Shadow 10

274 10 1
                                    

Shadow 10

Anneliese’s POV

Mga ilang araw na rin kaming naglalakbay patungong Porte Alyena at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming  ideya kung gaano pa kalayo ang Porte Alyena.

“Mama! Kailan ba natin mararating ung Porte Balyena na yon!” nakangusong sabi ni Serenity habang naglalakad kami sa isang walang katao-taong lugar, puro halaman ang nasa paligid at ang nilalakaran namin ay isang malubak na daan.

“Porte Alyena, Seri” pagtatama ni Luxus

“Hindi ko alam Seri pero tingin ko naman malapit na rin tayo eh,” sabi ko, pero sa totoo lang.. wala akong ideya! Baka kasi magmaktol lang to lalo kapag sinabi kong hindi ko alam eh -___-

“Weh? Sa Ilang araw po nating magkakasama, alam ko na po kung kailan kayo nagsisinungaling Mama!” nakasimangot na sabi ni Serenity habang naka crossed-arms.

“O-oy! Hindi ah! Paano mo naman nasabing nagsisinungaling ako?” alanganin kong tanong

“Kapag po..” Serenity

“Kapag nagiging kulay kahel ang kanang mata mo!” sabay na sabi ni Luxus at Serenity

Napanganga naman ako, Hala sila oh! ( _ _ )

“Eeh? Paano naman nangyari un! Hindi ah!” totoo naman eh! Imbento sila! Edi kapag pala nagsisinungaling ako dati alam nila Papa at nila Ate? >_<

“Wag ka ng tumanggi Anneliese, totoo naman sinasabi ni Serenity eh haha!” Luxus

“H-hindi nga eh! Paano niyo naman mapapatunayan iyon aber?!”

“Gusto mo po talaga malaman  Mama? Sige po sasabihin namin sayo ni Papa!” Serenity

Hala >__<

“Una, pagkatapos niyo pong makalaban ung Dark Elf, ang sabi niyo po samin wala pong masakit sa inyo pero may nakita pong malaking sugat si Papa sa tagiliran niyo, at nung oras pong iyon.. naging kulay kahel ang kanang mata mo!” Serenity

“Eh bakit—“ Pinutol ni Luxus ang sasabihin ko, bastusan ang peg?!

“Makining ka muna! Pangalawa, nung’ sumunod na araw, tinanong kita kung nagselos ka ba dun sa Dark Elf, sabi mo hindi.. at nung oras na un, naging kulay kahel din ang kanang mata mo, haha! Selosa ang Anneliese ko!” Luxus

“Tapos kanina po nung’ tinanong kita kung malayo pa ba tayo sabi mo po hindi na, at naging kulay kahel nanaman po ang kanang mata mo!” Serenity

“Ako si Anneliese! Maraming kakaiba sakin no! Malay niyo naman trip lang ng mata kong magbago ng kulay!” ako

“TIGNAN MO! NAGIGING KULAY KAHEL NANAMAN PO ANG MATA NIYO PO MAMA!” Serenity

>O<

“Kahit na! Hindi pa rin un sapat na dahilan!” Ako

“Gusto mo pa ng pruweba? Sige bibigyan pa kita.. dati, nung mga panahong galit ka pa sakin, sa tuwing tinatanong kita kung mahal mo pa ako, sinasabi mo hindi.. at tuwing humihindi ka, nagiging kulay kahel ang kanang mata mo..” nakangising sabi ni Luxus

“HOY! HINDI AH!”

Parang sinasabi niyang mahal ko pa rin siya dati kahit nagalit ako sa kanya ah?! Ay sabagay.. totoo naman >:D

Pero  hindi naman talaga ako nagsisinungaling eh! Totoo po un! Malinis ang konsensya ng tatay KO! >O<

“Oo kaya” Luxus at Serenity

“Hindi nga!”

“Oo kaya,” Luxus

“Hindi nga eh!”

Parallel Hearts: Taming A Hot Vampire SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon