan mo ako ng paulit-ulit, magagalit ako pero papatawarin pa rin kita.” Sabi ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti

“Mahal din kita Anneliese, mahal na mahal.. Tandaan mo na kahit kamatayan, hindi tayo mapaghihiwalay.. dahil kahit ilang beses man akong mamatay, ipinapangako ko sayong kapag muli akong isinilang, hahanapin kita.. hahanapin ka ng puso ko.” Luxus

Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Tama siya, kahit kamatayan ay hindi kami kayang paghiwalayin, dahil tulad niya; ilang beses man akong mamatay at muling mabuhay sa ibang katauhan, siya lang.. si Luxus lang ang hahanapin ng puso ko.

‘Mama, Papa’

Nagulat kami ng biglang kumonekta sa isip namin si Serenity, oo.. gumawa kami ng link para mabilis kaming makapag-usap.

‘Serenity, bakit?’ tanong ni Luxus

‘Papa, Mama.. narinig ko pong nag-uusap si Ate Elizabeth at Kuya Malfire sa likod-bahay kanina,’ Serenity

‘May nalaman ka ba, Seri?’ tanong ko

‘Opo..’ Seri

Ano?’ sabay naming’ tanong ni Luxus

‘Sa makalawa, ang araw kung kailan bumagsak ang Black Kingdom.. doon sila kikilos upang sugurin tayo,’ Seri

Nagkatinginan kami ni Luxus

‘Ano pa ang iyong nalaman?’ tanong ko

‘Nalaman ko rin po na ang Shadow po pala ni Kuya Malfire ay si Hades,’ sabi ni Serenity

Hades?! Imposible! Akala namin ay isa lamang alamat si Hades!

‘S-si Hades? Akala namin isa lang alamat ang Shadow na si Hades?’ Luxus

‘Akala ko rin po, Papa.. pero kahit sa hinaharap ay hindi pa niya pinakita ang Shadow niya, kanina po.. noong umalis ang lahat at akala nila ay natutulog ako, sineal ko po ang presensya ko at sinundan sila, nakita po ng dalawa kong mata ng pinalabas ni Malifire si Hades—at yon po ang gagamitin niya para makakuha ng mga ka-anib sa gagawin nilang pagsugod,’ Serenity

‘Paano mo naman nasisiguro na si Hades, iyon?’ tanong ni Luxus

‘Isa akong Time Wizard, Papa.. at nakita ko ang kaloob-looban ng Shadow ni Malfire, bukod pa roon.. may marka siyang katulad ng marka nila Misa at Kusaki ang pinagkaiba lang ay may nakapalibot na apoy sa marka niya,’

Hindi pwede.. Si Hades? Shadow ni Malfire?

Si Hades ay kinikilala bilang isa sa 5 Legendary Shadows pero wala pang nakakapagpatunay na totoo siya, ang tanging napatunayan lang na totoo ay ang Shadow kong si Misa at ang Shadow ni Luxus na si Kusaki dahil sa markang makikita sa kanilang dibdib, pero ang natitirang tatlo pa na kabilang nga si Hades ay hindi pa napapatunayan.

Ayon sa mga sabi-sabi, si Hades daw ay isang makasalanang shadow sapagkat umibig siya sa kanyang Mistress na si Amethyst. Mahigpit kasi na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng emosyonal na koneskyon ang Shadow at ang Mistress/Master nila.. dahil dun’ pinatapon siya sa kawalan. Ikinagalit daw ni Hades iyon, naipon daw ang lungkot, sakit, galit at pagkamuhi ni Hades kaya nilamon  siya nito at dahil dun ay nagbago ang kanyang anyo—naging isa siyang masama at malakas na Shadow, dahil dun.. nagawa niyang makaalis sa Kawalan at bumalik sa mundo para maghiganti, ang sabi pa ay si Hades na daw ang pinakamalakas na Shadow dahil kung kaya ni Kusaki na buksan ang lagusan ng kabilang mundo at kaya naman ni Misa na kontrolin ang mga kaluluwa.. si Hades naman daw ay kayang buksan ang lagusan ng dalawa sa tatlong dimensyonal na mundo—ang Impiyerno at Purgatoryo, bukod pa roon ay kaya niyang pasunurin ang lahat ng mga namatay na, Paano? Dahil nakipagkasundo siya sa Demonyo.

Para siyang isang replica ni Satanas.

‘Sige Seri, salamat..’ Luxus

‘Sige po,’ sabi ni Serenity at nawala na.

Nagkatinginan kami ni Luxus,

This mission will not be easy.

Parallel Hearts: Taming A Hot Vampire SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon