Shadow 9

313 11 2
                                    

Shadow 9

Anneliese’s POV

Dahil masyado kaming pagod nitong mga nakaraang araw at wala pa kaming impormasyon tungkol sa Hiyas ng Shiang, napagisipan namin na magpahinga muna at magsaya kahit sandali.

“Mama, Papa..  gusto ko pong umupo dun oh!” turo ni Serenity sa malaking puno na nasa tuktok ng isang maliit na burol

“Hm, sige!” sabi ko at naglakad na kami papunta don, hawak ni Serenity ang kanang kamay ko at hawak naman niya ang kaliwang kamay ni Luxus.. bali nasa gitna namin siya at patalon-talon pa habang nagalalakad, kung titignan mo tuloy kami para kaming tunay na pamilya.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa may puno, agad na humiga si Serenity sa damuhan at tumingin sa langit, kami naman ni Luxus ay magkatabing umupo sa gilid niya

“Alam niyo po ba, Mama.. Papa, ang sabi sakin ni Infinity, kapag daw po hindi kami magkasama, tumingin lang daw po ako sa langit..” biglang sabi ni Serenity habang nakangiting nakatingin sa kalangitan

“Bakit naman?” tanong ko

“sabi niya po kasi, kahit hindi kami magkasama.. tandaan ko lang po na nakatingin kami sa parehong kalangitan at hangga’t may langit.. magiging magkasama pa rin kami at magkikita’t magkikita kaming muli.” Napangiti ako sa sinabi ni Serenity.

Sumandal ako sa balikat ni Luxus at hinawakan naman niya ang kamay ko,

Napatingin rin ako sa langit..

Tama, Iisang langit. Parang kami lang ni Luxus? Kahit matagal ko siyang iniwasan.. nagkita pa rin kami kasi pareho lang kami ng tinitignang langit at.. kahit hindi kami magkasama, dala naman namin ang puso ng isa’t isa.

Biglang tumayo sa pagkakahiga niya si Serenity at nakita kong may dinukot siya mula sa bulsa niya,

“Haaaay! Alam niyo po ba Mama, bago kami magkahiwalay ni Infinity ay may binigay siya sa akin? Sabi niya po, ibigay ko daw po ito sa taong pagkakatiwalaan ko.. at sa tingin ko po, kayo po un.. mama at papa” sabi ni Serenity, nagtatakang tumingin kami sa kanya ni Luxus

“ano naman un?” Luxus

“Ito po oh..” sabi ni Serenity at  pagbukas niya ng kamay niya ay nagulat kami ni Luxus kasi ang ibinibigay samin ni Serenity ay..

Tatlong piraso ng hiyas.

“Sabi po ni Serenity, kung sakaling may maisip na po akong mapagbigyan nito, sabihin ko daw po na sana ay ingatan nila iyon at huwag daw pong gagamitin sa kasamaan, hindi ko po alam ang ibig sabihin niya pero alam ko naman po na hindi niyo gagamitin ito sa masama eh!” nakangiting sabi ni Serenity pagkatapos ay kinuha ang kaliwa kong kamay at nilagay dun ang piraso ng hiyas

“Sino ba talaga si Infinity, huh Seri?” tanong ko, ngumiti ng malapad si Serenity

“Ang sabi niya po ay galing siya sa hinaharap at kaya po siya nandito ay gusto niya pong baguhin ang hinaharap dahil po hindi naging maganda ang resulta ng nakaraan” Serenity

Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan!

“Anong ibig niyang sabihin Serenity?” tanong ni Luxus

“sabi niya po, may pagkakamaling nangyari sa nakaraan.. ang tinutukoy niya po ay ang kasaluyan, hindi raw po kasi nagtagumapay ang mga magulang niya sa misyon nila kaya po hindi maganda ang hinaharap na pinanggalingan niya, ang sabi niya po.. kaya po siya pumunta dito ay para maki-alam at siguraduhing’  magiging tama na ang lahat, ok lang daw pong ibuwis niya ang buhay niya dahil isisilang at isisilang naman daw po siyang muli eh” sabi ni Serenity

Parallel Hearts: Taming A Hot Vampire SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon